Nais Maging Mayaman ng Dalaga Kaya Inakit Niya ang Kaniyang Boss; Hindi Siya Makapaniwala na Ito Pala ang Tunay Nitong Katayuan sa Buhay

“Binabati kita, bes! Ang galing mo. Nakapirma ka na ng kontrata at ganap ka nang isang modelo!” wika ni Precious sa kaniyang kaibigang si Veronica. 

“Bakit parang hindi ka masaya?” napansin ng dalaga.

“M-masaya rin naman ako. Kaso, alam kong matatagalan pa din bago ko makamit ang inaasam kong buhay — ‘yung hindi na nagtatrabaho at hihiga na lamang sa salapi,” tugon ni Veronica. 

“Madali na ‘yan, bes. Kasi bilang isang modelo, tiyak akong marami kang makakasalamuha at makikilala na mayayaman. Saka sa ganda mong iyan, hindi malayo na makapangasawa ka talaga ng mayaman!” saad ng kaibigan.

Matagal na kasing inaasam ni Veronica na makatakas sa kaniyang buhay kung saan kailangan niyang kumayod ng matindi upang mabili niya ang mga bagay na nais niya at makatira sa isang bahay na malayo sa kaniyang pinagmulan.

Kaya magiging madali sana sa dalaga kung basta na lamang siya makakapangasawa ng mayaman ng lalaki nang hindi na siya mahirapan pa sa pagkayod at mahiga na lamang siya sa salapi.

“Magandang umaga po,” wika ni Veronica sa kaniyang boss na dumaan sa kanilang harapan.

“Hindi ba dating artista ‘yan. Si Ferdinand Villarama!” sambit ni Precious.

Advertisement

“Tama ka, bes. At siya ang boss namin dito sa ahensiya,” saad ng dalaga.

Dating tanyag na artista sa telebisyon at pelikula itong si Ferdinand Villarama. Makalipas ang tatlong dekadang pag-arte ay tuluyan na niyang iniwan ang pinilakang tabing at pagtuunan na lamang ng pansin ang kaniyang negosyo.

Hindi naman nalalayo sa kaniyang dating propesyon ang kaniyang negosyo dahil nagtayo siya ng isang ahesyang nangangasiwa sa ilang talento. Maraming sikat na artista at modelo ang nasa ilalim ng kaniyang ahesiya.

Hindi na nagkapamilya itong si Boss Ferdie. Marahil na rin dahil sa pagkatuon niya sa trabaho at sa negosyo.

“Siguro ay ubod ng yaman niyang boss niyo, ano?” tanong ni Precious.

“Sinabi mo pa! Sa dami ng talentong hawak niya at halos lahat ay ang mga pinakasikat, tiyak na isa siya sa pinakamayaman dito sa industriya!” tugon ni Veronica.

“Ang balita ko nga ay wala daw ‘yang sariling pamilya! Sa tingin ko ay alam ko na kung paano ko matutupad ang pangarap ko, bes!” nagniningning ang mga mata ni Veronica sa kaniyang naisip.

Naisipan niyang akitin ang ginoo upang mahulog ito sa kaniya. Sa ganoong paraan ay hindi na niya kailangan pang paghirapan ang pera na kaniyang kikitain at bigla ang pag-angat niya sa buhay.

Advertisement

Kaya handa ang dalaga na gawin ang lahat upang mapa-ibig niya ang ginoo.

“Sa ganda at alindog ko na ito ay siraulo lamang ang hindi kakagat sa aking bitag,” sambit ni Veronica sa kaniyang sarili.

Sa tuwing alam niyang magkikita sila ng ginoo ay lalo pang pinapagana ni Veronica ang kaniyang sarili. Madalas din itong magsoot ng hapit na damit upang makita ang hubog ng katawan nito. Madalas din kung ipagluto niya ang kaniyang boss at kung may pagkakataon na magpakitang gilas siya dito ay agad niyang sinusunggaban.

Maayos din siyang makitungo sa ibang mga tauhan sa harap ng kanilang Boss Ferdie. Lahat ng ito ay kaniyang ginagawa upang mapansin at mapagtuuanan siya ng atensyon ng ginoo. At hindi siya nagkamali.

Unti-unting nahulog ang loob ni Boss Ferdie sa dalaga. Makalipas ang ilang buwan ng kanilang relasyon ay agad siyang nagpahiwatig na gusto niya ng kasal.

“Bes, ito na ata talaga ang pagkakataon ko para yumaman. Lahat ng pangarap ko ay makakamit ko na!” kinikilig na sambit ni Veronica sa kaniyang kaibigan.

“Hindi na ako makapaghintay na humiga ng literal sa pera!” dagdag pa ng dalaga.

“Sigurado ka ba, bes? Kasi iba ang napanood ko sa telebisyon kanina,” saad ni Precious.

Advertisement

“A-ano ang ibig mong sabihin?” pagtataka ni Veronica.

“Hindi ganoong kayaman ang boss niyo!” bulalas ng kaibigan.

“A-anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan,” tanong muli ng dalaga kay Precious.

Agad ipinakita ni Precious ang nasabing balita sa kaniyang kaibigan. Napagtakbo naman si Veronica sa kaniyang kasintahang si Ferdie.

“A-ano ang ibig sabihin ng balitang ito?” sambit niya sa nobyo.

“Bakit hindi ka kasama sa mga pinakamamayan sa industriyang ito? Kahit man lamang sa kalagitnaan ay wala ka? Napakalaki ng kompanya mo at halos lahat ng mga talento mo ay mga sikat. Wala kang proyekto na hindi tumatabo, bakit ganiyan ang balita sa iyo?” pagkumpronta ng dalaga. 

“Dahil hindi ko nais na solohin lamang ang perang mayroon ako. Mas nais kong ipamahagi ito sa mga taong tunay na naghirap ng pera na iyan at sa mga nangangailangan,” tugon ni Ferdie.

“Alam mo ba kung bakit hanggang ngayon ay wala pa akong asawa? Dahil walang makaintindi sa akin sa aking adhikain. Ang nais ko ay sa paglaki ng aking kinikita ay mas maparami pa ang mga taong matulungan ko. Nais kong mabago man lamang kahit paano ang buhay nila at makaramdam sila ngkahit kaunting ginhawa,” paliwanag pa ng ginoo.

Advertisement

“Kahit na hindi ako ang isa sa pinakamayan sa industriyang ito ay ako naman ang tiyak na pinakamayaman sa mata ng Diyos,” pagtatapos ni Ferdie.

Lubusan ang inis ni Veronica sa kaniyang narinig. Hindi pala si Boss Ferdie ang tatapos ng kaniyang paghihirap. Dahil dito ay nakita ng ginoo ang tunay na hangarin sa kaniyang dalaga kaya mabilis niyang iniurong ang kasal. Nagpatuloy si Ferdie sa kaniyang mabuting gawain. Samantalang si Veronica ay inalis na sa ahensiya at kasalukuyang naghahanap ng trabaho.