Kasipagan ang Isinukli ng Baklang Ito sa Kabila ng Pang-aapi ng mga Katrabaho, Isang Gantimpala ang Kanyang Natamo dahil Dito
Si Odessa o mas kilala sa salon na pinapasukan niya bilang Esang ay isang masipag at matiyagang beki. Ngunit dahil sa hindi niya kagandahang anyo ay palagi siyang nabubully ng mga kapwa niya beki. “Palaka” kung tawagin siya ng mga kasamahan dahil sa laki ng kanyang mga mata. Sa kabila niyon ay sinasabayan niya nalang at dinadaan sa biro ang panlalait ng mga kasama. Kahit nasasaktan siya at kung minsa’y napipikon na, wala siyang magagawa dahil siya lang din ang talo sa huli. Isa pa’y kakampi ng mga ito ang branch manager nila na madalas rin siyang pag-initan at laitin. Sa kabila din ng araw-araw na hirap at sakit na sinasapit niya ay sinisipagan at ginagalingan niya nalang ang pagtatrabaho. “Hijo,” tawag-pansin sa kanya ng isang matandang babae. “Hija po mother,” pagbibiro niya sa matanda. Likas na masayahin si Esang. Kaya naman bawat customer niya ay talagang nagugustuhan siya. “Natatandaan kita. Ikaw yung nagtreatment sa akin noon diba?” ika ng matanda. “Naku, lagot ka palaka! Baka ‘di nagustuhan ni mother dear ang treatment mo,” sawsaw na naman ng mga kasamahan niyang nakarinig sa sinabi ng matanda. Umiling ang matanda, “Ay hindi. Nagustuhan ko nga ang gawa niya noon. Kaya gusto ko sanang ikaw pa rin ang humawak ng buhok ko, hija.” Natuwa si Esang sa matanda. Hindi lang ito ang unang beses na binalikan siya ng kliyente dahil sa galing niyang gumawa. “Talaga po mother? Halika, pagandahin na kita!” excited niyang sabi. Simula noon ay hindi niya lang naging suki, kundi naging kaclose niya pa ang matandang babae. Magaan ang loob niya dito dahil napakabait nito sa kanya. Itinuturing niya na itong tunay na ina. Wala man siyang kinalakhang mga magulang, salamat kay Inay Cely, nakaranas siyang maglambing sa isang ina. Ilang buwan ang lumipas at nagulat siya nang bigla siyang puntahan ng matanda sa trabaho, “Asan ang manager mo, Esang.” Bulong-bulungan na naman ang mga kasamahan niya sa narinig, “Baka irereklamo na rin sa wakas si Esang.” “Yes, mother? Ako ang manager n’yan. Ano po bang nagawa niyang mali?” Umiling ang matanda, “Sa inyo ko nga dapat itanong ‘yan. Ano bang nagawang mali ng anak ko sa inyo,” tukoy nito kay Esang. “Bakit lagi niyong nilalait. Hindi niya deserve yun. Mabait siya at magaling rin sa trabaho niya.” Hindi alam ni Esang kung anong mararamdaman sa naririnig niya ngayon kay Inay Cely. “Anyway, gusto ko lang sanang kunin siya.” “Saan niyo dadalhin, mother?” tanong ng manager niya. “Gagawin ko siyang manager sa negosyo ko. Naniniwala ako sa kakayahan niya na mapapatakbo niya ng maayos ang business ko. Gulat na gulat ang lahat sa narinig. Higit lalo si Esang. Sa isip niya’y tila isang magandang panaginip lang ang lahat. Masaya siya dahil lahat ng pasakit at paghihirap na dinanas niya noon ay nagbunga na rin ngayon. Hindi niya inakalang may isa napakabuting tao pa palang magpapakita sa kanya ng ganitong milagro sa buhay. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.