Inday TrendingInday Trending
Pinag-iinitan ang Supervisor na Ito Dahil sa Patuloy Niyang Pakikipaglaban sa Karapatan ng mga Empleyado Niya, Huli na Nang Makita ng Lahat ang Halaga ng Kanyang Ginagawa

Pinag-iinitan ang Supervisor na Ito Dahil sa Patuloy Niyang Pakikipaglaban sa Karapatan ng mga Empleyado Niya, Huli na Nang Makita ng Lahat ang Halaga ng Kanyang Ginagawa

Si Mr. Dino Roxas ay kilalang Super-hero-visor sa isang factory company sa Laguna. Mabait at malapit sa mga factory workers si Dino dahil sa patuloy niyang pakikipaglaban para sa karapatan ng mga tauhan niya. “Good morning Sir Dino!” masayang-bati ng mga empleyado sa kanya. Halos lahat ‘ata ay malapit ang loob sa kanya, maliban sa mga kapwa niya supervisor at admin staff. Hindi kasi natutuwa ang mga ito sa pagiging malapit niya sa mga empleyado. “Masyado kang mabait. Hindi mo alam inaabuso ka na ng mga empleyadong ‘yan. Kailangan minsan maging istrikto ka rin.” Imbes na magalit ay ngumiti lamang ang mabait na ginong, “Alam ko kasi ang hirap nila bilang minimum wage earner. Bawat sentimo pinaghihirapan nila. At hindi ko naman kayang makitang pinapahirapan sila kapalit lamang ng maliit na sahod.” Kaakibat ng ideyang iyon ay ang pilit niyang pagkumbinsi sa president ng kumpanya na taasan ang sahod ng mga below minimum wage earner na empleyado. Below minimum kasi ang pinapasahod nito sa mga tao. At hindi naman magawang magreklamo ng mga empleyado dahil ito lamang ang pinakamalapit na kumpanya sa probinsya.”Boss, baka pwede niyong gawing 375 pesos ang pinapasahod sa mga employees natin? May mga pamilya pa silang binubuhay at hindi sasapat ang sahod na 300 pesos lamang sa isang araw.” Tuwing meeting ay iyon ang pinaglalaban niya sa mga may matataas na posisyon. Pilit naman siyang sinasalungat ng mga ito dahil sila naman daw ang mawawalan kapag pinagbigyan ang gusto niya. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na madalas siyang pag-usapan ng mga ito dahil sa sobrang pagka-hero niya sa mga empleyadong below minimum ang sahod. Ngunit wala siyang iniintindi ‘ni isa sa mga iyon, dahil ang mahalaga sa kanya ay matulungan ang mga ito. Galing rin siya sa mababang posisyon tulad ng mga ito. At dahil sa sipag at tiyaga niya kaya siya naging supervisor ng kumpanya. At kahit naging mataas na ang pwesto niya ang hindi niya pa rin nakakalimutang lumingon sa pinanggalingan. Kaya nga halos hindi niya matanggihan ang mga kapos na empleyadong nangungutang sa kanya. Hanggang isang araw ay nagkaroon ng sunog sa kumpanya. Taranta ang mga empleyado lalo na ang mga supervisors, managers at directors. Prayoridad sila na unang makalabas sa building pero si Mr. Dino lamang ang nagpahuli at sumabay sa mga kawawang empleyado. Hanggang sa lumaki ang sunog. Tinanggap na ni Dino ang katapusan ng buhay niya. “Sir!” papikit na siya nang bigla niyang marinig ang tinig ng mga empleyado niya, “Sir, gumising po kayo!” Naramdaman niyang binuhat siya ng mga ito palabas. Kasabay sa nailigtas ay ang kanyang boss. Matapos makalabas sa nasusunog na building ay naluha naman ang mga empleyado ng kompanya pati ang mga kapwa nya supervisor. Ngunit lahat sila ay nabuhayan nang magsalita ang boss nila ” We will rebuild our company” Dino, and I want you to be there, kasaman ng mga empleyado mo. I’m glad that even in this kind of tragedy your people will always care for you and I think its because of your loyalty and love to them.” Pagsisisi naman ang mga naramdaman ng mga kapwa niya supervisor sa narinig sa kanilang boss. Humingi ng pasensya ang mga ito sa kanya. At tinanggap naman ito ng buong puso ni Dino. Ilang araw matapos ang trahedya ay nakabili na ang kanilang boss ng bagong building para sa kanilang pagtatrabahuhan, at inutos nito kay Dino na kontakin lahat ng mga tao niya para sa kanilang pagsisimula.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement