Ang Mahigpit na Bilin ng Amo

Bagong saltang sekyu si Ronald sa isang mayamang pamilya. Ang Pamilya Crisostomo. Dalawang matandang mag-asawa ang tumatao sa malaking mansyon na babantayan niya.

“Ronald, ang kwartong ito ang babantayan mo. Kailangan siguraduhin mong walang sino man ang makakapasok dito. ‘Pag may pumasok dito, ikaw ang malilintikan sa akin,” banta ng lalaking amo.

Tumango-tango na lang si Ronald sa bago niyang amo. Ang kwartong babantayan niya ay ang kwartong nasa labas. Maging siya ay hindi niya alam ang dahilan kung bakit laging nakasarado ang misteryosong kwarto.

“Ronald, ikaw na muna ang bahala rito sa bahay ha? Huwag mong kalimutan ang bilin ko sa’yo, bantayan mo nang maigi ang kwarto na ‘yan. Susunduin lang namin si Ian sa airport.”

“Sige, sir. Huwag po kayong mag-alala dahil ako na po ang bahala rito!”

Si Ian ang panganay na anak ng mag-asawa na matagal nang nakatira sa ibang bansa. Ilang oras simula noong umalis ang mag-asawa, may kakaibang ingay at kaluskos na narinig si Ronald na nanggagaling sa nasabing kwarto.

Parang may batang masayang naglalaro sa kwarto. Sinubukan niyang sumilip pero napansin siya ng isang kasambahay.

Si Yaya Melinda, na kanyang tiya.

Advertisement

“Ronald, anong gagawin mo?! Hindi ba’t ayaw ni sir na may pumapasok diyan?!” saway nito sa pamangkin.

“Tiya kasi, may naririnig akong boses ng bata na nanggagaling sa loob. Parang naglalaro po,” sagot ni Ronald sa matanda.

“Ikaw talaga! Guni-guni mo lang ‘yon! Magsuot ka na lang ng earphones!” utos ng tiya niya sa kanya.

Hindi na lamang pinansin ni Ronald ang ingay sa kwarto, sinunod na lang niya ang utos ng kaniyang tiya.

Hindi nagtagal ay dumating na ang Pamilya Crisostomo, kasama ang kanilang anak na si Ian.

“Sir Ian, ikaw na ba ‘yan?!” tanong ng Tiya Melinda niya sa bagong dating.

“Oo yaya, ako na ito.”

“Hindi ba Melinda, ang laki na ng ipinagbago ng alaga mo,” saad ng babaeng amo.

Advertisement

“Oo nga po ma’am, sobrang gwapo na ng alaga ko! Binatang-binata na!”

“Nako yaya, ikaw talaga! Parang hindi ako gwapo dati pa ah!” pabirong tugon ng binata.

Natawa silang lahat sa naging pahayag ni Ian.

“Siya nga pala anak, siya ang bago nating gwardya. Si Ronald, pamangkin ng Yaya Melinda mo,” pagpapakilala ni Ginoong Crisostomo kay Ronald sa anak niya.

“Magandang umaga po, sir!” masiglang bati ni Ronald.

Ngunit ngumiti lamang sa kanya si Ian.

“Paano? Magpapahinga na muna ako ha?” pagpapaalam nito sa lahat.

Bumalik na si Ronald sa dating pwesto. Magdamag siyang nakabantay sa labas ng kwarto.

Advertisement

Maghahating-gabi na nang makarinig siyang muli ng mga ingay at kaluskos na nanggagaling sa kwarto. Noong una ay hinayaan niya iyon. Ngunit kinalaunan ay palakas na nang palakas ang kaluskos!

“Kuya habulin mo ako! Kuya habulin mo ako!” matinis na sigaw ng bata.

“Raawwwwr! Kakainin na kita! Raaawwwrrr!” sagot ng Kuya sa bata.

Pakiwari ni Ronald may dalawang taong naglalaro sa loob. Hindi siya pwedeng magkamali, tama ang naririnig niya!

Hindi na nakatiis si Ronald kumuha siya ng lagari, at saka sinubukang baklasin ang kandado. Ang kutob niya may nakapasok sa kwarto na hindi niya alam! Tiyak na malalagot siya sa amo niya ‘pag nagkataon!

At sa wakas, nabuksan na niya ang kwarto!

Maayos at malinis ang loob ng kwarto. At higit sa lahat, kapansin-pansin ang mga ginto, pera at mga alahas na nasa kama.

Agad-agad hinarap ni Ronald ang kanyang mga amo. Sa mismong gabing ‘yon ay sinabi niya ang buong katotohanan.

Advertisement

“Ronald, bakit nandito ka? May problema ba?” nagtatakang tanong ng amo.

“Sir, may nagawa po akong kasalanan. Dahil sa mga ingay at kaluskos na naririnig ko, napilitan akong buksan ang kwarto. Akala ko po kasi ay may nakapasok na tao roon. Pero nagkamali po ako, walang tao sa loob.”

Nanlaki ang mga mata ng mag-asawa sa narinig.

“Anong nakita mo sa loob?” tanong ng babaeng amo.

“Malinis po ang kwarto, at maraming pera, alahas at regalo ang nasa kama,” pagtatapat ni Ronald.

“Sigurado ka ba? Imposible dahil walang nakakapasok doon!” tutol ng amo.

“Sir, nagsasabi po ako ng totoo. Sigurado po ako sa nakita ko.”

Hindi nagtagal dumating sa pag-uusap nila ang panganay na si Ian. Narinig na niya lahat ng napag-usapan ng tatlo at nababatid niya kung tungkol saan ito.

Advertisement

Humarap siya kay Ronald.

“Hinahangaan ko ang katapatan mo. Labis akong nagagalak na may pakialam at kalinga ka sa bahay namin,” seryosong sabi nito.

“Hi- hindi ko po maintindihan, sir.”

“Ian, ano ang ibig mong sabihin, anak?” tanong ng mga magulang ni Ian sa kanya.

“Ako ang nagdadala ng mga pera, alahas at regalo sa kwartong iyon. Magmula nang iwan ko ang aking mga magulang sa Pilipinas upang manirahan sa ibang bansa, lahat na lamang ng nakukuha naming sekyu ay nananamantala. Lahat sa kanila ay dumaan sa aking pagsubok, at lahat din sila ay nabigo nang subukan nilang nakawin ang lahat ng kayamanan,” panimula ni Ian.

“At ikaw lang ang bukod tanging hindi nasilaw sa pera. Kaya dahil diyan, sa iyo na ang lahat ng nakita mo sa kwartong iyon. Dahil napatunayan kong tapat ang pagseserbisyo mo sa aming pamilya, lalo na sa aking mga magulang,” pagsisiwalat ni Ian kay Ronald.

Hindi makapaniwala si Ronald sa narinig. Dahil sa kanyang tapang at katapatan ay nagkaroon siya ng gantimpala mula sa Pamilya Crisostomo.

Dahil sa natanggap na pera, nabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ipinangako niya rin sa kaniyang sarili na ituturo sa kaniyang mga anak ang lahat ng mabuting asal na nalalaman niya upang patuloy na pagpalain ng Maykapal ang kanilang pamilya.

Advertisement

Hanggang sa ngayon, patuloy pa rin niyang pinaglilingkuran at pinananatiling ligtas sa kapahamakan ang Pamilya Cristobal bilang pagtanaw ng utang na loob sa ibinahagi nilang yaman sa kaniyang pamilya.