Nawalan ng Trabaho ang Matandang Dalagang Guro Dahil Nabangkarote ang Pribadong Paaralan na Kaniyang Pinagtuturuan; Paano Kaya Siya Makababangon?

Nawalan ng Trabaho ang Matandang Dalagang Guro Dahil Nabangkarote ang Pribadong Paaralan na Kaniyang Pinagtuturuan; Paano Kaya Siya Makababangon?

InspiringStoriesSuccess

Hindi maintindihan ni Bb. Rowena Magpantay, guro sa pribadong paaralan, kung ano ang mararamdaman nang i-anunsyo ng may-ari ng pinaglilingkurang paaralan, na isasarado na ang kanilang paaralan dahil naapektuhan ito ng pandemya. Lumipat na kasi sa pampublikong paaralan ang kanilang mga enrollees. 

Isa si Bb. Magpantay sa mga pinakamatagal na nanilbihang guro sa naturang paaralan. Iba’t ibang posisyon na ang kaniyang nagampanan sa paaralang iyon, maliban sa pagiging punungguro. Ang tumamatayo kasing punungguro ay mismong ang may-ari nito. 

Masakit sa kalooban ni Bb. Magpantay na magsasara ang paaralang nagsilbing tahanan niya sa loob ng halos 30 taon ng pagtuturo. Hindi na nga siya nakapag-asawa. 

Matapos ang malakihang pagpupulong ng may-ari sa mga guro, personal na ipinatawag ng may-ari ng paaralan si Bb. Magpantay. 

“Weng, maraming salamat sa 30 taon ng serbisyo sa akin. Hindi ito matatawaran. Deserve mo na mabigyan kita ng back pay, kaya lang, may kailangan lamang akong hintayin na malaking loan sa bangko para maibigay ko sa inyo. Makakapaghintay ka ba?” naiiyak na tanong ni Gng. Choi, ang may-ari ng nagsarang paaralan. 

Gusto sanang sabihin ni Bb. Magpantay na hindi maaari dahil ito sana ang gagamitin niyang panimula sa buhay, subalit nakita niya sa mga mata ng kaniyang boss ang matinding pamamanglaw at mga agam-agam. Malaki ang utang na loob niya rito. Ito ang nagkanlong sa kaniya sa loob ng 30 taon, kahit na hindi naman siya perpekto sa kaniyang tungkulin bilang isang guro. Maraming beses niyang pinasakit ang ulo nito dahil sa ilang mga mag-aaral na inirereklamo siya, dahil sa pamamahiya, o masyadong istrikto sa kanila. 

“Ma’am, huwag po ninyo muna akong intindihin, may ipon pa naman po ako. Bahala na po,” sabi naman ni Bb. Magpantay. 

Hinawakan ni Gng. Choi ang kaniyang mga kamay. 

“Weng, nahihiya ako sa iyo, sa inyo. Hindi ko nakita na mangyayari ito sa paaralan. Patawarin ninyo ako kung hindi ko nagawa ang ipinangako ko sa inyo, na hangga’t nabubuhay ako, mananatili tayong isang pamilya. Huwag kang mag-alala, kapag nakabangon ulit ako, isa ka sa mga tatawagan ko para makabalik dito sa paaralan.”

Pagkauwi ni Bb. Magpantay, saka lamang pumasok sa kaniyang wisyo ang lahat. Hindi na siya magpupuyat upang gumawa ng banghay-aralin. Hindi na siya gagawa ng mga kagamitang biswal para sa kaniyang mga mag-aaral. Wala nang babati sa kaniyang mga mag-aaral. Bumuhos ang emosyon ni Bb. Magpantay. 

senior woman blowing nose - old asian woman crying stock pictures, royalty-free photos & images

Kinabukasan, nanibago si Bb. Magpantay sa kaniyang pagbangon. Dati, bumabangon siya nang maaga para maghanda sa kaniyang pagtuturo. Ngayon, medyo tanghali na siya nakabangon mula sa higaan, kagaya na lamang ng bangon niya kapag bakasyon. Nakakapanibago. 

Iginugol niya ang maghapon sa mga gawaing-bahay upang hindi siya mainip. Inis-is niya ang mga kagamitang pangkusina gaya ng mga kawali, kaserola, at kaldero. Sa kauna-unahang pagkakataon, ginamit niya ang washing machine upang labhan ang mga kobre-kama, kurtina, at mga mantel ng mesa. Sanay kasi siya sa paglalaba gamit ang mga kamay. 

Nag-agiw siya ng kisame, nagdilig ng mga halaman, nagwalis ng bakuran, nagtupi ng mga damit, at nagsulsi ng mga sirang panyolito upang magamit pa. 

Nang wala na siyang magawa, kinuha niya ang remote control ng kaniyang telebisyon at sinimulang manood. Pero hindi siya sanay na walang ginagawa. Pakiramdam niya kasi kapag nanonood siya ng telebisyon o nakaupo lang, nagsasayang siya ng oras. 

Kinuha niya ang kaniyang ballpen at kuwaderno at nagsimulang maglista ng mga gagawin niya habang wala na siyang trabaho. Inisip niya, maghanap kaya siya ng ibang mapapasukan? Ang tanong, may tatanggap pa kaya sa kaniya? 56 taong gulang na siya. Hindi siya sigurado kung tatanggapin pa ang mga kagaya niya sa ibang pribadong paaralan. Saka, ayaw na niyang makisama sa kung sino-sino. Pakiramdam niya, babalik na naman siya sa dati. 

Kinuha niya ang kaniyang passbook. Tiningnan niya kung magkano ang perang nasa bangko niya. 60,000 piso. Mabilis lang mawala iyan lalo na kung dumating na ang mga bayarin niya. Kailangang makaisip siya ng paraan kung paano kikita. 

Naalala niya, masarap siyang gumawa ng kape. May owner-type jeep siya na puwede niyang gawing mobile kapihan. 

Kaya ganoon nga ang ginawa ni Bb. Magpantay. Nagsaliksik siya ng mga maaaring disenyo ng kaniyang mobile kapihan. Sinimulan na nga niyang gawing kapihan ang kaniyang owner-type jeep. Naging madali lamang sa kaniya ang pagtungo sa iba’t ibang mga lokasyon. Ang likurang bahagi ng kaniyang sasakyan ang ginawa niyang brewing area. 

Pumatok naman ito sa publiko, at ang ibang mga naging cutomers niya, ay pawang mga naging mag-aaral niya. Marami sa kanila ang nag-post ng kanilang mga larawan kasama siya at ang kaniyang mobile kapihan, kaya mas nakilala pa ito at dinagsa ng iba pang mga customers. Naitampok din siya sa iba’t ibang mga news sites, at nakapanayam sa iba’t ibang mga programang pantelebisyon. 

lady's hands holding cup with sth heart-shaped - coffee stock pictures, royalty-free photos & images

Dahil napag-alamang isa siyang guro, marami ang nag-alok sa kaniya ng trabaho, na maging one-on-one tutor, o review master para sa mga review centers. Dumagsa ang trabaho para sa kaniya, siya na lamang ang mamimili kung ano ang susunggaban niya. 

Napagtanto ni Bb. Magpantay na bagama’t may nagsarang pinto para sa kaniya, magbubukas naman ang maraming bintana. 

More Stories