Pilit Pinaghiwalay ng Magulang ng Babae ang Magkasintahang Ito; Isang Liham Mula sa Binata ang Pinanghawakan ng Nobya; Matupad Niya Kaya ang Pinangako sa Liham?
Para kay Janine, hindi mahalaga kung mayaman o mahirap ang isang tao. Mas mahalaga ay ang pag-uugali at pakikisama sa kapwa. Kaya nang manligaw sa kanya noon si Bryan, hindi nagtagal ay nahulog na rin ang loob ng dalaga.
Isang hapon ay napagkasunduan ni Dante at Sonia, mga magulang ni Janine, na kumain sa isang kilalang fastfood chain.
“Dante, mamaya pa ata ang uwi ng anak mo galing eskwela. Gusto mo kumain muna tayo?” Tanong ni Sonia.
“O, sige. Tumawag naman si Janine at sinabing may kikitain daw muna siyang kaibigan bago umuwi. Kaya baka matatagalan pa ‘yon. Tara na, sumakay ka na ng kotse.” Sagot naman ni Dante sa asawa.
Halos kalahating taon ding naitago ni Janine sa pamilya ang kasintahang si Bryan. Hindi dahil sa ikinahihiya niya ito, kung hindi dahil sa alam niyang hindi matatanggap ng kanyang mama at papa ang nobyo. Ngunit hindi nila alam na sa araw lang pala na ito mabubuking ang kanilang lihim na relasyon. Nagkita ang apat sa McDonald’s na pinagtatrabahuhan ni Bryan.
Pagkapasok ng mag-asawa sa McDo, nanlaki ang mata ng dalawa nang makita ang anak na si Janine kasama ang isang crew ng nasabing fast food chain. Naka-akbay pa ang lalaki at tila naglalambingan ang dalawa. Kumaripas ng lakad ang ina upang kumprontahin ang anak.
“Janine! Anong ginagawa mo dito? At sino iyang kasama mo, ha?! Magpaliwanag ka!” Gigil na gigil na sigaw ng inang si Sonia.
“Hindi kita pinalaki para lang ibigay ang kamay mo sa mga ganitong klase ng tao, Janine. Tumayo ka d’yan!” Dagdag pa ni Dante.
Gulat na gulat ang magkasintahang si Janine at Bryan. Hinihila na papalayo ni Sonia ang kanyang anak upang isakay sa sasakyan. Pilit na pinaghiwalay ang dalawa at hindi man lamang binigyan ng pagkakataong mag-usap ang mga ito bago maghiwalay.
Lumipas ang ilang Linggo na hindi nagkikita o nagkakausap ang mag-nobyo. Parehong nagdaramdam sa sakit ang kanilang mga puso, at halos mabaliw sa kakaisip sa isa’t isa. Buti na lamang at nakaisip ng paraan si Bryan upang makapag abot ng mensahe sa nobya.
Isang kaibigan ni Janine ang pinakiusapan ni Bryan na iabot ang sulat na naglalaman ng lahat ng nais sabihin ni Bryan. Agad namang nagpunta ang kaibigan sa bahay ni Janine upang mabasa agad nito ang sulat.
“Mahal, patawarin mo ako dahil wala akong nagawa nung pilit ka nilang nilayo sa akin. Ayoko kasing daanin sa dahas o sa sapilitan ang lahat. Pero lagi mong tatandaan na kahit anim na buwan pa lamang tayong nagmamahalan, maipapangako kong ikaw lang ang mamahalin ko habangbuhay. Pangako, magbabalik ako. Magbabalik akong karapat dapat na sa iyo. Mahal na mahal kita, Janine. Hintayin mo ako. Nagmamahal ng lubos, Bryan.”
Walang kasing lungkot ang dalaga, ngunit alam niya na kailangan niyang tibayan ang loob upang malagpasan ang mga pagsubok. At isa pa, napakalaki ng tiwala niya sa nobyo. Kaya pinangako niya rin sa kaniyang sarili na kung hindi si Bryan ang mapapangasawa ay mas pipiliin niya na lamang na maging matandang dalaga.
Lumipas ang sampung taon. Si Janine ngayon ay isa nang 29 taong gulang. Sampung taon na ang lumipas ngunit ni anino ni Bryan ay hindi pa niya nakikita. Pinanghinaan ng loob ang dalaga. Ngunit nang mabasa muli ang pinakatatagong sulat ng nobyo, nanumbalik lahat ng pag-asa at pag-ibig sa kanyang puso.
Naglalakad papuntang parking lot si Janine nang bigla niyang mabitawan ang susi ng sasakyan. Agad naman itong yumuko upang pulutin. Ngunit laking gulat niya dahil sa may isang kamay pa ang umaabot sa susi. Biglang napatingin ang dalaga.
Hindi makapaniwala ang dalaga sa nakikita. Hinawakan niya ang mukha ng lalaki, habang walang humpay ang pagtulo ng kanyang mga luha. Sabay sabing, “Bryan? Bryan, ikaw ba ‘yan? Ikaw na ba ‘yan?”
“Walang iba, mahal ko. Para sa’yo lahat lahat ng pagsisikap na ginawa ko.”, maluha luhang sabi ni Bryan. Iba na ang itsura nito. Presentableng tingnan, mukhang mamahalin ang damit at sapatos, ang relos nama’y kumikintab sa kinang.
“Janine, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Will you marry me?”, tanong ni Bryan.
Gulat na gulat ang dalaga sa lahat ng nangyayari. Kay tagal niyang pinangarap na marinig si Bryan na sabihin ang mga katagang iyon. “OO! Isang malaking oo! Oo! Oo! Oo!” Umiiyak na nagyakapan ang dalawa.
Napagdesisyunan ng dalawa na pumunta sa bahay nila Janine upang kausapin ang magulang nito. Sa una ay natatakot ang dalawa na baka hindi pa rin tanggapin si Bryan ng magulang ni Janine. Ngunit matapos lamang maikwento ni Bryan na isa na siyang matagumpay na engineer ay agad agad pumayag ang dalawa sa kasalan.
Matapos maikasal ang magkasintahan, sila ay biniyayaan agad ng isang anak na lalaki. Sinundan naman ito agad ng isang babae.
Alam ni Bryan at Janine na hindi na nila mababago ang ugali ni Sonia at Dante. Ngunit sigurado sila na ang lahat ng tamang asal at pagtrato ng tama sa lahat ng tao, sa kabila ng estado nito sa buhay, ay ituturo nila sa kanilang dalawang anak.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!