Inday TrendingInday Trending
Ikinumpara ang Lalaki ng Ama ng Mayamang Kasintahan sa Isang Askal, Lakas-Loob Niyang Pinagtanggol ang Sarili sa Pang-iinsulto Nito

Ikinumpara ang Lalaki ng Ama ng Mayamang Kasintahan sa Isang Askal, Lakas-Loob Niyang Pinagtanggol ang Sarili sa Pang-iinsulto Nito

Isang taon nang magkarelasyon sina Annie at Shawn. At sa tinagal ng relasyon nila ay ngayon lang siya ipapakilala ng nobya sa mga magulang. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na mayaman ang angkan ng nobya. Bukod pa dun ay alam niya ring mahigpit ang mga ito sa anak kaya takot si Annie sa mga magulang. “Ma, Pa.. si Shawn po,” ninenerbyos na pakilala sa kanya ng nobya. “Siya po ang boyfriend ko.” Agad siyang tinignan ng mag-asawa mula ulo hanggang paa. Doon siya nanliit agad. Pero hindi siya nagpatalo sa kaba at nilabanan ang takot na nadarama. “Annie, tara let’s make sandwich.” Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang isama ng ina si Annie at maiwan siyang mag-isa kasama ang ama nito. “Maupo ka, Hijo, mag-usap tayo.” Nanginginig ang mga tuhod niyang umupo sa magarang upuan katapat nito. “Anong trabaho mo?” tanong nito sa kanya. “Merchandiser po.” Napaangat ang kilay nito, “Merchandiser lang?” Napalunok siya, “Opo, Sir.” Umayos ito ng upo at tinitigan siya, “Alam mo kasi ‘yang anak ko. Marami nang naging nobyo ‘yang katulad mo.” Naguluhan man ay hindi muna siya sumagot. “Mahilig sa mahirap kumbaga.” Tila ang liit-liit ng tingin niya sa sarili niya dahil sa mga sinasabi nito. Pero pinipilit niyang hindi sumagot dahil mataas ang respeto niya sa ama ng kanyang nobya. “Naalala ko noon nakapulot ‘yan ng ligaw na aso. Awang-awa siya doon kasi pakalat-kalat lang sa kalye. Nawala nga ang hilig niya doon, napunta naman sa mahihirap na lalaki.” Doon nanikip ang dibdib ni Shawn, hindi niya na kinakaya ang pang-iinsulto nito, “Sir, mawalang-galang na po. Hindi po ako tulad ng isang asong kalye.” Tumawa ito nang nakakainsulto, “Hindi ko naman sinabing askal ka.” “Sir, mahal ko po ang anak niyo. At sa palagay ko naman po ay hindi hadlang ang katayuan sa buhay upang magmahalan ang dalawang tao.” Hindi agad nakapagsalita ang matanda. “Opo, tama po kayo. Pinalaki lang po ako ng magulang ko sa hirap. Pero pinapangako ko po sa inyo na magsisikap po ako at hindi makukuntento sa katayuan ng buhay ko ngayon. Dahil naniniwala po ako na ang pagsisikap ng tao ang susi sa pag-unlad.” Napanganga ang matandang mayaman sa sinabi niya. Maya-maya pa’y napangiti ito. “Gusto kita, hijo.” Tulala siya sa sinabi nito, “Po?!” “Ang sabi ko pasado ka na,” tinapik nito ang kanyang balikat. “Huwag ka mag-alala hindi yun ang tunay kong ugali. Tinignan ko lamang kung karapat-dapat ka sa unica-hija namin.” Nakita niya naman sa gilid ang ina ni Annie na nakangiti at ang kanyang nobya na naluluha pa sa sobrang tuwa, “Good job, Love!” Tuwang-tuwa si Shawn. Hindi siya makapaniwalang pasado na nga siya sa mga magulang ni Annie. Pinagmamalaki niyang pinalaki siya ng mga magulang na may respeto sa kapwa, lalo na sa nakatatanda. Ngayon ay mas lalo pa siyang nagkaroon ng motibasyon na magsumikap sa buhay. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement