Inday TrendingInday Trending
Nangako ang Babaeng Ito na Hinding-hindi Siya Magiging Isang Kabit; Kinain Niya Lahat ng Kanyang Sinabi

Nangako ang Babaeng Ito na Hinding-hindi Siya Magiging Isang Kabit; Kinain Niya Lahat ng Kanyang Sinabi

Nangako si Jenny sa sarili niya na kahit kalian ay hinding-hindi siya magiging kabit. Hinding-hindi din siya gagawa ng kahit anong bagay na makasisira ng pamilya niya, pag nagsimula na siyang bumuo nito. Ang kabit kasi ng tatay niya ang naging dahilan ng pagkabuwag ng pamilya nila noon.

Paano nga naman siya magiging kabit, eh mayroon naman siyang mapagmahal na nobyo. Mag sasampung taon naman na din ang relasyon nila at kampante siyang wala na din siyang lalaking hahanapin pa.

Pero lahat ay nagbago simula nang umalis patungong Qatar ang nobyo niya. Lumipad ito doon upang makapag-ipon para sa planong kasal. Si Jenny naman ay naiwan sa Pilipinas.

Naging maayos naman nung mga unang buwan ang relasyon nila, ngunit naging madalang din ang pag-uusap nila dahil sa pagkakaiba ng oras.

Sa isang malaking pagdiriwang sa kompanyang pinagtatrabahuhan ay doon nakilala ni Jenny, si Marco. Sa iisang kompanya lamang sila nagtatrabaho ngunit sa magkaibang departamento. Maputi si Marco, matangkad, ngunit mas matanda ng ilan taon kay Jenny.

Nagkausap sila at nagkapalagayan ng loob. Noong una ay tila ba wala lang ito kay Jenny, ngunit ilang araw lamang matapos ang pagdiriwang ay nasundan pa ang kanilang pagtatagpo.

Palagi silang nagkikita sa isang coffee shop malapit sa opisina. Nakahanap si Jenny ng ibang saya mula sa kaopisina, at lumago naman ito ng lumago sa kanya. Tila yata nakalimutan niyang may nobyo siyang nagpapakahirap sa ibang bansa.

Isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili sa loob ng isang motel kasama si Marco. Oo, sumama siya dito at doon ay may nangyari sa kanila.

“Napakaganda talaga ng mga mata mo,” wika ni Marco habang nakatingin kay Jenny.

Napangiti lamang ang babae at saka siya hinalikan. “Unti-unti na akong nahuhulog sa’yo Marco,” sambit niya habang nakatitig sa lalaki.

“Ako din naman Jenny, nagugustuhan na din kita,” tugon ng lalaki habang hinahalikan ang dalaga.

Naging mainit ang mga tagpong iyon. Para bang sa kanila lamang ang mundo. At si Jenny, para bang kinalimutan na lamang na mayroon siyang kasintahan.

Nasundan pa ng nasundan ang mga palihim nilang pagtatagpo. Hanggang sa dumating ang araw na naging matabang na si Jenny sa kanyang nobyong nasa ibang bansa.

“Maghiwalay na tayo. Hindi na ako masaya,” wika ng babae sa kausap niya sa telepono.

“ Pero Jenny, hindi ba’t magpapaksal na tayo? Kaya nga nandito ako ngayon sa Qatar, hindi ba?” tugon ng kanyang kasintahan.

“Ayoko na. Itigil na natin ito, sawa na ako, ayoko na,” malamig niyang sagot.

“May iba ka na ba?” tanong ng lalaki.

“Oo, at masaya ako sa kanya. Mas masaya na ako sa kanya,” hindi naman na inintay ni Jenny na sumagot pa ang nobyo. Ibinaba na niya ang telepono at ngumiti.

“Malaya na ako,” malaking ngiti ang kumurba sa mukha ng babae. Malaya na sila ni Marco. Ipinagpalit niya ang sampung taon, para sa lalaking kalian lang nakilala.

Nakipagkita siya kay Marco noong araw na iyon at muling may nangyari sa kanila. Naging opisyal na kasintahan niya noong araw na iyon si Marco, at lubos na nagpakasaya na lamang si Jenny sa bagong pag-ibig.

Isang araw habang nasa coffee shop ay nakita niya ang isang kaopisina, na nasa parehong departamento ni Marco.

“ Uy, kumusta?” bati ni Jenny sa ka-opisina. “ Bakit wala ata si Marco ngayon?” pag-usisa niya.

“Ay Jen, ayos naman,” wika nito, “Oo eh, hindi pumasok si sir ngayon.”

“B-bakit daw?” muling tanong ng babae.

“Anniversary daw kasi nila ng misis niya, kaya nag-leave ngayon.”

Tila natigilan naman si Jenny sa narinig. Hindi na rin niya napansin na nagpaalam na ang kaopisina dahil sa sobrang gulat na naramdaman niya.

“Hindi, hindi ito totoo. Nagkamali lang ako ng pagdinig,” pagkumbinsi niya sa sarili.

Ngunit kinuha niya ang kanyang cellphone at hinanap ang pangalan ni Marco sa facebook, lumabas ang dalawang account na may iisang mukha. Isang kaibigan niya at isang hindi.

Nanginginig ang kamay niya nang buksan ang account na hindi ni konektado sa kanya, at parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa nakita, pamilyado na nga si Marco.

Kinabukasan ay nagkita sila ni Marco. Ngunit umarte siyang parang walang alam.

“Text ako ng text sa’yo kahapon, pero wala kang reply man lang,” nagtatampong saad ni Jenny.

“Sorry babe, nagkaroon lang kasi kami ng family gathering sa side ng mom ko,” pagsisinungaling naman ni Marco.

“May asawa ka na ba?” seryosong tanong ng babae.

Tila natigilan si Marco sa narinig. Ngumiti lamang ito, “Wala ah. Ikaw lang ang babae sa buhay ko, okay?” at saka ito humigop ng mainit na kape.

Ngumiti si Jenny at pilit pinapaniwala ang sarili sa kasinungalingang sinabi ng nobyo. Isang taong bulag sa pag-ibig ang kinauwian niya. Alam na niya ang totoo at may pruwebang pwedeng ilabas, ngunit sa pagkakataong ito, nilunok niya ang sariling dangal at pinili maging pangalawa sa buhay ng isang lalaki.

Hanggang isang gabi, matapos ang maiinit na tagpo sa motel, ay napagsiyahan nilang kumain sa isang restaurant, ngunit bago pa man makalabas sa lugar ay may morenang babae na humarang sa kanila.

“ Ito ba ang kabit mo?” tanong ng babae kay Marco, na ngayon naistatwa sa kinatatayuan. “ Ano, ito ba?!”

Hinila ng babae ang buhok ni Jenny, kasunod ng malalakas na suntok sa ulo nito. Hindi niya magawang manlaban. Kilala niya ang babae, nakita na niya ito noon sa litrato, ‘ito ang asawa ni Marco.’

“ Ang kakapal ng mukha niyo!” muling sigaw ng babae. Ibinaling niyang muli ang tingin kay Jenny, “ Alam mo bang kabit ka ha? Alam mo bang pamilyadong tao si Marco? Alam mo bang may pamilya kang masisira ha?!” akmang hahablutin sana nito ang buhok ni Jenny, ngunit napigilan ito ni Marco.

“Wait, let me explain,” pag-awat ni Marco.

Alam ni Jenny ang totoo, at alam niyang siya ang talo dito. Isang ‘kabit’ lamang siya, isang hamak na kabit lang.

Tumingin lang siya ng isang beses kay Marco na kinakalma ngayon ang asawa, at saka siya tumakbo papalayo. Pumatak ang luha niya habang tumatakbo sa isip niya ang sinabi ng babae, “Alam mo bang may pamilya kang masisira ha?”

Nasira ang pamilya niya noon dahil sa kabit, at ngayo’y makasisira na din siya ng pamilya dahil pinili niyang maging kabit. Magdamag na lamang siyang umiyak ng umiyak.

Kinabukasan ay pumasok siya sa trabaho. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanya, pumutok na pala ang issue. Ngayon ay hindi lamang siya isang kabit sa mata ng mga tao, kundi isang babaeng muntik nang manira pa ng pamilya ng iba.

Hindi niya matiis ang kahihiyang tinamo. Nag resgin siya, at wala din namang ‘Marco’ na lumabas upang ipagtanggol siya.

Sinubukan niyang kausapin ang dating nobyong nasa Qatar, ngunit hindi na siya binalikan nito. Naging matindi ang galit sa kanya ng dating nobyo nang ipagpalit siya nito sa ibang lalaki.

Galit na galit siya noon sa ama nang malamang may kabit ito, pero sa sobrang pagkagalit niya sa ama ay tila ba isinabuhay niya ang pagkakamaling ginawa ng ama noon.

Hindi lamang siya nagkaroon ng iba, siya pa mismo ang naging kabit. Nilunok at kinain niya lahat ng sinabi niya noon.

Nag apply siya patungong ibang bansa, at doon nagsimula ng panibagong buhay. Sa lugar na walang nakakakilala sa kanya at sa lugar kung saan mamumuhay siya ng payapa.

Naging malaking aral sa kanya ang mga nangyari. Lahat ng bagay na sinabi niyang hindi magiging siya, ay parang malaking batong isinampal sa pagmumukha niya.

Pagsisihan man ang lahat, ay huli na rin. Pinilit na lamang niyang itama ang buhay at iniwasan nang mangyaring muli ang mga naganap noon.

Advertisement