Inday TrendingInday Trending
Balak ng Empleyadong Ito na Akitin ang Kaniyang Boss na Alam Niyang Nanggigigil sa Kaniyang Kagandahan; Patulan Kaya Siya Nito?

Balak ng Empleyadong Ito na Akitin ang Kaniyang Boss na Alam Niyang Nanggigigil sa Kaniyang Kagandahan; Patulan Kaya Siya Nito?

Tinitigang maigi ni Noemi ang kaniyang repleksyon sa salamin. Tiniyak niyang magandang maganda siya ng mga oras na iyon. Pupunta siya sa opisina ng kanilang boss. Kinuha niya ang kaniyang lipstick at pinasadahan ang kaniyang mga labi. Kinuha niya ang botelya ng kaniyang pabango.

Nagwisik sa kaniyang leeg. Tinanggal niya ang dulong butones sa bandang leeg upang sumilip nang bahagya ang kaniyang malulusog na dibdib at ang uwang sa pagitan nito. Saka niya kinuha ang mga folder na kinalalagyan ng kaniyang mga report.

Nasasabik siya dahil muli na naman siyang mabibigyan ng pagkakataon upang makaharap ang boss na may-ari ng kanilang kompanya. Lagi niyang inaabangan ang pagkakataong ito. Napakagwapo, mayaman, matalino ito at sa palagay niya, kapag naakit niya ito, mapapabilis ang kaniyang pagyaman, ang kaniyang pag-asenso.

Maya-maya lamang ay nasa labas na siya ng opisina ng kanilang boss. Tumingin-tumingin muna siya sa kaliwa’t kanan niya, at nang matiyak na walang ibang nakakakita sa kaniya, bahagya pa niyang itinaas ang kaniyang palda, upang mas mapaiksi pa ito at mapalitaw ang kaniyang mapuputing hita.

Mararahang katok sa pinto ang pinakawalan niya.

“Come in.”

Pagbukas niya ng pinto ay agad niyang iwinagayway ang mahaba at alon-along buhok.

“Hi Sir Delgado, good morning po,” malambing na pagbati ni Noemi sa kanilang boss.

Napasulyap sa kaniya ang guwapong boss. Kitang-kita ni Noemi na napalunok ito lalo na nang lumuwa ang malalim niyang dibdib. Iyon naman talaga ang balak niya talaga. Gusto niyang mapahanga ito sa kaniya.

“Yes Ms. Lucena, come in,” sabi naman ni Mr. Delgado.

Pumasok na nga nang tuluyan si Noemi at isinarado ang pinto ng opisina. Tiniyak niyang naka-lock dito para walang makaistorbo sa balak niyang pang-aakit dito.

“Sir, sorry to disturb you po… dala ko na po yung financial report na pinagagawa ninyo kay Alain,” wika niya.

“Ah okay. Pero sandali, bakit ikaw ang nagdala? Hindi ba’t dapat ay si Alain ang nagdala niyan dito?” nagtatakang tanong ni Mr. Delgado.

“Ah kasi sir may meeting kasi sila. Nagpasuyo lang po siya na ako na ang magdala para sa inyo,” paliwanag naman ni Noemi.

“Ah ganoon ba? Sige, pakilapag na lamang dito sa mesa,” pakli ni Mr. Delgado habang nagpatuloy na sa kaniyang ginagawa kaharap ang laptop.

Tumalima naman si Noemi. Kunwari ay nabitiwan niya ang mga hawak na folder. Agad siyang yumuko upang pulutin ang mga ito. Tumayo naman si Mr. Delgado upang tulungan siyang magpulot.

Alam niyang nakatingin ito sa kaniyang dibdib kaya naman mas lalo pa niyang pinayuku-yukuan ang kaniyang dibdib upang masilip nito ang mabibilog niyang dibdib.

Ngunit hindi sinasadyang sa pagdampot ni Noemi sa natitirang folder na nasa sahig ay nagkasalubong ang mga kamay nila ni Mr. Delgado. Nagkatitigan silang dalawa.

Kitang-kita sa mga mata ni Mr. Delgado ang matinding paghanga sa kagandahan ni Noemi.

Ito na ang pagkakataon!!!

Dahan-dahan ay tinangka ni Noemi na pababain ang kaniyang mukha sa mukha ng guwapong boss.

Ngunit bigla itong bumawi ng mukha.

“Ms. Lucena, tumayo ka na diyan at hindi magandang makita tayo ng mga kasamahan sa ganitong senaryo at baka kung anong isipin nila,” saad ni Mr. Delgado.

“S-Sir, papayag naman po ako eh… wala naman po sigurong masama sa gagawin natin. We are two consulting adults na po. Gusto po kita sir at alam kong gusto rin ninyo ako. Papayag naman po ako sa gusto ninyong mangyari,” sabi pa ni Noemi.

Hindi siya papayag na hindi maisakatuparan ang kaniyang balak. Naroon na rin lamang siya, ano pa ba ang dahilan para hindi na ituloy-ituloy?

Takang-taka naman sa kaniyang mga sinabi si Mr. Delgado.

“Anong sinasabi mo na gusto kita? Paano mo naman nasabi?”

“Batay sa mga ikinikilos mo sir, sa mga tingin mo sa akin…”

Napangiti si Mr. Delgado.

“Ms. Lucena, I’m sorry kung iyon ang interpretasyon mo sa mga tingin ko sa iyo, pero I have to correct you. Hindi totoo iyan. Pero aaminin ko sa iyo, you look attractive. Maganda ka. Seksi. Pero hindi ibig sabihin na may lisensya na ako para gawin ang mga bagay na sinasabi mo lalo na at nasa opisina tayo. Isa pa, ikakasal na rin ako,” pag-amin ni Mr. Delgado.

Hindi na nakapagsalita pa si Noemi. Pulang-pula ang kaniyang mukha. Pinulot na lamang niya ang nalaglag na folder sa sahig at inilapag sa mesa ng boss saka siya magalang na nagpaalam.

Dahil sa matinding kahihiyan sa kaniyang ginawa, minabuti na lamang ni Noemi na magbitiw na lamang sa tungkulin at humanap ng ibang trabaho.

Napagtanto niya na may sarili naman siyang talino at galing na magagamit niya upang maitaas ang katungkulan sa kaniyang papasukang trabaho, at hindi niya kailangang gamitin ang kaniyang kagandahan o katawan upang maisakatuparan ito.

Advertisement