Para sa Ginang na Ito, Masasama ang mga Taong Palaboy-laboy sa Kalsada Kaya Iwas na Iwas Siya sa Kanila; Mapatunayan Kaya Niya Ito?

Halos hindi humihinga si Aling Adela nang maparaan sa bahagi ng kalsadang nilalakaran niya mula sa palengke pabalik sa kanila, dahil sa mga nagkalat na mga palaboy-palaboy, na para sa kaniya ay hindi dapat pagkatiwalaan.

“Itong mga taong ito, walang dignidad sa sarili nila. Siguro kay tatamad ng mga ito. Bakit naman ako? Mahirap lang din naman ako pero naigapang ko naman ang sarili ko. Hindi ko hinayaan na walang mangyari sa buhay ko,” laging bulong ni Aling Adela sa tuwing nakikita niya ang mga palaboy na ginawa nang tirahan ang tapat ng isang nagsaradong hardware, lalo na kapag gabi.

COVID-19: Philippines keeps travel ban on 32 nations | Philippines – Gulf  News

Sa tuwing napapadaan siya roon, binibilisan niya ang lakad niya, at hangga’t maaari ay hindi siya tumitingin sa kanilang direksyon. Nangangamba siya na baka lapitan siya ng mga ito, dumugin, at hingan ng limos. Mahigpit niyang hahawakan ang kaniyang pitaka o bag, o kaya naman ay kikipkipin sa kaniyang kilikili. Naisip niya, baka kasi bigla na lamang hablutin ito. 

Minsan, sa kaniyang pagdaan ay nilapitan siya ng isang tinedyer na palaboy, nanlilimos sa kaniya.

“Ale, maawa na po kayo. Pangkain lang po,” pagmamakaawa ng tinedyer.

Nagtapang-tapangan naman si Aling Adela. Ayaw niyang ipahalata na kinakabahan siya at natataranta siya. Pinagtabuyan niya ang naturang tinedyer.

“Layas! Wala akong maibibigay! Kumpleto naman ang mga braso at kamay ninyo, bakit hindi kayo magsihanap ng trabaho, kami pa tuloy ang inaagrabyado ninyo,” galit na sabi ni Aling Adela.

frustrated woman with eyes closed gesturing - angry old asian lady stock pictures, royalty-free photos & images

Subalit mapilit ang tinedyer.

Advertisement

“Parang awa na po ninyo, ale… gutom na gutom na po ako.”

Hindi nila namalayan na nasa tarangkahan na pala sila ng bahay ni Aling Adela.

“Kapag hindi mo ko tinantanan, ipapahabol kita sa mga asok ko, nakikita mo ba ang mga aso ko? Ang lalaki, hindi ba? Gusto mo bang malapa nila?” saad ni Aling Adela. Ipinakita niya ang kaniyang dalawang malalaking alagang aso na parehong dobermann. 

Hindi na kumibo pa ang lalaking tinedyer na palaboy. Lulugo-lugo na itong bumalik sa pinanggalingan nito.

Simula noon, sa tuwing nagtutungo sa palengke si Aling Adela, nagdadala siya ng mahabang payong o kaya naman ay arnis. Buo na sa sarili niyang makahahampas siya ng mga taong palaboy sa oras na sundan pa ulit siya para lamang manlimos.

Hanggang sa isang araw, habang naglalakad si Aling Adela, ay bigla na lamang hinablot ng isang lalaking nakamotorsiklo ang kaniyang shoulder bag na naglalaman ng kaniyang pitaka at cellphone. Nanlaban si Aling Adela subalit hindi sapat ang lakas at puwersa niya upang mabawi ang bagay na inaagaw sa kaniya. 

Naispatan naman ito ng mga taong palaboy na nakasaksi sa mga pangyayari, at agad-agad silang nagsipagtakbo at hinabol nila ang lalaking nakamotorsiklo, na isa pa lang magnanakaw. Isa na roon ang lalaking tinedyer na nanlimos kay Aling Adelfa. Kumuha ito ng malaking tipak ng bato at buong lakas na ibinato sa likuran ng lalaki. Napahinto ang lalaki, nawalan ng panimbang, at natumba. Agad siyang dinaluhong at kinuyog ng mga ito. Masasabing mga mata lamang niya ang walang latay.

“Ale, ang bag ninyo. Ayos lamang ba kayo?” saad ng lalaking tinedyer kay Aling Adela. Nang mga sandaling iyon ay padating na ang mga pulis, at ang huhulihin sana ay ang mga palaboy, ngunit sinabi ni Aling Adela na wala silang kasalanan; sa halip ay sila pa ang tumulong sa kaniya.

Advertisement

“Maraming salamat, iho. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala kayo at hindi ninyo ako tinulungan,” naiiyak na pasasalamat ni Aling Adela sa lalaking tinedyer. Nakaramdam siya ng kurot ng konsensya dahil una pa lamang, hinusgahan na niya ang mga taong ito, na iniisip niyang mga masasamang tao at walang silbi sa lipunan.

“Wala po ‘yan. Sa susunod ho ingat na lang, ” saad nito.

elementary age child portrait against brick wall at home - asian poor male teenager stock pictures, royalty-free photos & images

Simula noon, lagi na niyang binibigyan ng libreng pagkain ang mga taong palaboy na tumulong sa kaniya at tumigil na rin siya sa panlalait at panghuhusga niya sa kanila. Naisip niya, maaaring ang mga taong ito ay naging biktima lamang ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunang ating ginagalawan, at hindi porke’t naninirahan na sa mga lansangan ay masama nang tao.

Binigyan din niya ng mapagkakakitaan ang lalaking tinedyer na palaboy bilang hardinero sa kaniyang bukid, o kaya naman ay iba pang mga gawaing-bahay upang nang sa gayon ay kumita ito ng pera at hindi na kailangan pang manlimos.