Inday TrendingInday Trending
Hindi na Naibibigay ng Mister ang Pangangailangan ng Ginang Hanggang sa Makilala Niya ang Isang Tubero; Linisin Kaya Nito ang Kaniyang “Tubo?”

Hindi na Naibibigay ng Mister ang Pangangailangan ng Ginang Hanggang sa Makilala Niya ang Isang Tubero; Linisin Kaya Nito ang Kaniyang “Tubo?”

“Mando… honey… anong masasabi mo sa bago kong nighties? Bagay ba sa akin?”

Humarap si Amelia sa kaniyang mister na si Mando na noon ay nagbibihis ng damit. Pinakatitigan siya mula ulo hanggang paa ng mister. Nag-posing naman si Amelia na akala mo ay model sa isang panlalaking magazine.

“Magkano na naman iyan? Ang dami mong pajama diyan bumili ka pa ng nighties. Magtipid-tipid ka naman,” matabang na turan ni Mando.

Nakaramdam ng pagkadismaya si Amelia. Lahat ay ginawa na niya upang maakit ang mister na muling madiligan ang kaniyang “pechay.” Matagal na matagal na silang hindi nagsisip*ng, at siya, bilang isang ginang na malapit nang maikategorya bilang senior citizen, ay sinasamantala ang pagkakataong makarating pa rin sa ikapitong glorya, bago man lamang siya tuluyang makaakyat sa langit, sa panahong walang sinuman ang nakakaalam.

“Hayaan mo na ako. Libangan ko na lamang naman ang pagbili ng mga damit. Hindi naman tayo nadadalaw ng mga anak natin dahil busy sila sa mga sarili nilang pamilya. Si Ron naman ay nasa ibang bansa,” nagtatampong sabi ni Amelia. Nawala na ang mood niyang akitin ang mister. Nahiga na lamang siya.

May apat na anak sina Amelia at Mando, na may sari-sarili na ring pamilya, maliban sa bunsong si Ron na nasa ibang bansa at nakapokus sa kaniyang career. Si Mando ay isang arkitekto at pumapasok sa opisina mula Lunes hanggang Biyernes. Naiiwan sa bahay si Amelia na siyang nag-aasikaso sa mga gawaing-bahay. Subalit hindi ito ang gusto niya. Pakiramdam niya, may kaya pa siyang patunayan at gawin.

“Kaya naman kitang buhayin. Nagpapadala rin naman ang mga anak mo. Bakit kailangan mo pang magtrabaho?” laging ililitanya sa kaniya ni Mando kapag igigiit niya ang muling pagtatrabaho. Isa siyang sekretarya sa isang kompanya bago siya ikasal kay Mando.

Kaya nauubos ang maghapon ni Amelia sa kapapanood ng telebisyon, o kaya naman ay pag-aalaga ng mga halaman, at pag-aayos ng mga gamit sa bahay. Hindi rin siya makalabas dahil mga abala rin ang mga amiga niya.

Kaya minsan, hinahanap-hanap niya ang pakikipagsiping sa asawa, lalo na kapag nakakakita siya ng mga hubad na larawan ng lalaki sa social media. Umaakyat ang lib*do sa kaniyang katawan. May asim pa siya. Natutukso siyang makipagkilala sa mga lalaki sa pamamagitan ng social media ngunit naiisip niyang malaking kasalanan kay Mando ang gagawin, at baka perahan lamang siya ng sinumang makikilala niya. Alam naman niyang naluoy na ang kaniyang kabataan.

Isang araw, hindi sinasadyang masira ang tubo ng lababo. Wala noon si Mando at nasa opisina. Kaya naman, nagtanong-tanong siya sa mga kapitbahay kung paano makakakuha ng tubero. May nirekomenda namang isang app ang anak ng kaniyang napagtanungan, para makahanap ng tulong. D-in-ownload niya ito at naghanap ng tubero. Nakahanap naman siya.

Hindi naman ganoon kaguwapo ang tubero, sa katunayan, tantiya niya ay nasa katandaan na rin ito, ngunit may kakaibang dulot na pakiramdam sa kaniya na makakita ng ibang lalaki sa loob ng bahay, maliban sa mister na si Mando. Sa tingin nga niya ay may asawa na rin ito. Magiliw itong ngumiti sa kaniya.

“Saan po ang tatrabahuhin ko Ma’am?” nakangiting tanong ng guwapong tubero.

“Ah, kuwan… tara doon sa kusina. Nagbara ang lababo ko eh,” sagot ni Amelia.

Nagtungo na nga sila sa kusina. Sinimulan na ngang kumpunihin ng tubero ang baradong lababo. Nakamata lamang si Amelia. Pinapanood ang bawat pagkalikot ng mamang tubero sa kanilang lababo.

Sa wakas, nagawa na ang lababo.

“Anong naging problema?” usisa ni Amelia.

“Barado na nga po yung mga tubo. Kailangan pong tusuk-tusukin para lumabas yung mga nakabara. Kulang po sa sundot,” sabi ng tubero.

“Wala na kasing sumusundot. Busy…” pagbibiro ni Amelia. Natawa naman ang tubero. Siguro nahalata nito ang mga panakaw na sulyap ni Amelia sa pagitan ng kaniyang mga hita, na medyo nakaumbok sa kaniyang hapit na pantalon, at sa mamasa-masa niyang damit dahil sa pawis.

“Ma’am, kapag kailangan ninyo ng tagasundot at tagaayos ng tubo ninyong barado… heto po ang number ko, rekta na kayo sa akin,” makahulugang sabi ng tubero at ibinigay nito ang numero ng kaniyang cellphone. Kumindat pa ito kay Amelia bago sumakay sa motorsiklo paalis. Pakiramdam ni Amelia ay kumakawag ang kaniyang pechay.

Hindi maintindihan ni Amelia ang kakaibang init na naramdaman. Pakiramdam niya, may nais patungkulan ang tubero sa kaniyang mga sinabi.

Simula noon, lahat ng tubo sa bahay ay sinisira niya upang magkaroon siya ng pagkakataong matawagan at papuntahin sa bahay ang tubero, na nakilala niya sa pangalang Bruno.

Isang araw, muling pinapunta ni Amelia si Bruno upang ipagawa ang tubo naman ng gripo sa palikuran. Sakto naman, hindi niya inaasahan ang pagbalik ni Mando mula sa opisina dahil may nakalimutan ito.

“Anong ginagawa ninyo mga hayop!”

Huling-huli ni Mando ang misis at tubero sa akto ng “paglilinis ng tubo” ni Amelia, sa loob mismo ng palikuran. Bugb*g-sarado si Bruno mula sa mga kamao ni Mando. Nagdudumali itong lumabas ng bahay at pinaharurot ang motorsiklo.

“Hayop kang babae ka! Tama pala ang mga kapitbahay. Akala mo ba hindi ko malalaman na lagi kang nagpapapunta ng tubero dito? Wala namang sira ang mga tubo rito pero biglang nagkakaroon? Ibang tubo na pala ang pinapaayos at pinapalinis mo!” galit na galit na sabi ni Mando.

“Kasalanan mo ito! Ikaw dapat ang umaayos at naglilinis ng mga sirang tubo rito sa bahay, para hindi na ako humanap ng iba! Ikaw dapat ang nagbibigay ng mga pangangailangan ko bilang babae at bilang misis mo!” lumuluhang sumbat ni Amelia.

Pinatawad naman ni Mando si Amelia subalit lalo na itong tinabangan sa kaniya. Nagsasama na lamang sila dahil matatanda na umano sila para maisipan pang maghiwalay, alang-alang sa kanilang mga anak at apo. Pinagsisihan naman ni Amelia ang kaniyang ginawa sa mister. Ipinangako niya sa sariling hindi na siya magpapaayos ng anumang tubo sa kahit na kanino.

Advertisement