Hindi Lubusang Malasap ng Misis ang Inaasam na “Sarap” Mula sa Asawa; Kanino Kaya Niya Hahanapin ang Ligaya?

Hindi Lubusang Malasap ng Misis ang Inaasam na “Sarap” Mula sa Asawa; Kanino Kaya Niya Hahanapin ang Ligaya?

HeartbreakingKarmaStories

“Pasensiya na Mahal kung hindi na naman kita napaligaya…”

Hiyang-hiya si Jestoni sa kaniyang misis na si Maricel. Dalawang buwan pa lamang silang kasal, at habang sila ay magkasintahan, wala pa talagang nangyari sa kanila. Masyado kasing konserbatibo si Jestoni. Ganoon na lamang ang gulat niya nang malamang hindi na birhen ang kaniyang misis, na sa tingin niya ay hindi makabasag-pinggan. Ang problema kay Jestoni, maliit lamang ang kaniyang “manoy.”

Frustrated sad a wife sit on bed think of relationship problems an asian woman frustrated on the bed think of troubled relationship asian love triangle stock pictures, royalty-free photos & images

“Okay lang Mahal. Ganiyan talaga. Hindi naman iyan ang pinakasalan ko sa iyo,” nakangiting saad ni Maricel. Tumabi na siya kay Jestoni at natulog na sila.

Makalipas ang ilang araw, nakipagkita si Maricel sa kaniyang kaibigang si Nelia na may asawa na rin.

“Normal ba itong nararamdaman ko, bes? Hindi kasi ako satisfied kay Jestoni pagdating sa kama. Alam mo namang may karanasan na ako sa una kong boyfriend na si Waldo, at alam mo naman kung gaano ko ikinukuwento sa iyo kung paano niya ako nadadala sa ikapitong glorya. Kung hindi lang kasi loko-loko ang kumag, eh ‘di sana kami pa rin,” saad ni Maricel.

“Alam mo bes, kapag nag-asawa na tayo, normal lang naman na kailangang maibigay ng partner mo ang pangangailangan mo. Sa totoo lang nagiging grounds pa nga iyan sa annulment o hiwalayan eh. Pero pinakasalan mo naman si Jestoni dahil mahal mo siya, hindi ba?”

“Oo naman, bes. Mahal ko si Jestoni. Napakabait at nakaparesponsableng tao. Saka lalo ko siyang nakikilala habang tumatagal kaming magkasama sa iisang bubong. Masipag siya at matiyaga. Kaya lang… hindi talaga niya naibibigay yung sarap na gusto ko, sarap na ipinatikim sa akin ni Waldo. Kay Waldo kasi, talagang mararamdaman mo siya sa loob ng pagkababae mo dahil mahaba at mataba…”

“Hoy bes baka may makarinig sa iyo, ikaw talaga. Pero may punto ka naman eh. Minsan mas masarap pa rin kapag dakila! Kaya naman, masaya naman ako Paulo ko kasi, satisfied na satisfied naman ang spot ko, naaabot naman niya…”

Isang araw, habang naglalakad ay nakasalubong niya ang kaniyang dating nobyo na si Waldo. Napatda siya sa kaniyang nakita dahil lalo itong naging guwapo. Gumanda pa ang katawan nito na talaga namang nakakatakam. Nakaramdam ng kakaibang init sa katawan si Maricel, na kahit kailan ay hindi pa niya naramdaman noon kay Jestoni. 

Young attractive asian man or college guy holding backpack smiling at camera feeling excited, happy vacation, joy and positive with sunset warm light background in travel asia concept with copy space. Young attractive asian man or college guy holding backpack smiling at camera feeling excited, happy vacation, joy and positive with sunset warm light background in travel asia concept with copy space. asian handsome man stock pictures, royalty-free photos & images

“C-Cel… kumusta ka na?” nangungusap ang mga matang tanong ni Waldo. 

“A-ayos naman ako. Ikaw? Kumusta ka na?” nauutal na tanong ni Maricel. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil nabubulol siya. 

At humantong sila sa isang coffee shop. Kumustahan. Inamin ni Maricel na kasal na siya, habang si Waldo naman ay wala pa ring karelasyon. Matapos ang mahaba-habang kumustahan, hindi na namalayan ni Maricel na gabi na pala. Inalok siya ni Waldo na ihahatid na lamang siya dahil may sasakyan naman ito. Nagpaunlak siya. 

Habang nasa loob ng kotse, kabadong-kabado si Maricel. Naaamoy niya kasi ang mabangong samyo ni Waldo, at baka hindi niya mapigilan ang sarili. Ngunit ito na ang pagkakataon. Naniniwala siyang hindi aksidente kung bakit sila pinagtagpo ng tadhana. 

“Waldo… ayoko pang umuwi. Gawin nating muli yung mga ginagawa natin dati,” biglang saad ni Maricel. Biglang napapreno si Waldo. Mabuti na lamang at wala sila sa highway. 

Akala ni Maricel, tatanggi si Waldo, subalit iba ang sinabi nito. 

“Saan tayo?”

At natagpuan na lamang ni Maricel ang kaniyang sarili na malakas na humahalinghing, umuungol, hindi sa bawat pag-ulos ng kaniyang mister, kundi dahil kay Waldo. Kagaya ng dati, sabay nilang naabot ang ikapitong glorya. 

At ito na ang umpisa ng muling pagkikita nina Maricel at Waldo. Minsan pa nilang pinagsaluhan ang mga bawal na sandali. Hanggang sa napadalas na. Unti-unting nawala ang nararamdaman ni Maricel para sa kaniyang mister na si Jestoni. Napansin na rin nito ang kaniyang katabangan at madalas na pag-iwas sa mga haplos niya. 

“Waldo, makikipaghiwalay na ako kay Jestoni. Magsama na tayo…” 

“Paano ang asawa mo?” untag ni Waldo. 

“Hindi ko na siya mahal… hindi na ako masaya sa piling niya. Magsama na tayo…”

“M-Maricel… may kailangan kang malaman. Hindi puwede…”

“Bakit hindi puwede?”

“Nagsinungaling ako. May asawa na ako talaga. Patawarin mo ako…”

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Maricel kay Waldo. Walang lingon-likod na kinuha niya ang kaniyang bag at umalis. 

Pag-uwi niya, nagulat siya dahil wala nang laman ang mga cabinet ni Jestoni. Isang sulat ang iniwan nito sa ibabaw ng mesa. Nakasaad sa sulat na nakikipaghiwalay na si Jestoni, dahil alam na nito ang ginagawa niyang kataksilan, noon pa man. Pinalalaya na raw niya si Maricel kung mas maligaya ito sa piling ng iba. Naplano na pala ni Jestoni ang lahat. Sa mga sandaling nagpapakasarap siya sa piling ni waldo, inasikaso ni Jestoni ang kaniyang mga papeles upang makapagtrabaho sa ibang bansa. 

notepad on a table Closeup of notepad kept on table in empty conference room letter on the table stock pictures, royalty-free photos & images

Sising-sisi si Maricel sa kaniyang mga ginawa. Nawala na si Waldo sa kaniya, nawala rin si Jestoni sa kaniya. Mag-isa na lamang siya. Tinanggap niya ang kapalarang ito dahil kasalanan naman niya ang lahat. Sa takdang panahon, muli niyang babalikan ang mister na si Jestoni—kapag handa na siya nitong patawarin.

More Stories