Kakalat ang Tsismis sa Trabaho ng Lalaking Ito na May Sugar Daddy ang Nililigawan Niya, Isang Malaking Sampal Pala ang Matatanggap ng Lahat

Kakalat ang Tsismis sa Trabaho ng Lalaking Ito na May Sugar Daddy ang Nililigawan Niya, Isang Malaking Sampal Pala ang Matatanggap ng Lahat

HeartbreakingKarmaStories

“Aimee, ano ba talaga ang estado nating dalawa? Hanggang ganito na lang ba talaga tayo? Malambing lang, hanggang yakap at hawak kamay? Gusto na kitang ipakilala sa mga magulang ko at gusto ko na rin namang makilala ang mga magulang mo nang mahingi ko na ng pormal ang mga kamay mo,” sabi ni Jerico sa dalaga habang naglalakad ang dalawa papasok sa opisina.

“Naku naman, Jerico, mukhang minamadali mo na naman ako. Alam kong na-promote ka na sa pagiging manager pero hindi pa talaga ako handa,” sagot ni Aimee sa kaniya.

“Baka naman pinapaasa mo lang ako sa wala, masyado naman yatang masakit ‘yun para sa akin,” sabi ng lalaki.

“Tigilan mo nga ako, Jerico! Walang ibang nanliligaw sa akin at kung ayon ang gusto mong malaman, pangako wala. Hindi lang talaga ako handang sagutin ka ngayon, hindi pa ngayon kaya kung hindi ka na makakapaghintay, pwede ka namang tumigil. Hindi kita aawatin pero ngayon, magtrabaho muna tayo,” sagot ni Aimee sabay bitiw sa lalaki at pumasok na ito sa trabaho.

Parehas na nagtratrabaho sa mall ang dalawa at si Aimee na yata ang pinakamaganda sa lahat ng babae na nandoon kaya naman alam ni Jerico na labis siyang kinaiinggitan ng lahat dahil kahit papano ay naka-angat nga raw siya ng isang lebel sa iba.

“Jerico, hindi ka pa rin ba sinasagot ni ganda?” tanong ni Alex, isa pang katrabaho nito.

“Huwag kang mag-alala, Alex, malapit nang dumating ang oras na masasabi kong misis ko na si Aimee,” nakangiti nitong sagot sa lalaki.

“Naku, nangangarap ka lang yata. Ilang buwan mo na bang pinopormahan ‘yang si Aimee? Halos mag iisang taon na yata pero hindi ka pa nakakahalik samantalang may nalaman ako tungkol sa kaniya,” saad pang muli ni Alex dito.

“Alam mo bang may naghahatid daw diyan ngayon kay Aimee, naka-auto! Pero sa kabilang kanto raw nila nakita parang mag-iisang buwan na rin at sa harapan pa siya nakaupo,” sabi muli ni Alex sa kaniya.

[email protected]* ka rin talaga, kung ano-ano na lang ginagawa niyong kwento sa mga katrabaho niyo. [email protected]! ‘Wag ako, ‘wag kami ni Aimee!” baling ni Jerico rito.

“Tol, ito pwera katrabaho pero usapang lalaki lang ha. Mukhang sugar daddy raw ang datingan nung naghatid kay Aimee. Hindi ka ba nagtataka, diser lang siya pero tingnan mo naman ang sapatos at relos mas mahal pa sa sweldo natin. Sinabi ko lang sa’yo bilang lalaki, hindi bilang karibal o ano man, ikaw na bahala, Jerico,” sagot ni Alex sa kaniya sabay tapik ng balikat nito.

Hindi naman nakapagsalita si Jerico at mabilis na hinanap ng kaniyang mata si Aimee saka niya lihim na sinuri ang babae.

“Tama nga si Alex, bago ‘yung sapatos niya saka ‘yung relos niya. Bakit hindi ko napansin ‘yun?”

Alam niyang wala siyang karapatang magalit kay Aimee dahil hindi pa naman sila ngunit aminado siyang naapakan ang pagkalalaki niya kung totoo nga ang balita. Kaya naman kinaumagahan ay lihim niyang inabangan ang babae sa sinasabi ng mga katrabaho niyang pinagbababaan nito at totoo ngang may service na auto ang dalaga.

“Kaya ba hindi mo ako sinasagot dahil totoo ang kumakalat na balita?” salubong ni Jerico sa babae.

“Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?” iritableng tanong ni Aimee sa kaniya.

“Ano sa tingin mo? Hindi malalaman ng iba na may sugar daddy ka at kaya hindi mo ako sinasagot kasi nirereserba mo ako? Grabe, ganiyang klaseng babae ka pala, Aimee,” dismayadong pahayag ni Jerico sa kaniya.

“Anong pinagsasabi mo?! Anong sugar daddy? Saan mo naman nakuha ‘yan?” baling ni Aimee sa lalaki at patuloy pa rin ang dalawa sa paglalakad.

“Sa tingin mo talaga ako lang nakakaalam nito? Alam mo bang kalat na sa store na may naghahatid sa’yo at kalat na kalat na rin na sugar daddy mo raw ‘yun. Ang laki ng respeto ko sa’yo nung una, Aimee, akala ko kalahi mo si Maria Clara pero hindi pala. Nagsayang lang ako ng oras sa’yo!” baling din ni Jerico sa kaniya sabay duro sa babae.

“Alam mo, Jerico, para sabihin ko rin sa’yo, akala ko maayos kang lalaki, maginoo at mapagkakatiwalaan pero para kang babae kung maniwala sa tsismis! Isang dinig mo lang, naniwala ka kaagad sa kanila? Nakita mo lang ako na bumaba sa kotse nagkaroon ka na ng pruweba? Pwes, para isampal ko sa’yo ang katotohanan, tatay ko ‘yun! Totoong tatay ko kasi pokp*k ‘yung nanay ko at nabuntis siya ng lalaking akala niya hindi na siya pananagutan pero sinong magsasabi na hahanapin pala ako ng totoo kong tatay sa loob ng mahabang panahon?! Masaya ka na? Alam mo na ang kwento ng buhay ko? Hala sige, ipagkalat mo!” sigaw ni Aimee sa lalaki saka niya tinalikuran ito. 

Parang sorbetes na natutunaw ang pakiramdam ni Jerico nung sandaling iyon. Hindi siya makapaniwala sa narinig at mas hindi siya makapaniwala sa kaniyang sarili na nagawa niya iyon sa babaeng pinapangarap niya. Huli na ang lahat dahil kahit anong gawin niya ay hindi na siya pinatawad pa ng babae. Hindi lamang siya ang nahiya rito kung ‘di ang mga taong nagkalat ng tsismis tungkol sa kaniya. Ngayon, mas napatunayan ni Jerico na walang kahit anong magandang maidudulot ang paniniwala sa mga sabi-sabi lalo na nga kung tungkol ito sa mga taong mahal natin.

More Stories