Inday TrendingInday Trending
Hindi Inakala ng Babaeng Ito na Matapos Mabuntis ng Maaga, ang Anak ang Magiging Tagapagtanggol Niya sa Lahat ng Panghuhusga

Hindi Inakala ng Babaeng Ito na Matapos Mabuntis ng Maaga, ang Anak ang Magiging Tagapagtanggol Niya sa Lahat ng Panghuhusga

Kinse anyos si Sherwina nang mabuntis siya ng nobyo, kaedad niya rin ito. Noong una ay maayos naman ang naging takbo ng kanilang relasyon pero hindi nagtagal, dahil na rin siguro sa parehong bata pa ay naghiwalay rin ang dalawa. Gayunpaman ay hindi isinuko ni Sherwina ang kanyang pagbubuntis, nilakasan niya ang loob na dalahin ang sanggol sa tiyan kahit walang kasiguruhan kung ano ang magiging buhay nilang mag ina pag labas nito, o kung mabubuhay ba sila dahil obvious naman na hindi siya makakapagtrabaho. Makalipas ang ilang buwan ay isinilang niya si SJ, kamukhang kamukha niya ang batang lalaki. Sa tulong ng kanyang nanay ay binuhay niya si SJ, nangako siya sa kanyang ina na kapag naka-graduate siya ng pag aaral ay babawi siya sa lahat ng sakripisyo nito. Hinarap ni Sherwina lahat ng panghuhusga sa kanya, malandi, maagang nabuntis, makati, disgrasyada, at kung anu ano pa. Ang mga ngiti ng kanyang munting anak ang nagpalakas ng loob niya. Sa tuwing may sinasabi sa kanya ang mga tao ay iisipin niya lang ang masayang batang lalaki na sabik na sabik yumakap sa kanya, hindi na niya iniinda ang lahat. Oo at nagkamali siya, pero wala namang edad ang pagiging ina. Nang isinilang niya si SJ ay isinilang na rin ang pagiging nanay niya. Lumipas ang maraming taon, ngayon ay graduating na ng high school si SJ. Hindi pa rin nakakaiwas sa mga chismis si Sherwina, lalo na pag sinasamahan niya ang anak sa eskwela tulad ngayon. Paano kasi, para lang silang magkapatid at kung malalaman ng mga tao na mag ina sila ay titignan na si Sherwina ng mga ito mula ulo hanggang paa. Hindi naman ikinahihiya ni SJ iyon, sa katunayan ay inaalalayan niya pa ang mama niya habang papasok sila ngayon sa University kung saan niya gustong magkolehiyo. Ngayon ang initial interview niya sa eskwelahan. Matapos ang ilang tanong tungkol sa kanya at sa income ng magulang niya ay hindi maiwasang mag usisa ng interviewer. ‘Sino yung kasama mo? Your sister?” tanong nito. “She’s my mom po.” proud na sagot ni SJ. “Your mom? Ang bata pa! anong edad siya nag asawa?” pang uusisa pa nito. Kalmado naman si SJ, hindi iyon ang unang beses na may nagtanong sa kanya ng ganoon. “15 po,” sabi niya. “Oh my Gosh, so nahuhulaan ko na wala kang dad ano? Kasi, obviously, she’s too young and relationships like that, you know, they don’t last long.” komento nito, kahit medyo personal na ay tuloy pa rin. “Wala po, mag isa lang akong binuhay ni Mama.” sagot pa rin ng binatilyo. “Iba rin ang mom mo ano?” nakangising sabi nito. Alam naman ni SJ na hindi paghanga ang nilalaman ng komentong iyon kung hindi panghuhusga sa kanyang ina. “Iba nga po, ibang iba. Siguro iniisip mong malandi ang mama ko, hindi nga siya perpekto pero ibinigay niya ang lahat para mabuhay ako at sapat na yon para maging perpekto siya sa mga mata ko. Alam niyo po, ang laki ng paghanga ko sa mga guro at sa school na to pero ang ipinakita ninyo ngayon ang dahilan kung bakit ayaw ko na. Di bale na lang po, paano ko maaasahang may maganda kayong maituturo kung hindi ninyo masimulan sa simpleng respeto sa kapwa.” dire diretsong sabi ng binata sabay talikod. Nilapitan niya ang kanyang ina at inakay na ito palabas. “Ano’ng nangyari? Nakapasa ka ba?” nagtatakang tanong nito. “Hindi po, hindi ako pwede rito.” Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement