Inday TrendingInday Trending
Ninakaw ng Lalaki ang Lotto Ticket na Tumama ng 1 Billion sa Matandang Pilay, Hindi Niya Inakala na Triple ang Magiging Kapalit ng Kaniyang Kapangahasan

Ninakaw ng Lalaki ang Lotto Ticket na Tumama ng 1 Billion sa Matandang Pilay, Hindi Niya Inakala na Triple ang Magiging Kapalit ng Kaniyang Kapangahasan

Malas na naman. Matagal nang tumataya sa lotto si Boyet pero kahit isa ay hindi tumatama ang mga napipili niyang numero. Sayang na naman ang pinambayad niya. Sana ay pinangbili na lang niya ng sigarilyo o kahit beer man lang. Siguro ay mas masisiyahan pa siya kung nagkaganoon. Pero dahil naakit siya sa bilyong halaga na papremyong ay nagsisisi siya ngayon kung bakit tinaya pa niya ang natira sa sahod niya.

Papalapit na sana ni Boyet sa basurahan nang mabangga siya ng isang pilay na matanda.

“Pasensya na. Sumabit ang saklay ko sa nakausling bakal.” Hinging paumanhin ng matanda bago niya pulutin ang nahulog niyang ticket ng lotto at lumapit kung saan nakapaskil ang mga winning numbers.

Itatapon na sana ni Boyet ang nahulog niyang ticket nang mapansin niyang iba na ang mga numero sa hawak-hawak niyang ticket. Kinusutkusot pa niya ang magkabila niyang mata para masigurong hindi siya namamalikmata. Muli siyang tumingin sa nakapaskil na winning numbers bago palihim na ngumiti. Ang matandang pilay ang nanalo ng jackpot prize. At dahil sa minamalas ito ay nagkapalit sila ng ticket. Sa madaling salita ay bilyonaryo na siya.

Dali-dali siyang umalis sa kaniyang kinatatayuan bago magsimulang maghinala ang nakabangga. Pasakay na sana siya ng dyip ng may kulubot na kamay ang kumapit sa kaniyang palupulsuhan. Hinahabol pala siya ng matandang pilay. Kinabahan bigla si Boyet. Natatakot siya na baka nabisto na siya nito.

“Huwag mo na ulit kakalimutan ang wallet mo. Sige na at mukhang nagmamadali ka.” Hingal na hingal ang matanda mula sa kaniyang pagkakatakbo habang inaabot ang butas niyang wallet. Grabe, nagawa pa nitong magmagandang loob. Hindi nito alam na napakalaki ng ninakaw sa kanya ni Boyet para ibalik pa niya ang wallet niya.

Nang makuha ni Boyet ang pera mula sa nanalong ticket ay bumili siya agad ng mga magagarang motorsiklo at mabibilis na sasakyan. Siyempre ay hindi mawawala sa listahan ang dalawang paborito niya sa buong mundo, ang alak at sigarilyo. Ang pagkakaiba nga lang ngayon ay panay stateside na ang kaniyang mga binibili. Madalas na rin siyang makikita sa mga bars at clubs mula opening hanggang closing.

Dahil kampante siya na pwede na siyang magretiro ay umalis na siya sa kaniyang pinagtratrabahuan. Imbes na gamiting kapital sa negosyo o ihulog sa bangko ay sa mga casinos at mga gambling den napupunta ang kaniyang napalanunan. Hindi rin pwedeng kalimutan ang mga babaeng kinakama niya at pinaliliguan ng mga mamahaling regalo.

Isang araw ay lasing na umuwi si Boyet mula sa isang bar sa Makati. Habang minamaneho niya ang kaniyang pulang Hennessey Venom sa EDSA ay bigla siyang nawalan ng kontrol sa sasakyan hanggang sa sumalpok ito sa isang concrete barrier. Tumalsik ang kaniyang katawan palabas ng windshield at malakas na humampas ang kaniyang ulo sa semento.

Nung magising si Boyet ay isang doktor ang naaninag ng kaniyang mga mata. Sinubukan niyang magsalita ngunit may tubong nakakabit sa kaniyang bibig. Sinabukan niyang igalaw ang kaniyang mga kamay para kunin ang atensyon ng doktor ngunit nagulantang siya nang makitang hindi kumpleto ang mga daliri niya sa kanang kamay. Sa tindi ng kaniyang takot ay tumunog ng mabilis ang heart monitor sa tabi ng kaniyang hinihigaan na nagbunsod sa doktor na tumawag ng nurse para tutukan siya ng pampakalma.

Nung muling magising si Boyet ay mas kalmado na siya kaya’t nagawa na siyang kausapin ng doktor tungkol sa mga operasyong ginawa sa kaniya para masalba ang kaniyang buhay. Naipaliwanag niya ring mabuti ang tungkol sa kalagayan niya.

Malaking pinsala ang naidulot ng aksidente sa katawan ni Boyet. Naputol ang kaniyang mga daliri nung sumabit ang mga ito sa hood ng sasakyan noong tumilapon siya sa semento. Hindi na rin siya makakapagsalita dahil sa nasira ang kaniyang vocal cords nang natusok ito ng salamin mula sa windshield. At maliban doon ay paralisado na ang kaniyang mga binti. Wala ng paraan para makalakad pa siyang muli.

Ilang araw ang lumipas matapos ang aksidente ay may hindi inaasahang tao ang bumisita kay Boyet. Dinalaw siya ng matandang pilay na nakapalitan niya ng lotto ticket. Namukhaan siya nito nung lumabas ang mukha niya sa balita.

“Tatagan mo ang loob mo at huwag kang mawawalan ng pananampalataya sa Kaniya.” Bago umalis ay taimtim siyang ipinagdasal ng matanda.

Paano siya natunton ng matandang ito? Sinusundan ba siya nito at inaalam kung saan niya ginamit ang perang dapat ay para dito? Dahil hindi siya makapagsalita ay hindi na niya ito natanong. Ang alam niya’y hindi ito ni minsan nagpakita ng masamang pakikitungo sa kanya kahit ninakawan niya ito ng limpak-limpak na salapi.

Gustuhin mang ipagsigawan ni Boyet ang paghingi ng tawad sa matanda sa kaniyang kasalanan ay hindi niya magawa. Tanging sa pagsusumamong mga mata at pagluha niya naipapakita ang nais niyang iparating. Labis siyang nagsisisi na inangkin niya ang hindi sa kaniya. Hindi niya inakala na ito ang magiging kabayaran ng ginawa niyang kasalanan.

Sa palagay niyo, sapat na ba ang aksidenteng naganap kay Boyet bilang parusa sa pag-angkin niya sa premyo ng matandang pilay? Sa papaanong paraan siya makakahingi ng tawad sa matanda gayong hindi na siya makapagsalita at hindi siya makasulat dahil putol na ang kaniyang mga daliri? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement