Inday TrendingInday Trending
Tiba-Tiba ang Babaeng Ito sa Tatlong Nobyong Pinagsasabay Niya; Nabuking Siya ng Tatlo at Labis na Ipinahiya

Tiba-Tiba ang Babaeng Ito sa Tatlong Nobyong Pinagsasabay Niya; Nabuking Siya ng Tatlo at Labis na Ipinahiya

Dahil sa angking kagandahan ay kilala sa kanilang opisina si Trisha, maraming lalaki ang nais na manligaw sa kanya pero sobrang mapili ang babae. Ang nais niya lamang ay iyong mapera, iyong tipong kaya siyang ipa-manicure at pedicure linggo-linggo at kaya siyang ipa-facial treatment kada 2 weeks. Kulang pa kasi ang sahod niya bilang call center agent para tustusan ang mga kapritso nya.

“Babe, may gusto akong shoes. Yung kulay peach na nadaanan natin sa Central Square kanina,” sabi niya na ang tinutukoy ay isang mall na puro mamahalin ang bilihin. Syempre ang sapatos na tinutukoy niya ay hindi rin biro ang halaga, siguro ay nasa walong libong piso ang isang pares noon.

“Dapat sinabi mo kanina, para nabili na natin.” sabi ni Roger, isa sa mga boyfriend niya. ISA, dahil tatlo ang kanyang boyfriend. Lahat ang mga ito ay ka-opisina niya pero walang kaalam-alam ang mga lalaki dahil nagawa niyang utuin ang mga ito na kapag nasa loob ng opisina ay ilihim ang kanilang relasyon, para makaiwas sa issue.

Dahil inirerespeto siya ng mga lalaki ay inunawa ng mga ito ang kanyang desisyon. Walang ideya ang mga ito na pinapaikot na sila ni Trisha.

“Eh syempre nahihiya ako sayo.” pa-cute na sabi ng babae. Tamang tama, may maisusuot na syang sapatos sa paparating na Christmas party. Ang dress niya naman ay mula sa isa nya pang boyfriend, si Mardy. Tanging ang pangatlo lang ang kinaiinisan nya, mayaman rin naman ang lalaki nga lamang ay kuripot, ang balak nya nga ay dispatsahin na ito.

Dahil sa kahilingan ni Monica at binalikan ni Roger ang sapatos at binili iyon, habang siya ay naiwan sa restaurant at naghihintay rito. Sinamantala niya ang pagkakataon at tinawagan si Mardy.

“Honey ko? Hindi ako nakatawag sayo kanina kasi Im sick, nandito lang ako sa bahay. What? Pupunta ka? Wag na babe, okay lang ako nandito yung landlady namin eh bawal ang boys, alam mo namang conservative ako,” sabi nya sa lalaki. Nang matanaw niyang pabalik na si Roger bitbit ang sapatos ay nakangiting tinapos na niya ang tawag.

“Si mommy ko, nangungumusta lang.” sabi niya rito at iniangat pa ang cellphone.

Mabilis lumipas ang mga araw at sumapit na ang Christmas party ng kanilang kumpanya, talaga namang kumpleto sa accessories si Trisha na bigay ng kung sinu sinong lalaking nauto nya. Nagulat pa siya nang lapitan siya ni Norman, “Darling, bakit di ka nagrereply sa akin?”

Lumingon sa paligid si Trisha, lintik na lalaki ito! Baka dahil rito ay mahuli pa siya nina Roger at Mardy. Hinila niya ito sa isang gilid at nagkubli sila para walang ibang makakita.

“Ano ulit sabi mo? Bakit di nako nagpaparamdam?” asik nya, malungkot na tumango ang lalaki.

“Di mo talaga alam? Poor kana bobo ka pa. Napaka-kuripot mo! Kahit na sinong girl ay hindi tatagal sayo! Akala mo naman kawalan ka, Diyos ko kung alam mo lang I have two more boyfriends na malayung-malayo sayo. Sila, kaya akong bilhan ng kung anu ano. Mag-isa ka dyan!” sabi niya rito pero ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya nang makita sa likuran niya ang dalawa pang lalaki, si Roger at Mardy.

Hindi nya alam na matagal nang nakakahalata ang mga lalaki pero nananaig ang pag ibig ng mga ito. Bukod doon ay wala naman silang nakikitang ebidensya, pwera nalang noong isang beses na naiwan nya ang cellphone nya habang nag CR sya, nabasa ni Mardy ang mga texts ni Roger.

“Babe, hina-harass nya ako,” tila maamong tupa na sumbong niya kay Roger pero nilayuan sya ng lalaki, tinignan sya nito na para bang nandidiri. Lumipat sya kay Mardy.

“Honey ko, honey na-set up lang ako wag lang maniwala sa kanila!” pero ganoon rin ang ginawa nito.

Pahiyang pahiya si Trisha at napaiyak na lang sya.

“Hindi na namin babawiin ang mga nagastos namin pero sana maging aral na sayo ito Trish,” sabi ni Mardy at umalis na ang tatlong lalaki.

Lubog na lubog ang pakiramdam ni Trisha ng gabing iyon at nawalan ng saysay ang mga mamahaling suot niya dahil pakiramdam niya ay isa syang basura. Alam niya rin na may ilan siyang ka-opisina na nakarinig ng nangyari.

Nagsilbing aral iyon sa kanya, na wag gamitin ang kagandahan para makapanlamang sa kapwa at hindi dahilan ang pisikal na anyo para magpaikot at manakit siya ng iba. Kung may gusto siyang bilhin ay pinaghihirapan niya na.

Advertisement