Napakagiliw at Maalaga sa Bata ng Piano Teacher na Ito, May Kinikimkim Pala Itong Mapait na Nakaraan Kaya Malapit Siya sa mga Bata
“Uy, andyan na si Ma’am!” Napangiti si Mimi nang marinig ang tinig at yabag ng pagtatakbuhan ng kanyang mga estudyante. Araw-araw ay ganito ang sistema ng buhay niya. Palagi siyang excited pumasok dahil masaya siyang nakikita ang mga estudyante ng kanyang piano lessons. Isa siyang piano teacher at mag-isa lang sa buhay sa edad niyang 34 years old. “Good morning, Teacher Mimi!” sabay-sabay na tinig ng mga batang itinuturing niya nang anak. “Good morning class, nakapag-practice ba kayo bago dumating si teacher?” “Hindi po!” honest na sagot ng mga ito. Natawa siya, sampu lang ang kanyang estudyante sa pagpa-piano kaya naman natututukan niya ang bawat isa. Hindi lang piano lessons ang tinuturo niya sa mga ito kundi pati na rin life lessons. Nasa edad 5-13 years old ang mga estudyante niya at karamihan sa mga ito ay may pino-problema na sa kani-kanilang tahanan. Palagi niyang pinapaalala sa mga ito na huwag magalit sa mundo, bagkus ay maging maka-Diyos at madasaling mga bata. Sumusunod naman madalas ang mga ito sa kanya, kung minsan pa nga’y mas sweet pa ang mga bata sa kanya kesa sa sarili nitong mga magulang. “Okay, class. Mag-iingat kayo sa pag-uwi ha? Huwag sasama sa hindi niyo kakilala. Huwag tatanggap ng candy sa hindi kilala. Okay?” “Okay po,” tugon ng mga ito sabay isa-isang halik sa pisngi at yakap sa kanya. Umuwi siyang may ngiti sa mga labi. Kumain ng hapunan at saka naghilamos ng mukha. Inihanda niya ang lessons para kinabukasan pagkatapos ay hinanda na ang sarili sa pagtulog. Maaga pa kasi ang pasok niya bukas. Ngunit kalagitnaan ng kanyang pagtulog ay may narinig siyang pamilyar na ingay mula sa kapitbahay. Apartment lang ang tirahan niya kaya rinig niya ang lahat ng ingay ng katabing-bahay. “Nag-aaway na naman ba sila?” gabi-gabi kasi niyang naririnig ang pagbabangayan ng magpapamilya sa kabilang-bahay. Noong una ay hinayaan niya muna iyon ngunit nang tumagal at lalo pang lumakas iyon ay napagdesisyunan niya nang tumayo at kumatok sa kapit-bahay. Pinagbuksan siya ng lalaki, nakasimangot ito. Sumilip siya sa likuran ng lalaki at doo’y nakita niyang umiiyak ang mag-ina nito. Naawa siya sa anak nitong anim na taong gulang pa lamang ngunit kitang-kita na sa mukha nito ang pagkatakot. “Mawalang-galang na, narinig ko kasi ang ingay sa kwarto ko. Pwede bang huwag mong saktan ang misis mo at ang bata? Magkakatrauma ‘yan.” Napaangat ang kilay ng lalaki, “At sino ka naman para pangaralan ako sa pamilya ko? Alam kong teacher ka at kilala sa bayang ito bilang mapagmahal na teacher,” may sarkastikong diin ang huling sinabi nito. “Pero, Ma’am hangga’t wala kang sariling mga anak, wala kang karapatang pangaralan ako.” Isasara na nito ang pinto nang muling magsalita ang guro, “May dalawang anak ‘ho ako.” Gulat ang lalaki pati na rin ang asawa nito nang marinig ang sinabi niya, “Nasa dati ko silang asawa.” “Oh edi iresponsableng ina ka pala. Nag-aalaga ka ng mga estudyanteng hindi mo naman kamag-anak, sarili mong mga anak ‘di mo maalagaan. Anong klaseng ina ka?” “Nambabae ang asawa ko, sobrang sakit ‘nun para sa akin. Mahal na mahal ko siya at binigay ang lahat sa kanya kaya hindi ko mawari ang dahilan ng pambababae niya. Negosyante at mayaman ang asawa ko, samantalang ako, isang hamak na piano teacher lang. Wala pa sa isang buwang baon ng mga anak ko ang kakarampot na sinasahod ko.” Nagulat ang kaharap at nagpatuloy siya sa pagsasalita habang umiiyak, “Sinakripisyo ko ang pagiging ina ko, para sa magandang kinabukasan ng mga anak ko. Mahal na mahal ko ang mga estudyante ko ngayon, inaalagaan ko sila araw-araw. Ngunit gabi-gabi akong umiiyak habang naaalala ang dalawa kong anak sa piling ng asawa ko at ng kabit niya.” Sa ngayon ay nag-iipon pa rin ang guro upang makapiling na sa wakas ang mga anak.
sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.