Nang Matutong Maging Palaban ang Inaaping Ginang ay Tuluyang Nagbago ang Kaniyang Masalimuot na Buhay
Limang taon nang nagtatrabaho si Glenda sa isang call center. Limang taon na din niyang tinitiis ang mahabang biyahe mula Bulacan hanggang Makati araw-araw. Hindi siya makaalis sa kumpanyang iyon dahil siya ay isang single mom na may tatlong anak na binubuhay.
Naalala pa niya noong unang araw ng pagpasok niya, narinig niyang pinagtsitsismisan ng mga empleyado ang isang kapwa nila empleyado na bagong promote. Kaya lamang daw iyon na promote ay dahil maganda at seksi ito. Nagpapagalaw daw ito sa mga big boss na nagkakakursunada dito.
Napansin ng team leader ni Glenda na si Ms. Marivic ang reaksyon n’ya nang marinig ang pinag-uusapan ng mga empleyado.
“Masanay ka na sa ganyang mga eksena. Ganito talaga sa call center. Parang showbiz lang. Huwag mo na lang silang pansinin. Magtrabaho ka lang ng mabuti.”
Lumipas ang limang taon, sinunod ni Glenda ang bilin ni Ms. Marivic. Madali niyang natutunan ang kanyang trabaho. Maaga siya palaging pumapasok, lahat ng trabaho ay ginagawa niya nang maayos at naging matulungin din siya sa kapwa niya empleyado. Dahil dito, dalawang beses din siyang na-promote at sa naging senior trainer.
Maraming beses niyang naranasang maging tampulan ng tsismis sapagkat nagustuhan ng management ang klase ng kanyang pagtatrabaho. Nakayanan niya ang lahat ng iyon dahil palaging nasa tabi niya si Ms. Marivic.
“Sa tingin mo, tatanggapin ba ng kliyente natin ang ganitong klase ng report? Kulang-kulang ang mga detalye at mali ang mga petsa!” Pasigaw na sita ng kanilang Manager na si Mr. Chavez kay Mariel. Isa si Mariel sa mga sinasanay ni Glenda upang maging trainer.
“Sorry po, sir. Ginaya ko lang naman ang istayl ng pagtrarabaho ni Ms. Glenda at saka pinacheck ko po sa kanya ‘yang report na ‘yan kagabi. Sabi niya, okay na daw.” Sagot ni Mariel habang matalas ang tingin sa kaniyang trainer na si Glenda.
Nagulat siya sa sinabi ni Mariel sapagkat hindi sila nag-usap nito tungkol sa bagay na iyon.
Dumiretso siya sa kanyang lamesa at binuksan ang kanyang computer. Sa imahinasyon niya ay sinasabunutan na niya si Mariel ngunit pilit niyang ipinapasok sa kaniyang kukote ang bilin ni Ms. Marivic.
“Glenda, anong nangyari sa report ni Mariel? Na check mo ba talaga ‘yon? May pagka-maldita din talaga, ano? Kitang-kita ko kanina eh. Ang talas ng tingin sa ‘yo.” Inis na saad ni Ms. Marivic.
“Hindi pa po kami nag-uusap ni Mariel tungkol sa report na ‘yon, ma’am. Nagulat nga po ako sa inasta niya. Talagang nagpipigil lang po ako. Nangingiming sagot ni Glenda.
“Ah, ganun ba? Sige ako na ang bahala kay manager.” Wika ni Ms. Marivic at agad itong nagtungo sa opisina ni Mr. Chavez.
Matapos itong kausapin ni Ms. Marivic ay ipinatawag niya sina Glenda at Mariel. Nanghingi ng paumanhin si Mariel kay Glenda sa nangyari at wika niya, miscommunication lang daw ang nangyari.
Nang makalabas ng opisina ng manager ay napalitan ng simangot ang mga plastik na ngiti ni Mariel. Hindi naman tanga si Glenda upang hindi ito mahalata.
Pauwi na siya nang marinig niyang nag-uusap ang mga pirming kasa-kasama ni Mariel sa gilid ng entrance ng kanilang building habang nagyoyosi.
“Ang tindi talaga ng back up ni Glenda. Akala ko makakalusot na ‘ko. T*** I** talaga!” Saad ni Mariel sa mga kaibigan na may kasamang pagmumura.
“Huwag kang mag-alala. May araw din sa ‘tin yang dalawa na yan. Isama mo na iyang hayop at manyak na si Mr. Chavez. Lagi nga daw magkasama iyang dalawang babaeng ‘yan. Maraming nagsasabing mag-syota nga yata sila. Nagdidilaan siguro ng hiyas.” Saad ni Trixie, ang isa pang kaopisinang malapit kay Mariel. Nagtawanan naman ang magkakaibigan.
Ipinagkibit balikat na lamang ni Glenda ang kanyang narinig sapagkat naayos na naman daw ang problema sa trabaho at natawa na lamang siya sa isiping may relasyon sila ni Ms. Marivic. Alam niyang tunay itong babae.
Dahil sa patuloy na magandang performance ni Glenda sa kanilang kumpanya, siya ay na promote na assistant manager.
Magkapantay na sila ni Ms. Marivic ng posisyon. At dahil dito ay nalipat na siya ng ibang team.
Ipinatawag si Glenda ni Mr. Chavez sa kaniyang opisina. Agad naman siyang nagpunta doon at naaninagan niyang nag-uusap ang kanilang boss at si Ms. Marivic. Hindi na lamang siya tumuloy sa pagpasok at marahan sanang kakatok ngunit hindi niya iyon naituloy nang marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.
Ipapadala ng kanilang kumpanya si Ms. Marivic sa ibang bansa sa loob ng isang buwan para umattend ng seminar.
“Sige bro, maganda ngang magseminar na ako agad sa Amerika para si Glenda na ang gumawa ng mga nakatambak kong trabaho. Tutal eh sunud-sunuran naman iyon sa akin. Nakikita mo ba kung paano ko siya napapaikot sa mga palad ko?” Nakangising saad ni Ms. Marivic.
“Huwag mo akong tawaging bro sa kahit saang sulok nitong opisina at baka madulas ka pa. Tandaan mong walang nakakaalam dito na magkapatid tayo sa ina!” Saad ni Mr. Chavez.
Hindi makapaniwala si Glenda sa narinig. Hindi niya namamalayang umaagos na pala ang kaniyang mga luha.
“Oh, ayos ka lang ba? Kanina ka pa diyan?” Saad ng nauutal pang si Ms. Marivic.
“Kadarating ko lang po.” Sagot niya habang palihim na nagpupunas ng luha.
Ibinilin nito sa kanya ang lahat ng trabahong naiwan pati na rin ang presentation na gagawin ng kanilang team.
Napakaraming trabaho ang naiwan kay Glenda. Hindi niya malaman kung ano ang uunahin. Walang sino mang normal na tao ang makakatapos ng ganoong karaming trabaho kaya’t pagdating ng deadline ay marami siyang hindi naipasa.
Napagalitan siya ni Mr. Chavez. Dahil sa mga hindi niya natapos na gawain ay nawalan sila ng isa sa kanilang pinakamalaking kliyente.
Habang nakasakay sa bus si Glenda ay patuloy siyang humahagulgol sa sama ng loob. Naisip niyang ipinahamak siya ng itinuring niyang bestfriend at kaisa-isang kakampi na si Marivic. Kakampi pa nito ang manager na kapatid pala nito sa ina.
Dahil sa pangyayaring iyon, na suspend si Glenda ng isang buwan. Naiisip na niyang bumitiw sa trabaho ngunit paano na ang tatlo niyang anak?
Habang walang trabaho ay ibinuhos na lamang nito ang oras sa tatlong anak na pinababantayan niya lamang sa inang si Aling Julia. Mabuti na lamang at magkatabi lang ang kanilang mga bahay.
“Hindi ako puwedeng panghinaan ng loob. Magpapakatatag ako para sa mga anak ko!” Saad ni Glenda sa sarili.
Nang magbalik sa opisina si Glenda ay pinagtitinginan siya ng mga kapwa niya empleyado. Ang laki ng inaliwalas ng balat nito. Bakat na bakat ang nakakahalinang hugis ng katawan nito sa suot na fit na puting palda at satin blouse na kulay rosas. Nagmukha itong kagalang-galang sa kanyang pananamit. Kung lumakad pa ito’y akala mo kung sinong reyna. Nagpakulay din siya ng brown hair at nagpamanicure at pedicure. Napakaganda ni Glenda.
Nang makita siya ni Marivic ay agad siya nitong tinawag. “Di ba sinabi ko naman sa ‘yong huwag kang magsusuot ng mga ganyan dito? Pagtsitsismisan ka lang lalo ng mga tao! Ayos na iyong dati mong mga isinusuot na malalaking T-shirt at pantalon!” Nakabusangot pa ang mukha nito.
“At sinong maysabing puwedeng-puwede kang makialam sa pananamit ko? Tandaan mong pantay lang ang posisyon natin! Huwag mo akong pakialaman! Wala ka nang say at power sa akin simula ngayon!
Hindi napansin ni Glenda na nakangiti at tila bilib na bilib sa kaniya ang grupo nila Mariel at Trixie.
Tamemeng-tameme naman si Marivic sa inasta ni Glenda at agad itong pumasok sa opisina ng kapatid
“Anong tinitingin-tingin ninyo diyan, ha? Magsitrabaho nga kayo! Mga tsismosa! Kaya wala kayong mga pag-unlad sa buhay! Puro kabobohan ang mga inaatupag ninyo!” Gulat na gulat ang mga katrabaho ni Glenda ngunit ang nakakapagtaka’y imbes mainis ang mga iyon ay tila mga tuwang-tuwa pa sa inaasta ng assistant manager na si Glenda.
“Sa wakas! Nagkaroon na rin tayo ng boss na hindi kayang paikutin ng walanghiyang magkapatid na iyan! Akala nila wala pang nakakaalam dito sa opisinang magkapatid sila sa labas. Mga komedyante talaga!” Saad ng isa sa mga pinakamagaling na empleyado nilang si Marion.
“Ms. Glenda, puwede po ba namin kayong mayayang mag-kape mamaya? Libre po namin kayo.” Paanyaya ng dating pagkataray-taray na si Mariel.
“Basta ba maayos ang trabaho niyo’t maganda ang resultang mairereport ko sa mga kliyente’y sasama ako. Hindi niyo ako kailangang ilibre dahil mas malaki ang sinasahod ko sa inyo.” Giit ni Glenda.
Tuwang-tuwa naman si Mariel at mga kaibigan nito.
“Ms. Glenda, sa wakas ay natuto ka nang tumayo sa sarili mong mga paa! Kayang-kaya nating patumbahin ang dalawang gahamang magkapatid na iyan! Alam niyo po bang imbes ipamudmod nila ang mga cash rewards at gift checks na ibinibigay ng mga kliyente ay kinakangkong nila ang mga iyon? Mga hayop talaga!” Saad ni Marion.
“Huwag kayong mag-alala. May maganda na akong plano para diyan. Ngayong darating na buwan ay pag-igihan niyo lamang ang inyong mga trabaho para magawa ko ng matagumpay ang plano ko. Nagkakaintindihan ba tayo?” Saad ni Glenda.
“Yes!” “Sure po!” “Opo, Ms. Glenda!” Halos sabay-sabay na sagot ng mga ito.
Lumipas ang buwan ng Enero at napanganga ang magkapatid sa nasaksihan. Ang tataas ng kanilang ratings mula sa mga customer at mga kliyente. Napakarami rin nilang mga produktong naibenta.
Sa sobrang husay ng mga empleyado ay nagpasya ang isa sa mga kliyente nilang banyaga na dumalaw sa Pilipinas at pasalamatan ang mga empleyado at ang management ng personal. Walang kamalay-malay ang lahat na ito na pala ang pinakahihintay na pagkakataon ni Glenda.
“Congratulations to the manager and assistant managers! And of course, without all of you… All of these will be impossible! Thank you, team!” Saad ni Mr. Smith habang nagpapamudmod ng pera sa mga empleyado. Halos umulan ng dolyar sa kanilang opisina.
Nakabusangot naman ang mukha ng magkapatid.
“G*go talaga iyang si Glenda! Dapat sana’y sa atin na muna mapupunta ang perang ipinamumudmod ng kliyente. Gaya ng dati’y dapat lang na bawasan muna natin iyon bago ipamigay ang tira-tira sa kanila!” Saad ni Mr. Chavez.
“Huwag kang mag-alala, bro! May naisip na ‘kong paghihiganti sa feelingerang babaeng yan! Hindi pa siya nadala na tinambakan ko siya ng mga trabahong tinamad na akong tapusin. Hindi lang suspensyon ang igaganti ko sa kaniya this time!” Wika ni Marivic habang nakapamewang pa ito.
“Sinabi ko na sa iyong huwag mo akong tatawaging bro at baka mabuking tayo! Talgang napakakulit mo!” Saad ni Mr. Chavez.
Walang kamalay-malay ang dalawa na iniwan pala ni Glenda ang kaniyang cellphone sa loob ng opisina ng manager at naririnig na sa speaker phone ang kanilang usapan.
Bilang naroon din ang General Manager ng kumpanya ay naintindihan nito ang pinag-usapan ng magkapatid.
Pahiyang-pahiya ito at nanggigigil sa galit. Agad itong humingi ng paumanhin kay Marivic at sa lahat ng mga empleyadong naroroon. Ipinaliwanag din nito ang sitwasyon sa mga banyagang kliyente.
Agad hiniling ng kanilang bigateng kliyente na patalsikin ang magkapatid.
Nang lumabas ang mga ito ng opisina ay wala itong mga mukhang maiharap sa kanila.
Mula noon ay mas naging epektibong boss si Glenda. Bilang napatalsik na ang kanilang pulpol na manager ay siya na ang pumalit sa posisyon nito.
“Sorry sa lahat ng nagawa namin sa ‘yo noon, Ms. Glenda. Akala kasi nami’y kagaya ka rin ng walanghiyang magkapatid na iyan. Dahil sa iyo nakukuha na namin ng buo ang aming mga bonus at incentives.” Saad ni Mariel. Mababakas sa mukha nito ang pagiging totoong tao.
At dahil malaki na ang suweldo ay nakakuha na si Glenda ng condo unit sa Makati. Doon na rin niya itinira ang mga magulang at mga anak. Lahat ng anak niya’y nakalipat na sa pang-pribadong paaralan.
Kada-weekend ay namamasyal sila sa mall o di kaya’y naga-out of town gamit ang sasakyang iginawad kay Glenda ng kumpanya sa pagiging mahusay nitong manager.
Kagaya ka rin ba ni Glenda na dating naging api at ngayo’y natutong maging palaban sa buhay? Ibahagi mo sa amin ang iyong karanasan.