Takot Sumubok sa Makabagong Paraan ng Pagtuturo ang Guro; Paano Kaya Mababago ang Kaniyang Pananaw?

Takot Sumubok sa Makabagong Paraan ng Pagtuturo ang Guro; Paano Kaya Mababago ang Kaniyang Pananaw?

InspiringStoriesSuccess

“Ma’am Archaios, gusto po kayong makausap ni Mrs. Monterno. Magtungo raw po kayo sa opisina niya,” saad ng inutusang janitor sa isa sa mga pinakamatatagal na guro sa naturang paaralan na si Bb. Archaios. Napaismid naman si Bb. Archaios at mataray na tinanong ang janitor. 

“Bakit daw? May sinabi ba? Istorbo naman siya may ginagawa ako eh. Hayaan mo siya,” sabi ni Bb. Archaios. Hindi niya pinansin ang sinabi ng janitor. Nagpatuloy lamang siya sa pagsusulat ng kaniyang ituturo sa manila paper. 

The 9 Best Ballpoint Pens of 2021

“Ma’am Archaios, baka magalit na naman sa iyo si Madam Principal. Pumunta ka na,” paalala sa kaniya ng isa sa mga kasamahang guro na si Gng. Nostoles. 

“Hay naku kung gusto niya akong makausap, siya ang pumunta rito. Abala ako. May ginagawa ako. Mas mahalaga pa ba ang mga sasabihin niya kaysa paghahanda para sa klase ko?” mataray na sagot naman ni Bb. Archaios. 

“Ma’am, hinay-hinay lang sa pagsasalita at baka marinig niya, o baka naman, makarating sa kaniya. Alam mo naman marming ‘chuchu’ rito,” pabulong na paalala ni Gng. Nostoles. Ang chuchu na tinutukoy niya ay mga sipsip at nagpapalapad-papel sa punungguro. 

“Hindi ako natatakot sa kaniya. Mas matagal ako sa kaniya sa paaralan na ito. Mas alam ko pa ang pasikot-sikot sa paaralang ito, at hindi matutumbasan iyon ng masteral at doctoral degree niya. Saka ang mga punungguro ay hindi naman nagtatagal, napapalitan din sila, hayaan mo siya.”

Kung tutuusin nga, kung sa lawak ng karanasan ay nasa “principal level” na ang gaya ni Bb. Archaios na kinatandaan na rin ang pagmamahal sa pagtuturo. Subalit ang problema, hindi naman siya nagpatuloy sa kaniyang masteral. Sapat na para sa kaniya ang pagtuturo, ayaw niya ng kahit na anong katungkulan. Katwiran niya, ang gawin nang maayos ang trabaho bilang guro ay sapat na bilang isang dakilang propesyon. 

Hindi nga nagpunta si Bb. Archaios sa punungguro, kaya hindi na siya nagulat nang makitang lumabas ito sa de-aircon nitong opisina at nagtungo sa kanilang mainit na faculty room. Nagkataon naman noong may mga klase ang mga kapwa-guro kaya silang dalawa lamang ang nasa loob. 

“Miss Archaios, haven’t you received my message na pinapapunta ko po kayo sa opisina ko? May mahalaga akong tatalakayin sa inyo,” seryoso at tiim ang mga bagang ni Mrs. Monterno. Halatang gigil subalit nagtitimpi lamang. 

Portrait of asian business woman in corporate office Business woman standing looking into camera woth folded hands smiking in a corporate office asian middle-aged woman formal stock pictures, royalty-free photos & images

“Ay Ma’am sorry po, may ginagawa po ako eh. May klase po ako mamaya. Tingnan nga po ninyo oh, nagsusulat pa ako, hindi pa ako tapos,” tila walang pakialam na sabi ni Bb. Archaios. Hindi man lamang ito huminto sa pagsusulat sa manila paper kahit nasa harapan na niya ang punungguro ng paaralan.

“Fine. Kung gusto mong dito ko i-discuss ang concerns sa iyo, sige. Dito na lang, at hayaan nating may makarinig, kung sinoman ang makakarinig,” saad ng punungguro, na nasa 40 taong gulang pa lamang. 

“Ano po ba iyon, Ma’am?” tanong ni Bb. Archaios. May diin ang pagkakatawag niya rito ng ‘Ma’am.’

“Nakatanggap ako ng reklamo mula sa mga mag-aaral mo. They are complaining your visual aids. Puro ka raw manila paper. Actually ikaw na lang ang gumagamit ng manila paper. Ang mga colleagues mo gumagamit ng slides presentation at audio-visual materials para mas maging maganda at epektibo ang kanilang pagtuturo. Siguro kailangan mong i-level up ang estilo mo. Hindi na kagaya dati ang mga mag-aaral ngayon,” saad ng punungguro. 

Ibinagsak ni Bb. Archaios ang hawak na pentel pen sa mesang pinagsusulatan niya. Hinarap niya ang punungguro. 

“Ma’am, mawalang-galang na ho. Matagal na po akong nagtuturo sa paaralang ito, at matagal na akong nagtuturo bilang guro. Kahit kailan ay hindi naman ako nakatanggap ng reklamo mula sa dati kong mga mag-aaral, kaya palagay ko ay wala akong dapat baguhin sa paraan ko, at mga kagamitang panturo  na ginagamit ko sa kanila.”

“Bb. Archaios, unang-una, hindi ko kinukuwestyon ang husay at karunungan mo pagdating sa pagtuturo. Alam ko naman, ikaw ang pinakamatagal sa paaralang ito, at maging sa pagtuturo po ay nakaaangat kayo. Pero tatandaan natin, bilang mga guro, kailangan din nating makisabay sa makabagong pag-inog ng mundo, lalo na sa larangan ng edukasyon. Maaaring ang mga pamamaraan natin ngayon ay hindi na aplikable sa ngayon. Sana naman po maging bukas ang isipan ninyo sa mga pagbabago,” paliwanag ng punungguro. 

“Naku Ma’am, mas komportable po ako sa makinilya kaysa sa computer. Mas gusto ko pa rin ang banig na sinusulatan ng marka ng mga mag-aaral ko kaysa sa Excel-Excel na ‘yan. Mas gusto ko pa ring magturo gamit ang manila paper, yeso at pisara kaysa sa mga slides presentation na ‘yan.”

May itutugon pa sana ang punungguro subalit biglang tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang susunod na klase. Nagpaalam na si Bb. Archaios sa punungguro dahil may klase pa siya. Binitbit na niya ang mga kagamitang panturo at lumabas na at naglakad sa pasilyo.

Habang naglalakad sa pasilyo patungo sa silid-aralan, sinalubong na siya ng isa sa mga mag-aaral niya. Ito ang madalas na sumasalubong sa mga guro upang kunin ang mga gamit nila. Ibinigay niya ang mga bitbit na kagamitan sa naturang mag-aaral, at nagpaalam na magtutungo lamang sa palikuran.

Habang nagbabanyo, narinig niya na may pumasok na dalawang mag-aaral sa palikuran. Nag-uusap sila.

“Kailan kaya gagamit si Sir ng mas modernong gamit sa pagtuturo ‘no? Magaling naman si Sir, kaya lang nakakaantok pa rin kapag Manila paper na lang lagi ang gamit niya, o kaya yeso at pisara lang gamit niya,” saad ng unang mag-aaral.

“Oo nga eh. Medyo may edad na kasi kaya siguro hirap na sa teknolohiya. Pero ‘di ba kapag guro ka, dapat mas advance at updated sila sa mga bagong nangyayari para maka-relate sila sa atin? Ako, mas natututo ako kapag nanonood ako eh. Gusto ko yung ginagawa ng iba nating guro, na nagpapapanood sila ng mga dokumentaryo o kaya video clips.”

Pagkaalis ng dalawang bata, napaisip si Bb. Archaios. May punto naman ang dalawang bata. Napagtanto niya na kahit gaano pala kagaling ang isang guro, kahit na gaano siya karubdob sa kaniyang ginagawa, kailagan pa rin niyang makisabay sa agos ng buhay upang makaugnay sa kanilang mga mag-aaral.

Nagpasya si Bb. Archaois na may punto naman ang matagal nang sinasabi sa kaniya ng punungguro na kailangan niyang mag-upgrade sa paraan niya ng pagtuturo, batay na rin sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Makalipas ang isang linggo, makikitang may dala-dalang tablet si Bb. Archaios. Hindi na siya nagsusulat sa Manila paper ng kaniyang mga aralin, kundi sa pamamagita na rin ng slides presentation.

senior business woman presenting, addressing audience and standing in front of projector. - old asian woman teacher stock pictures, royalty-free photos & images

Panahon na upang magkaroon naman ng bago sa buhay niya, para sa kaniyang sarili, at para sa kaniyang mga minamahal na mag-aaral.

More Stories