Hindi Sinasadyang Napasandal ang Ulo ng Pasaherong Dalaga sa Balikat ng Kaniyang Katabi Dahil sa Labis na Antok; Ito na Ba ang Lalaking Makakasama Niya Habambuhay?

Katatapos lamang ng shift ni Angela bilang isang call center agent. Graveyard shift, panggabi. Antok na antok na siya at gustong gusto na niyang matulog. Kaya lang, punumpuno ang mga sleeping quarters sa opisina kaya wala siyang mapamimilian kundi ang umuwi.

Business people wearing headset feel unhappy working in office Business people wearing headset feel unhappy working in office . Failure negative sadness emotion concept of call center, telemarketing and customer support crisis in financial economy down fall . sleepy asian call center agent stock pictures, royalty-free photos & images

Nagtungo muna si Angela sa palikuran upang mag-ayos nang kaunti. Kung tutuusin, maganda naman siya. Hindi nga lamang siya mahilig sa make-up. Lipstick at pulbos lamang, sapat na para sa kaniya. Isa pa, wala naman siyang dapat pagandahan dahil wala naman siyang kasintahan.

Naabutan niya sa palikuran ang isa sa mga respetadong team leader, na bagama’t nasa edad 45 taong gulang na, ay single pa rin. Mabait ang babae subalit pagdating daw sa trabaho ay halimaw ito.

“Hi Angela. Uuwi ka na ba?” untag nito sa kaniya habang nagpapahid ng kaunting lipstick sa mga labi nito.

Bahagyang ngumiti at tumatango naman si Angela.

“Yes po. Kayo po?”

“Buti ka pa. Ako, heto magsisimula pa lang ang trabaho. Ingat ka ha? Magpaganda ka baka makita o makilala mo na ang prince charming mo sa daan,” nasabi nito.

Natawa naman si Angela. Kinuha niya ang kaniyang sariling lipstick at nagsimulang pahiran ang mga namumutlang labi dahil sa puyat.

Advertisement close up woman holds red lipstick for make up to work close up woman holds red lipstick for make up to work hand of a woman holding a lipstick stock pictures, royalty-free photos & images

“Hindi na po ako umaasa diyan, Ma’am. Tanggap ko na po sa sarili ko na parang walang magkakainteres sa akin, kasi masyado akong abalang tao.”

Napangiti naman ang team leader.

“Ganiyang-ganiyan ako noong kaedad mo ako. Puro career lang ang inisip ko. Kakapokus sa trabaho, hindi ko na napansin ang isa sa mga mahahalagang bagay ng buhay: ang pagbuo ng mga relasyon sa iba’t ibang mga tao. Ngayon, medyo nagsisisi ako, kasi alam mo na, hindi na ako bumabata…” saad naman ng team leader. Matapos ay nagpaalam na ito.

Napailing na lamang si Angela. Oo nga no? May punto naman ang sinabi ng team leader. Eh anong gagawin niya kung walang lalaking magkagusto o manligaw sa kaniya? Hindi niya ugaling maghanap ng mga bagay na wala sa kaniyang buhay. Naniniwala siyang kapag ukol, bubukol.

Pagkalabas ng opisina, agad siyang sumakay ng tricycle pahatid sa terminal kung saan naroo ang mga pampasaherong FX kung saan siya sasakay pauwi. Pagkaupong-pagkaupo sa loob ng FX, nagkataong napatapat sa kaniya ang air-con kaya lalo siyang inatok. Habang umaandar ang sasakyan, hindi na niya namalayan ang sarili. Talagang idinuyan na siya ng pagtulog.

Ang alam lamang niya, pagewang-gewang ang kaniyang ulo at tila may malambot na unan na nalapagan ang kaniyang ulo. At dahil sanay siyang may yakap na unan, napayakap na rin siya sa kaniyang katabi, dahil akala nga niya ay nasa loob na siya ng kuwarto. Hindi pala unan ang kaniyang nasandalan kundi balikat ng isang lalaki!

Agad na napabalikwas si Angela nang biglang mapagtantong nasa loob pa siya ng sasakyan. Bigla siyang napalingon sa kaniyang katabi.

“Naku, kuya… pasensiya na po… hindi ko po sinasadya…” paghingi ng paumanhin ni Angela. Napapitlag siya nang makita ang lalaking nadantayan niya ng balikat. Napakaguwapo! Pulang-pula ang mukha ni Angela.

Advertisement an asian chinese businessman sitting inside the car at the backseat looking outside an asian chinese businessman sitting inside the car at the backseat asian handsome man passenger stock pictures, royalty-free photos & images

“Okay lang Miss. Mukhang pagod na pagod ka rin kasi,” sabi ng lalaki. Baritono ang tinig nito kaya kinilig nang bahagya si Angela.

Inayos ni Angela ang kaniyang sarili. Sinuri niya ang kaniyang sarili kung baka nalawayan ba niya ang balikat ng lalaki kaya panay sulyap siya sa balikat nito.

Pagkababa ni Angela, saktong bumaba rin ang lalaki. Kinuha nito ang kaniyang numero at ibinigay naman niya. At doon na nagsimula ang kanilang mga pag-uusap, hanggang sa nagkapalagayan na sila ng loob. Dumating sa puntong inaya na siya nito ng date at pinaunlakan naman niya. Hanggang ang isang beses ay naging dalawa, tatlo, hanggang sa niligawan na siya nito. 

Makalipas ang dalawang buwang pagde-date ay sinagot na rin niya si Jake. Ipinakilala niya ito sa kaniyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Isinama na rin niya ito sa kanilang bahay upang ipakilala sa kanilang pamilya.

Hanggang sa nag-aya na ngang magpakasal si Jake kay Angela. Sumang-ayon naman ang dalaga. Makalipas lamang ang ilang buwan, sila ay nag-isang dibdib na.

“Alam mo Mahal, nagpapasalamat ako at inantok ako ng araw na nagkakilala tayo,” sabi ni Angela sa kaniyang mister. 

“Bakit naman?” usisa ni Jake sa misis.

“Eh kasi, kung hindi dahil sa pagkaantok ko, hindi ako mapapasandal sa balikat mo, at hindi tayo magiging magkakilala,” paliwanag ni Angela. “Ikaw ang literal na balikat na habambuhay kong masasandalan.

Advertisement

Hinalikan ni Jake sa mga labi ang misis at idinantay ang ulo nito sa kaniyang balikat; kung paano sila unang nagkakilala.