Inday TrendingInday Trending
Nirereto ng Anak ang Kanyang Ama sa Paborito Niyang Teacher; Nagulat nang Ama nang Makita Kung Sino ang Babae

Nirereto ng Anak ang Kanyang Ama sa Paborito Niyang Teacher; Nagulat nang Ama nang Makita Kung Sino ang Babae

“Hindi ka ba sinabihan ng ayoko ng sekretarya na prosti kung manamit! You’re fired!” Bulyaw ni King sa bagong niyang sekretarya bago niya tinawagan ang H.R. para sabihing ikuha siyang muli ng sekretarya. Sawang-sawa na si King sa mga babaeng sekretarya na walang ginawa kung hindi magsuot ng mga damit na sobrang liit na akala mo ay sa beach ang punta at hindi sa opisina para magtrabaho.

Ngayong ang ika-walong kaarawan ng anak ni King kaya imbes na masira ang kaniyang araw ay umuwi na lang ito sa bahay para makasama ang kaniyang anak.

Nang napagod ang mag-ama sa halos buong araw na paglalaro ay dumiretso ang mga ito sa kusina para magmeryenda. “Daddy, hindi ba sabi mo po ibibigay mo kahit na anong hilingin ko? Ang gusto ko pong gift sa birthday ko ay isang Mommy.” Hiling ni Prince, ang anak ni King.

Kung hindi nga lang sila tinakbuhan ng maharot na nanay ni Prince para sumama sa isang kano ay dapat matagal nang may Mommy ang kaniyang anak.

Maliban pa doon ay mahal pa rin ni King ang kaniyang first and only crush. Sayang nga lang at naduwag siya noon. Pero malabo talagang magustuhan siya ng isang campus queen gayong isang baduy na nerd siya noon. Kaya laking pasasalamat niya na sila ang naging magka-partner nung prom nila. Kahit papaano ay nakasayaw niya ito kahit halos atakihin na siya sa puso so sobrang kaba.

“Huwag kang mag-alala, Daddy, matagal na po kitang tinutulungang ligawan yung pinakamagandang teacher sa school namin. Kasal na lang ang kulang.” Nasamid si King sa iniinom niyang juice dahil sa rebelasyon ng kaniyang anak. “Oo, nga po pala. May parent-teacher conference kami sa Friday. Pwede po bang kayo na lang ang pumunta imbes na sina lolo at lola para mapakilala ko na po kayo sa future Mommy ko?”

Aminado si Prince na parang yelo ang puso ng kaniyang Daddy kaya kailangan nito ng isang hot na Mommy para mainitan ang malamig nitong puso ng sa gayon ay mabawasan na ang pagiging masungit nito. At ang teacher niya na si Miss Queenie ang sa tingin niyang babagay sa kaniyang daddy.

“Miss Queenie, flowers po galing kay Daddy. Pwede niyo na po bang pakasalan ang Daddy ko? Mamaya maunahain pa siya ni Sir Robert Pangit.”

“Prince, huwag mong tawaging pangit ang Sir Robert mo. Bad ‘yon.” Araw-araw ay dinadalhan si Queenie ng mga bulaklak ni Prince na ayon dito ay galing sa kaniyang Daddy. Sinasakyan niya lang ang trip ng bibo niyang estudyante. Mahigit anim na buwan na rin siya nito binibigyan ng mga bulaklak. Mabait naman itong bata, yun nga lang ay sobra ito kung makapanglait kay Robert, ang binasted niyang manliligaw.

Walang balak si Queenie na paasahin si Robert dahil mahal pa rin niya ang kaniyang first love. Sayang at mukhang na turn-off ata ito sa suot niyang backless na gown dahil hindi siya nito kinibo buong gabi nung prom. Kunsabagay hindi talaga papansinin ng isang overconsevative na lalaki ang isang babae na sobrang liberated kung manamit. Kung matagal na sana siyang losyang manamit, eh, di sana matagal na silang kasal.

Nagpumilit si Prince na bumili muna ng mga bulaklak bago sila pumunta sa school. Kung gaano katagal mamili ang anak ni King ng bulaklak ay taliwas sa bilis nitong tumakbo para iabot ang mga bulaklak sa kaniyang teacher. Ngayon ay naliligaw na siya at kanina pa paikot-ikot sa school para hanapin kung nasaan ba ang classroom na anak ng may mabugong siyang babae.

Natulala si King nang mamukaan niya ang nabunggo niyang babae. Labis ang kaniyang pagkabigla kaya hindi siya agad nakapagsalita. “Let’s get married.” Diretsang sabi ni King sa babaeng nabunggo niya, ang kaniyang first and only crush. Hindi na siya magpapakaduwag ngayon at wala siyang balak na magsayang ng panahon kung sa kasalan din naman ang kanilang kababagsakan.

Dalawang taon na ang lumipas pero tila nananaginip pa rin si Queenie. Hindi pa rin siya makapaniwala na natupad ang kaniyang pangarap, ang makasal kay King, ang kaniyang first love. Ngayon ay isinilang niya ang unica hija ng pamilya, si Princess.

“Daddy, thank very much dahil tinupad mo ang wish ko na magka-Mommy at baby sister. Pero, Daddy, kailan niyo po tutuparin iyong matagal ko nang wish na bawasan ang kasungitan mo? Kawawa naman ang mga sekretarya mo. Hindi man lang tumatagal ng isang linggo.” Biro ni Prince sa kaniyang Daddy.

Advertisement