Inday TrendingInday Trending
Hindi Marunong Magsauli ng Gamit na Hiniram ang Dalaga at Nagpapanggap Pa Siyang Kanya Ito, Tinuruan Siya ng Leksyon ng Kanyang Nanay at Ate

Hindi Marunong Magsauli ng Gamit na Hiniram ang Dalaga at Nagpapanggap Pa Siyang Kanya Ito, Tinuruan Siya ng Leksyon ng Kanyang Nanay at Ate

“Ate, may date kami ni Rocky ngayon. Pahiram muna ako nitong kulay rosas mong bestida.” Wika ni Reign sa kapatid na si Jessica. Naiinis man ay pumayag na rin si Jessica. Palibhasa’y gustong-gusto na nitong mag-asawa ang kapatid upang umalis na ito sa kanilang bahay at sumama sa banyagang nobyo nitong si Rocky.

“Ma, pahiram muna ako nitong relos mo. Bagay kasi sa bestida ko. Kikitain kasi namin ang kapatid ni Rocky na galing pa ng Australia, kailangang magmukha akong presentable.” Saad ni Reign.

“Basta siguraduhin mo lang na isasauli mo, anak. Mahal kasi iyan. Dalawang buwang pensiyon ko ang inilaan kong huwag gastusin upang mabili iyan.” Kabilin-bilinan ni Aling Lydia.

“Opo, ma. Kayo naman. Paano ko naman hindi isasauli ito, nasa isang bahay lang tayo.” Pagbibida ng dalaga.

Maya-maya pa’y may kumatok sa kanilang bahay.

“Ate Reign! Yung libro ko, kailangan ko na. Isang buwan na iyon sa ‘yo. Baka puwede namang ibalik mo na.” Si Tricia ito, ang kanilang kapitbahay na kababata din ni Reign.

“Ay, oo nga pala. Hahanapin ko pa. Bukas, siguradong maisosoli ko na sa ‘yo yung libro mo. Para naman wala ka nang masabi pa.” Pagtataray pa ni Reign sa kababata.

Agad na lamang umalis si Tricia at halatang inis na inis.

Paalis na sana si Reign nang biglang mag-ring ang kanilang telepono.

“Oh? Oo na! Ibabalik ko. Hindi ko lang maasikasong linisin. Sige na, may lakad pa ako.” Tila iritang-irita si Reign sa kausap.

Palibhasa’y hiniram nito ang puting sapatos ng kaniyang pinsang si Anna at ginamit nang mag-hiking sila ng nobyong si Rocky. Hanggang ngayon ay nakatambak ito sa kaniyang kuwarto at balot na balot ng putik.

Nang mapansin ni Aling Lydia ang sapatos ay agad itong nilinis at tumungo sa bahay ng kapatid upang maisoli sa pamangking si Anna ang sapatos.

“Ate Lydia, pagsabihan mo naman ang anak mo. Diyos ko po, nakakahiya. Napakahilig manghiram ng gamit, tapos ay hindi na isinosoli! Wika ng tiyahin ni Reign na si Aling Melinda.

Pahiyang-pahiya si Aling Lydia sa kapatid. Kaya naman nakaisip ito ng paraan upang tiyak na matuto ng leksiyon ang anak.

“Hi, Rocky. This is your Tita Lydia. May I borrow your laptop? I just need to use it because all my friends have laptop and we will have a reunion soon. I just want to show them that I have a laptop too.” Natatawa-tawa pang saad ni Aling Lydia sa manugang na hilaw.

Gulat na gulat naman ang banyagang si Rocky ngunit dahil likas na maunawain ito’y ipinahiram at dinala pa iyon sa bahay ni Aling Lydia.

“Rocky, may I borrow your big bag? I just need it because we are going out of town for 1 week and I don’t have a big bag that will fit all my things.” Agad rin namang pumayag ang binatang banyaga sa request ni Aling Lydia.

“Mama, pupunta daw po dito si Ate Mary, ang panganay na kapatid ni Rocky. Huwag niyo akong ipapahiya! Ayusin natin ang bahay at ilabas natin ang mga mamahaling plato, pati na rin ang mga mamahaling kurtina. Damihan mo ang luto ha at sarapan mo!” Bilin ni Reign sa ina.

Nagkatinginan na lamang si Aling Lydia at Jessica sa inasal ni Reign. Tila lumalala na ang pagpapasikat nito sa nobyo.

“Nakasakay ko nga po sa jeep ang kaopisina niyang si Cheryl. Kaya pala hindi man lamang makapagbigay ang babaeng iyan kahit pangbayad ng tubig dahil lahat ng suweldo niya’y napupunta lamang sa mga pang-porma. Inaasar pa nga daw si Cheryl na hinding-hindi ito makakakuha ng nobyong gaya ni Rocky dahil wala itong hilig mag-ayos at mukhang manang. Napakayabang talaga ng babaeng ‘yan! Samantalang wala nang ibang ginawa kung hindi manghiram! Ni hindi na nga iyan naguulit ng damit!” Gigil na gigil na sumbong ni Jessica sa ina.

Gayunpaman ay sinunod nila ang bilin nito ngunit naging kakontiyaba na rin ni Aling Lydia si Jessica sa kaniyang planong turuan ito ng leksyon.

Nang magpaalam na may bibilhin lamang sa tindahan ang mag nobyo ay sinamantala na ni Jessica ang pagkakataon.

“Mary, can I borrow your sunglasses? It’s so beautiful. I think it fits me well too.” Saad ni Jessica.

Agad namang iniabot ng banyaga ang kaniyang salamin kay Jessica. Maya-maya’y sinundot na naman ito ng hiram ni Jessica. Lipstick, pabango, bag, at kung anu-ano pa hanggang sa makabalik na ang mag-nobyo.

“Ate Reign! Yung libro ko! Kailan mo balak isoli? Pinapasabi rin ni Ate Fiona na ibalik mo na yung hiniram mong bathing suit at panty’t bra sa kaniya! Ate Reign, lahat na lang hinihiram mo. Wala naman sanang problema pero hindi ka marunong magbalik!” Galit na galit na ang kababata nitong si Anna at napasugod sa kanilang bahay.

Inis na inis na rin ang nanay at kapatid ni Reign kaya’t mariin nitong isinalin sa salitang Ingles ang sinabi ni Anna nang magtaka ang banyagang magkapatid kung bakit ito napasugod doon.

“I think your family loves to borrow things. Your mom also borrowed my bag and my laptop weeks ago and she has not returned it yet. I actually need to use my laptop, it is a personal thing that you’re not supposed to borrow!” Saad ni Rocky na tila naiinis na.

“Yes, your sister borrows many things from me, even my lipstick. I just find it not sanitary.” Saad ni Mary.

Namumula na sa hiya si Reign at kinausap ng pribado ang nobyo at kapatid nito. Nang makaalis ay agad nitong kinompronta ang ina at kapatid.

“Nananadya ba kayo?! Gusto niyo bang magkahiwalay kami ni Rocky!? Pahiyang-pahiya ako pati sa kapatid niya!”

“Ngayon alam mo na ang pakiramdam sa tuwing may pupunta o tatawag dito para hanapin ang mga gamit na hinihiram mo!?” Saad ng ate nitong si Jessica.

Agad namang naunawaan ni Reign ang ginagawa ng kaniyang ina at kapatid. Magagalit pa sana ito at marami pang nais sabihin ngunit bigla siyang tinawagan ni Rocky sa telepono.

“Reign, I’m sorry but I need space. I just don’t like your attitude. Like showing off things you just borrowed and acting like you own it.” Tila nakikipaghiwalay na saad ni Rocky sa dalaga.

Natameme ang dalaga sa narinig mula sa nobyo. Sinusubukan pa nitong tawagan ang kapatid nitong si Mary upang matulungan siya nitong makipag-ayos sa nobyo ngunit hindi nito sinasagot ang kaniyang mga tawag at text.

Lumipas ang ilang buwan at tuluyan nang nakipag-kalas si Rocky sa dalaga. Halos hindi na ito kumakain sa sobrang kalungkutan. Napag-alaman din nila Aling Lydia na pati ang mga ka-opisina ng dalaga ay hinihiraman din nito ng kung ano-anong bagay gaya ng bag, magagandang damit, at mga pang burloloy sa katawan.

Agad na nagtulong ang mag-ina sa paghahanap ng mga gamit upang hindi maeskandalo si Reign. Unti-unti ay naibalik na nila ang mga gamit at doon nagsimulang mapagtanto ng dalaga na mali nga naman at kahiya-hiya ang kaniyang ginagawa. Unti-unti itong nagsimulang muli at nagbago.

Nang makita nito sa Facebook ang nobyong si Rocky ay may bago na itong kasintahan at malapit na din itong ikasal. Ang masakit pa doon ay kilala niya ang nobya nito, si Cheryl. Ang kaopisina niyang simple lamang. Ang lagi niyang inaalaskang baduy kung pumorma at iisa lamang ang sinusuot na sapatos.

Sang-ayon ka ba sa ginawa ng ina at kapatid ni Reign upang matuto ito ng leksiyon? Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Advertisement