Pinagtatawanan ang Babae Dahil Mabaho Raw ang ‘Ano’ Nito, Hindi Nila Alam ang Malagim na Trahedyang Pinagdaanan ng Dalaga

Sa isang opisina sa Ortigas, mas marami ang mga bilang ng empleyado nilang mga babae kaysa mga lalaki. Kaya naman hindi maiwasan ang tsismisan sa tuwing magkakasama-sama ang mga ito.

Isang bagong empleyadong babae ang pinag-uusapan ng magkakaibigang si Maan, Terry, at Gina. Napapansin daw kasi ni Maan na sa tuwing dadaan ang dalagang si Laureen ay nangangamoy mapanghi at malansa ang kapaligiran.

“Uy! Grabe talaga! Kanina, nakasalubong ko na naman si Laureen. Amoy natuyong ihi na naman. At hindi lang basta mapanghi ha, masangsang ang amoy!” kwento ni Maan sa dalawa habang kumakain sa kantina ng kanilang opisina.

“Oh? Kadiri naman! E bakit ganoon?” tanong ng nagtatakang si Terry.

“Hahaha! Ano ‘yon? Amoy p*ke ang buong katawan? Baka hindi naghuhugas!” tawang-tawang sabi ni Gina.

“Oo! Ganoon na nga. Amoy p*ke na ilang araw nang hindi hinuhugasan!” sagot ni Maan.

“Diyos ko! Maganda nga, ganoon naman. Kakadiri!”

Tuwang-tuwa ang tatlo dahil may bago na naman silang lalaitin at pagchi-chismisan sa tuwing sila ay magkaka-usap.

Advertisement

Isang araw, nakarating sa tatlong chismosa na ang gustong-gustong lalaki ni Gina ay nagkakagusto sa dalagang si Laureen. Agad nag-init ang ulo ni Gina.

“Ha? Panong magkakagusto si Martin doon? Ang baho-baho nun e! Amoy p*keng bulok!” ‘ika ng nagngingitngit sa selos na si Gina. Matagal na niyang gusto si Martin ngunit kahit anong gawin niyang pagpapapansin ay hindi pa siya nito nabibigyan ng atensyon.

“Ewan ko, ha? Mabait daw yung babae e. Tapos kita mo namang maganda talaga. Kaso nga, mabaho ang hiyas! Kaya nako, hayaan mo na! Mas mabango ka naman doon,” pagpapa-gaan ng loob na sabi ni Terry sa kaibigan.

“Ano ba ‘yon? May sipon ba ‘yang si Martin?” pabirong sabi ni Maan.

Agad namang nakaisip ng plano si Gina. Ipinagkalat niya sa buong opisina na kung sino-sinong lalaki ang pinapatulan ni Laureen kaya naman nagkaroon ito ng impeksyon sa ari. Inutusan din niya ang mga kaibigan na ipakalat ang tsismis. Napakabilis nitong kumalat sa buong opisina.

Isang araw, pagpasok ni Gina ay nakasalubong niya ang umiiyak na si Laureen. Nakasimangot ito sa kaniya at namumugto pa ang mga mata. Nagulat siya nang bigla itong tumigil para siya ay kausapin.

“Anong nagawa ko sa iyo? Bakit kung anu-anong maling kwento ang ipinagkakalat mo tungkol sa akin? Kilala mo ba ako? Alam mo ba ang mga pinagdaanan ko?” wika ng kaawa-awang babae.

“O, bakit? Totoo naman ah! Ang baho ng kipay mo! Maghugas ka nga!” matapang pang sagot ni Gina.

Advertisement

Nagsagutan pa ang dalawa nang biglang dumating ang boss nila.

“Gina, pumasok ka sa opisina ko.”

“E, sir! Etong babaeng ito e, ang tapang magbintang na chismosa ako!” pagsisinungaling pa ni Gina.

“Ngayon na! Sa opisina ko!”

Nagulat ang lahat dahil bihira lamang nilang marinig na sumigaw ang boss na si Conrado.

Nang makapasok sa opisina, takot na takot si Gina dahil halata sa mukha ni Conrado na galit na galit ito.

“Anong nangyari? Nakarating nga sa akin na kung anu-anong tsismis ang ipinakakalat ninyong tatlong magkakaibigan sa opisina ko. Tama ba ‘yon?!” mataas pa rin ang boses nito.

“Ah, eh… Sir… Kasi po totoo naman. Hindi ba ninyo naaamoy? Umaalingasaw naman talaga ang babaeng iyon. Bakit ba ipinagtatanggol niyo pa?”

Advertisement

“Alam ko! At alam ko rin ang pinagdaanan niya! Mga wala kayong awa. Alam ba ninyong isang manyakis ang nagsamantala kay Laureen wala pang isang buwan ang nakakaraan? Oo, tama! Tama ang sinasabi mong nagkaroon siya ng impeksyon. Pero dahil iyon sa panghahalay!”

Natahimik si Gina. Hindi niya akalain na may matindi palang pinagdaanan ang dalagang inaapi niya.

“Humingi kayo ng tawad kay Laureen. Parang awa niyo na. Nakakahiya na ang mga lumalabas sa bunganga ninyo.”

Lumabas si Gina at agad pinuntahan ang dalawang kaibigan. Ikinuwento niya ang mabigat na pinagdaraanan ng babae. Labis naman ang pagsisisi nila kaya naman naisipan nilang lapitan ito at kausapin upang humingi ng tawad.

“Laureen? Pwede ka bang makausap?” tanong ng hiyang-hiyang si Maan.

Agad namang pumayag ang dalaga.

“Nais naming humingi ng tawad sa iyo. Hindi namin alam ang mga pinagdaanan mo.” ‘ika ng tatlong tsismosa. Mabuti na lamang at natauhan ang mga ito.

Pinatawad naman sila ni Laureen. Nagkuwento pa ito na kasalukuyan siyang nagpapagamot mula sa sakit na nakuha sa nanghalay sa kanya. At dahil kapos sa buhay, nahihirapan siyang magbayad sa pagpapagamot. Sinubukan din kasi ng dalaga na singilin sa may sala ang lahat ng gastos, ngunit ni singko ay talagang walang mailabas ito. Kaya naman napilitan itong magtrabaho agad sa kabila ng malagim na sinapit.

Advertisement

Napagdesisyunan ng tatlo na upang makabawi sa dalaga ay sasagutin na nila ang lahat ng gastos ni Laureen. Malugod namang tinanggap ng dalaga ang alok na tulong ng tatlo.

Matapos ang ilang buwan, natapos na ang pagpapagamot ng dalaga. Tuluyan nang nawala ang impeksyon na naipasa sa kaniya. Unti-unti na rin siyang nakakalimot sa malagim na sinapit sa tulong ng mga bagong kaibigan at ka-opisina.

Hindi inaasahan ng tatlo na labis nilang makakasundo si Laureen. Iniwasan na rin nila ang pakikipag-tsismisan dahil natutunan nilang wala itong maidudulot na maganda sa kanilang pagkatao.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!