Ginagamit ng Babae ang Kaniyang Pera Upang Humanap ng Lalaking Magpapaligaya sa Kaniya; Mahanap Kaya Niya ang Katapat Niya?

Ginagamit ng Babae ang Kaniyang Pera Upang Humanap ng Lalaking Magpapaligaya sa Kaniya; Mahanap Kaya Niya ang Katapat Niya?

InspiringLoveStories

Para kay Divina, lahat ay nabibili ng pera, kahit ang mga lalaki sa buhay niya. Wala pang tumatangging lalaki sa kaniyang alok na pera, makasama lamang siya.

Portrait of an Asian woman smiling. Portrait of an Asian woman laughing and smiling. asian middle aged woman stock pictures, royalty-free photos & images

Hindi niya alam kung makikilala pa niya ang lalaking magmamahal sa kaniya nang tapat. Maganda naman siya, maganda ang hubog ng pangangatawan, matalino, at matagumpay sa trabaho. Sa edad na 38, hindi niya alam kung bakit walang lalaking nagtatangkang manligaw sa kaniya. 

Kaya naman, upang maibigay sa kaniya ang ligayang hinahanap-hanap ng kaniyang katawan, nag-aalok siya ng pera sa mga lalaking bayaran, o sa mga lalaking nakakachat niya sa dating app. Kaakibat nito ang isang kasunduan na pagkatapos ng isang gabi, at kapag nakapagbayad na siya, hindi na sila puwedeng mag-usap pang muli. 

Isang araw, nag-online shopping si Divina. Marami siyang pinamili. May kakaibang kalungkutan siyang nararamdaman. Pakiramdam na nag-iisa. Idinaan niya sa online shopping ang kaniyang kalungkutan. Maya-maya, dumating na rin ang kaniyang mga pinamili. Nagulat siya dahil isang guwapong lalaki ang delivery rider, na tantiya niya ay nasa 25 hanggang 28 taong gulang. 

“Hello Ma’am, delivery po,” sabi nito sa kaniya. 

Friendly Asian delivery man  in blue polo shirt carrying parcel box Handsome friendly smiling Asian delivery man in blue polo shirt carrying parcel box asian handsome man stock pictures, royalty-free photos & images

Hindi pinalagpas ni Divina ang pagkakataong makilala nang lubusan ang lalaki. Nang kinuha niya ang mabigat na kahong kinalalagyan ng kaniyang mga pinamili, kunwari ay nabitiwan niya ang hawak at bumagsak sa kaniyang paanan. Nagkunwari siyang nasaktan at kailangan niya ng alalay. Dahil likas na maginoo ang guwapong delivery rider, tinulungan siya nitong makapasok sa loob ng kaniyang bahay upang makaupo siya. 

“Maraming salamat ha… ano nga palang pangalan mo, kuya?” untag ni Divina. 

“Kelvin po Ma’am, 29 taong gulang,” sagot naman nito. 

“Salamat ha? Sige Kelvin. Dahil mabait ka, kukunin kitang personal na delivery rider, okay lang ba? Dagdag kita rin sa iyo.”

Pumayag naman si Kelvin na maging personal delivery rider ni Divina. Tamang-tama rin kasi na may negosyo si Divina, kaya’t kailangang-kailangan niya talaga ng delivery rider. Subalit ang totoo niyan, gusto lamang niyang mapalapit sa delivery rider, at naniniwala siyang darating din ang panahong mahuhulog din ito sa kaniyang bitag, dahil sa pagtanaw ng utang na loob. 

Isang araw, hindi na siya nakapagpigil pa. Sa pagdeliver sa kaniya ni Kelvin ay hinaltak niya ang binata papasok s akaniyang kuwarto. 

“Ma’am ano po ang ginagawa ninyo?” maang na tanong ni Kelvin. 

“Ano pa nga ba? Huwag ka nga mag-inosente-inosentehan diyan. Gusto kita Kelvin, kaya sana ay mapagbigyan mo ako, halika nga rito…” hinila ni Divina si Kelvin at hinalikan ito sa kaniyang leeg habang tinataas ang polo shirt. Subalit itinulak siya nito, na naging dahilan upang mapatibuwal siya sa sahig ng kaniyang kuwarto. Galit na galit si Divina. 

“Anong ginawa mo sa akin! Ako na nga ang lumalapit sa iyo ang arte-arte mo pa!” galit na sumbat ni Divina. 

“Ma’am, paumanhin po, pero nagpunta po ako rito para magtrabaho at hindi upang gawin ang mga bagay na iyan,” magalang na tugon ni Kelvin. 

“Tigilan mo ako! Kagaya ka rin ng mga lalaki na sumusunggap sa mga palay na lumalapit sa mga manok. Huwag ka na maarte, bibigyan pa kita ng pera kung gusto, paligayahin mo lang ako,” saad pa ni Divina. 

“Ma’am, hindi po tamang tingnan ninyo ang mga lalaki sa pangkalahatan. May mga lalaki pong mapagsamantala, tama po kayo, pero meron naman din pong mga kagaya ko, na marunong gumalang at magpahalaga sa dignidad na meron sila. Ma’am, mahirap lang po ako, pero hindi po ibig sabihin no’n na susunggapan ko na ang alok na pera. Naniniwala po ako na ang pera ay pinaghihirapan. Naniniwala po ako sa mas maayos na pagkita ng salapi, kaysa sa mga ganito,” magalang na paliwanag ni Kelvin. 

Nakaramdam ng paghanga sa kauna-unahang pagkakataon si Divina sa isang lalaki, hindi lamang sa anyo, kundi sa personalidad. 

Inilahad ni Kelvin ang kaniyang kanang kamay upang i-angat siya sa pagkakaupo sa sahig. Ginagap naman ito ni Divina at sa pag-alalay ni Kelvin ay nakatayo siya. 

Raised hand. Young man in standing in park stretches his hand. Focus is on hand. Close up. a helping hand stock pictures, royalty-free photos & images

“Ma’am. maganda po kayo, may salapit, matalino… makakahanap po kayo ng lalaking magmamahal sa inyo nang tapat. Hindi po lahat ay matutumbasan ng pera.”

Humingi ng tawad si Divina kay Kelvin at pinatawad naman siya nito. Hiyang-hiya sa kaniyang ginawa si Divina. Tinandaan niya ang mga pahayag ni Kelvin na makahahanap din siya ng isang lalaking magmamahal sa kaniya nang wagas, na hindi tumitingin sa kaniyang alay na salapi. 

More Stories