Natuklasan ng Mister na Masyado Palang Selosa at Mapanakit ang Napangasawa; Imbes na Hiwalayan, Inalam Niya ang Tunay na Kalagayan Nito

Sadya ngang malalaman mo lamang ang tunay na ugali ng isang tao kung makakasama mo siya sa iisang bubong.

Hindi akalain ni Carl na napakaselosa pala ni Linda, ang babaeng pinakasalan niya, na akala niya ay isang maunawain at malawak ang pag-iisip. Halos lahat na lamang ng kaniyang mga ikinikilos, pinaghihinalaan nito. Lahat ng mga babaeng nakakasama niya o kausap lamang niya, pinaghihinalaan na nito nang masama.

you never listen anymore - jealous asian wife stock pictures, royalty-free photos & images

Kagaya ngayon, dahil gabing-gabi nang umuwi si Carl mula sa trabaho, nanggagalaiti sa galit si Linda. At ang isa pa sa mga natuklasan ni Carl—masyado itong mapanakit. Mabigat ang kamay. Kaunting selos lamang ay nagagalit na kaagad ito, at pinagbubuhatan siya ng kamay, bagay na tinitiis naman ni Carl.

“Saan ka na naman galing? Sa kabit mo!” galit na galit na sabi ni Linda.

“Heto na naman tayo eh. Wala akong ibang babae. Masyadong traffic kaya nahuli ako ng uwi,” mahinahong paliwanag ni Carl.

“Sinungaling! Sinungaling!”

At labis na nagulat si Carl nang kunin nito ang alarm clock na nasa ibabaw ng mesita, at ubod-lakas na inihagis kay Carl. Mabuti na lamang at mabilis na nakaiwas si Carl. Tumama ang alarm clock sa bintanang jalousie. Nagkabasag-basag ito.

Hindi makapaniwala si Carl na magagawa siyang batuhin ni Linda. Napamaang naman si Linda sa kaniyang ginawa. Tila ito nahimasmasan. Tila nabuhusan ng malamig na tubig. Tinutop nito ang mga labi at naiiyak na nilapitan si Carl. Bumalong na ang luha sa mga mata nito.

Advertisement

“S-Sorry Carl… I’m so sorry. Hindi ko… hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi eh… hindi ka man lang nagte-text sa akin kung pauwi ka na. Nag-aalala ako para sa ‘yo. Sorry… sorry!” niyakap ni Linda ang mister. Gumanti naman ng yakap si Carl. Hinimas-himas ang likod nito.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa iyong ikaw lang ang mahal ko. Wala akong ibang babae. Wala akong kabit. Maniwala ka naman sa akin,” paliwanag ni Carl.

“Mahal mo ba ako? Promise?” masuyong tanong ni Linda. Kung kanina ay para itong tigre, ngayon naman ay mistula itong maamong tupa.

“Oo. Ikaw lang. Wala nang iba.”

“Ipangako mong hindi ka maghahanap ng iba, kahit na napakaselosa ng misis mo, ah…” paglalambing ni Linda. Itinaas ni Carl ang kaniyang kanang kamay.

“Pangako. Ikaw lang.”

Siniil ni Linda ng banayad na halik sa mga labi ang mister. Gumanti naman si Carl. Nadarang sila sa kanilang ginawa at binuhat na ni Carl si Linda patungo sa kanilang silid.

Araw ng Sabado. Nasa bahay lamang si Carl dahil weekend. Maya-maya, tumunog ang landline. Sinagot ni Linda. 

Advertisement woman picking up telephone receiver, backlit, cropped - a hand holding a landline phone stock pictures, royalty-free photos & images

“Hello, Topacio residence. Who’s this?” tanong ni Linda.

“Hi. May I talk with Carl Topacio?” tugon nito. Tinig ng babae. 

“Why? Anong kailangan mo sa kaniya?”

“Pakisabi, si Merlinda ito… long lost bestfriend niya noong high school.”

Tinawag naman ni Linda si Carl.

“Long… lost… bestfriend mo raw. Noong high school.”

Napasulyap si Carl kay Linda. Iba na naman ang mukha nito. Kanina, maayos naman subalit tila bigla na naman itong nakaramdam ng pagseselos. Matalim ang mga titig nito. Tumayo si Carl at kinausap ang kaniyang matalik na kaibigang si Merlinda. Pamilyado na itong tao sa ibang bansa at nagbakasyon lamang sa Pilipinas. Nakikipagkita ito sa kaniya.

Napasarap ang kuwentuhan nila, palibhasa’y matagal na hindi nagkita. Paminsan ay napapahalakhak pa si Carl. Namiss niya ang “loka-loka” niyang kaibigan. Pumayag si Carl na makipagkita rito kasama ang iba pa nilang kaibigan.

Advertisement

Pagkababa ng telepono, nanlaki ang mga mata ni Carl nang makitang may hawak na latigo ang asawa. Galit na galit ito. Kulang na lamang, bumuga ng apoy at asupre ang mga mata nito.

“M-Mahal… bakit may hawak kang latigo? Saan mo nakuha ‘yan?” kinakabahang usisa ni Carl. Ngayon lamang niya nakita ang latigong iyon.

“Binili ko talaga ito para kapag nalaman kong may iba kang babae, mata mo lang ang walang latay!” pagkasabi niyon, umunday ang kanang kamay ni Linda at hinataw ng latigo ang mister. Isa… dalawa… tatlo… apat… lima… sinalag ni Carl ang bawat hagkis ng latigo kaya tumama ito sa kaniyang mga braso. Tumalsik ang mapulang likido sa mga braso nito, na siyang dahilan upang mapatigil sa paghampas si Linda.

“C-Carl… mahal… mahal ko… sorry… hindi ko sinasadya. Nagseselos ako sa kaibigan mong ‘yan! Bakit pakiramdam ko mas mahal mo at mas masaya kang kausap siya kaysa sa akin? Bakit parang excited kang makita ‘yang Merlinda na ‘yan?” naiiyak na namang untag ni Linda.

“Ilang beses ko bang ipaliliwanag sa ‘yo na wala akong babae. Wala akong kabit. Kaibigan ko iyon at pamilyado na. Linda naman. Lagi na lang bang ganito? Nakakasawa. Hindi ko na yata kayang makisama sa iyo…” naiiyak na sabi ni Carl. Naaawa siya sa kaniyang sarili. Duguan siya ngayon at nasasaktan. Subalit higit pa sa pisikal na mga sugat na dulot ng hampas ng latigo, ay ang masakit na pakiramdam sa kaniyang damdamin, na walang tiwala sa kaniya ang asawa.

Itinapon naman ni Linda ang hawak na latigo at nagdudumaling niyakap si Carl. Humagulhol na ito.

close-up of bullwhip on table - to whip stock pictures, royalty-free photos & images

“Patawarin mo ako. Mahal na mahal kita Carl. Mahal na mahal kita at ayokong mawalay ka sa akin. Huwag mo akong hiwalayan. Please maawa ka…” pagmamakaawa ni Linda, na kung gaano kabagsik kanina, ay kay hinahon naman ngayon.

“Mahal na mahal kita Linda. Maniwala ka naman. At kung mahal mo talaga ako, kailangang sumunod ka sa gagawin natin,” sabi ni Carl.

Advertisement

“Ano ‘yon?” untag ni Linda.

“Magpapacheck up tayo. Pupunta tayo sa isang espesyalista.”

Pumayag naman si Linda. Kinabukasan din ay nagtungo sila sa isang espesyalista. At doon na napag-alaman ng dalawa ang tunay na kalagayan ni Linda.

Si Linda pala ay may mental condition na tinatawag na pagiging “bipolar.” Kaya pala ganoon na lamang ang mabilis na pagbabago sa kaniyang mood. Madaling magalit, at madali ring maging masaya. At naunawaan ni Carl ang sitwasyon ni Linda.

“Hihiwalayan mo na ba ‘ko?” tanong ni Linda. Nagmamakaawa ang mga mata nito.

“Hindi. Mas lalo kitang minahal. Sa pagmamahal, hindi lamang puro magagandang bagay ang dapat tanggapin kundi maging ang mga kahinaan at kapintasan ng isang tao, lalo na ang mahal mo,” sagot ni Carl.

Hindi hiniwalayan ni Carl si Linda; bagkus, pinag-aralang mabuti ni Carl kung ano ang mga kailangang gawin sa mga taong kagaya ni Linda. Mas lalo pang tumibay ang kanilang pagmamahalan.