Inday TrendingInday Trending
Naging Palaman ng Tsismisan ang Babae nang Malamang Pumatol Siya sa Matandang Lalaki; Ano nga ba ang Kaniyang Tunay na Motibo?

Naging Palaman ng Tsismisan ang Babae nang Malamang Pumatol Siya sa Matandang Lalaki; Ano nga ba ang Kaniyang Tunay na Motibo?

“Naku! Iyang si Lisa, pera lang ang habol niyan kay Arnold. Isipin niyo naman, dalawampu’t anim ang tanda ng lalaki sa kaniya! Parang tatay na kung maituturing. Kung wala lang ‘yang pera si Arnold, imposibleng patulan iyan ni Lisa,” kumikibot ang bibig na tsismis ni Aleng Sonya sa mga ka-tropa nito sa tsismisan.

“Naku tama ka d’yan, Sonya. Maganda si Lisa at mapili pa iyan sa lalaki. Hindi ‘yan nagjo-jowa noon nang walang itsurang lalaki, kaya napaka-imposibleng totoong mahal niya si Arnold,” segunda naman ni Carmen ang klasmate nito sa chismisan.

“Kawawang Arnold ‘no? Huhuthutan lang siya Lisa, ‘pag nagkataon,” naka-ismid ring wika ni Whena.

“Sinabi niyo pa,” masungit na sang-ayon ni Sonya.

Lingid sa kaalaman ng mga ito na naroon lamang si Lisa, kasama ang ina nitong si Lily.

“Hoy! Mga chismosang salot sa lipunan. Tigil-tigilan niyo ang kaka-chismis sa anak ko ah! Walang ginagawang masama ang anak ko sa kahit sino mang tao. Anong sinasabi niyong hinuhuthutan ni Lisa si Arnold? Jusko! Sigurado ba kayo sa bagay na iyan?” Galit na singhal ni Lily sa magkaka-klasmate na tsismosa.

“Hindi pa man sa ngayon dahil bago pa lang sila, pero batid naming darating ang araw na huhuthutan din ni Lisa, si Arnold,” singhal rin ni Sonya.

“Tama! Kaya pwede ba Lily na huwag kayong masyadong magmalinis na pamilya. Imposibleng totoong mahal nga ni Lisa si Arnold, e halos magka-edad nga lang yata kayo ni Arnold,” sabat naman ni Whena.

“Hoy! Babaeng bitter sa buhay. Kaya ka naging matandang dalaga, dahil hindi ka naniniwala sa hiwaga ng pag-ibig. Hindi namin kailangang ipaliwanag ang sarili namin sa inyo. Sa ingles na salita ay mind your own business at huwag kayong nangingialam sa buhay nang iba. Kung ano man ang meron kay Arnold at Lisa ay labas na kayo roon at wala na kayong pakialam! Mga chismosang salot!” Mataray na sambit ni Lily saka nagmartsa palayo hila-hila ang braso ng anak na si Lisa.

Kinagabihan ay parehong pinatawag ni Lily si Arnold at Lisa, upang masinsinang kausapin.

“Maghiwalay na lang kayong dalawa ni Arnold, Lisa. Mula noong naging kayo ay naging palaman na ang pangalan mo sa lahat ng tsismisan. Ilang beses na akong nakipag-away nang dahil sa tsinitsismis ka nila at kini-kwestyon ang tunay mong damdamin para kay Arnold. Oo aminado akong pati ako ay nagtaka noong nalaman kong may relasyon kayo. Inisip ko rin kung ano ang tunay mong motibo. Kung totoo nga ang tsismis na pera lang ang habol mo kay Arnold ay mas maigi sigurong maghiwalay na kayo hangga’t maaga pa,” dismayadong wika ni Lily.

“Pero ma. Mahal ko po talaga si Arnold.” Mangiyak-iyak na wika ni Lisa. “Wala akong pakialam sa sinasabi nang iba, pero totoo po ang nararamdaman ko. Mahirap paniwalaan pero si Arnold lang ang minahal ko nang ganito. Wala akong pakialam sa yaman niya. Siya ang mas mahalaga para sa’kin,” tumatangis na wika ni Lisa.

“Totoo iyon, Lily. Alam kong nakakailang dahil halos magkasing-edad lang naman tayo. Pero totoo ang nararamdaman namin ni Lisa. Kaya ko nga siya minahal ng lubusan dahil nakita ko sa kaniya ang sensiredad. Hindi niya ako hinihingan nang kung ano-ano at hindi totoo ang sinasabi nang iba na pera ko lang ang habol ni Lisa. Kung hahayaan mo akong pakasalan si Lisa ay gagawin ko. Mapatunayan lang sa lahat na seryoso ako sa anak mo,” sensirong wika ni Arnold.

“Seryoso ka ba ri’yan, Arnold?” Salubong ang kilay na wika ni Lily.

“Oo naman. Mahal ko ang anak mo at handa akong gawin ang lahat para sa kaniya.”

“Sa bagay na iyan ay hindi ko na hawak ang desisyon ni Lisa. Kayong dalawa ang mag-usap at kung ano man ang desisyon niyo ay hinding-hindi ko kayo hahadlangan,” nakangiting wika ni Lily.

Gaya ng ipinangako ni Arnold ay pinakasalan nga nito si Lisa. Pinatunayan ni Arnold sa mga magulang ni Lisa na seryoso siya sa anak ng mga ito, kahit na nakapalaking agwat ng edad nila.

Habang si Lisa naman ay pinatunayan sa lahat ng mga tsismosa o sa mga taong hinusgahan ang relasyon nila na hindi niya kailanman hinangad ang yaman ni Arnold, dahil tunay ang nararamdaman niya para sa lalaki. Tunay ngang mahiwaga ang pag-ibig. Kapag tinamaan ka na nang mahiwagang pana ni Kupido ay wala ka nang kawala sa pag-ibig na nais niya para sa’yo.

Mahal na mahal niya si Arnold sa hindi niya malamang dahilan. Basta kulang ang pakiramdam niya kapag hindi niya ito makasama.

Advertisement