Naiirita ang Isang Ina sa Kanyang Anak dahil Imbes na Tumulong ay Puro Pagba-basketball ang Inatupag Nito, Nagtaka Siya sa Dala-dala ng Anak Isang Araw
“Ano, Yeoj puro basketball na naman ba ang aatupagin mo? Aba tulungan mo naman ako dito sa bahay,” inis na turan ni Aling Jecka sa anak nang makitang papalabas ang anak at nakapang-basketball na namang outfit. “Ma, nakapagluto na po ako. Napalitan ko na rin po ng diaper si baby at nalinisan na rin yung likod-bahay,” magalang na tugon ni Yeoj sa inang naglalaba. “Ma, laro po muna ako basketball, pagbalik ko po ako na po magsasampay n’yan.” “Aba ano pa nga bang magagawa ko? Lumayas ka na!” Tuwang-tuwang lumabas ng bahay si Yeoj. Siya ay 15 taong gulang ay kasalukuyang nag-aaral ng vocational. Bawat laro ay ginagalingan ni Yeoj. May motibasyon kasi siya sa paglalaro. May gusto siyang gawin kapag nanalo sila doon. Isang laro at isang panalo nalang kasi ay mabibili niya na ang pinag-iipunan niya. Kaya naman ginalingan niya talaga ang paglalaro. Tuwang-tuwa siya nang manalo at makuha ang perang naipanalo mula sa pustahan. Agad siyang umuwi ng bahay upang gawin ang pinangako niya sa nanay niyang siya ang magsasampay ng mga nilabhan nito. Wala ang nanay niya at nag kapatid niya lang na si Janine ang kaabutan, “Ne, saan si nanay?” “Nasa tindahan kuya, nangutang ata ng gamot, nasakit kasi ang likod niya.” Nalungkot si Yeoj, naaawa siya sa nanay niya. Labandera ang nanay niya kaya naman halos araw-araw itong naglalaba. Gusto niyang tulungan ito ngunit wala naman siyang magawa. 15 year old palang siya at walang may gustong tumanggap sa kanya bilang part-time worker. Agad na tinapos ni Yeoj ang pagsasampay, kinuha ang ipon sa kanyang piggy bank at maya-maya’y nagpaalam sa kapatid niya, “Ne, labas muna ako ah.” Kahit hindi pa kumakain ay umalis na ng bahay ang binata. Dahil sapat na ang pera ay binili na niya ang matagal nang gustong bilhin. Excited siyang umuwi ng bahay. Nakasimangot agad ang nanay niya, “Ano Yeoj, saan ka naman galing? Kumain ka na d’yan.” Imbes na sumagot ay niyakap lang ng binata ang pagod na ina, “Ma, sorry napapagod kayo dahil sa amin. Sorry din kung akala mo puro basketball ako. Ma, hindi ko naman po ginagawa ito dahil lang gusto ko…” Maya-maya’y binigay nito ang isang papel, “Ano to?” “Gift certificate ‘yan Ma, kapag dinala mo yan sa mall, may libre kang full-body massage.” “Anong ibig mong sabihin? Mahal ‘to diba?” “Pinag-ipunan ko ‘yan Ma sa bawat panalo ko sa basketball, hindi ko po muna sinabi sa inyo para surprise. Nahihirapan po kasi akong maghanap ng ibang pagkakakitaan kaya ito lang po ‘yung naisip ko. Tuwing linggo pinipilit kong manalo para mabili ko ito para sa inyo. Naawa na kasi ako sa inyo, Ma lagi masakit likod niyo sa paglalaba.” Wala nang nagawa si Aling Jecka kundi maiyak sa mga sinabi ng anak. Buong-akala niya ay puro basketball lang ang inaatupag nito, hindi niya lubos-maisip na kapakanan rin pala niya ang iniisip ng panganay na anak. “Salamat, anak. Mahal na mahal kita.” Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.