Inakala ng Lalaki na Maliit na Bagay Lamang ang Sakit ng Ngipin ng Asawa, Ito Pala ang Magiging Dahilan ng Pagkasawi Nito
“Mahal, ang sakit na naman ng ngipin ko.” Napakamot sa ulo si Berting nang marinig na naman ang atungal ng kanyang asawa na si Gina. Isang linggo na ‘ata niyong minamaktol ang sakit sa ngipin. “Sabi ko naman sayo, Gina tiis-tiis ka lang makakabale din ako sa amo ko, papabunot na natin ‘yan.” Hindi na nagsalita pa ang kanyang misis. Narinig niya nalang ang mahinang paghikbi nito. Umiyak man ito nang umiyak ay wala na siyang magagawa. Sa isang linggo pa siya magkakapera. Tricycle driver lamang siya at labandera lang ang misis niya. May tatlo silang anak na binubuhay. Naawa man siya sa misis dahil halos isang linggo na rin nitong iniinda ang sakit sa ngipin. Sa loob ng isang linggong ‘yun ay hindi rin nagtrabaho ang misis kaya mas lalo silang nagipit. Pero nagulat siya nang makita itong naglalaba na sa kapitbahay. Tumanggap na pala ito ng labada sa kabila. “Maigi naman para may pangkain kami mamaya,” Tag-ulan kasi ngayon at medyo mahina ang kita ng pagta-tricycle niya. Pagsapit ng hapunan ay sabay-sabay silang kumain. Pinagmamasdan ni Berting ang asawang si Gina at napapansing magana naman kumain ito. “Akala ko ba masakit ang ngipin mo, Mahal? Eh ang gana-gana mo pang kumain?” Napangiti ang asawa niya, “Ewan ko ba, gusto ko lang kumain nang marami ngayon.” Nagkibit-balikat si Berting at nagpatuloy nalang din sa pagkain. Kinagabihan bago sila matulog ay napansin niyang wala pa sa higaan nila ang kanyang misis. Sinilip niya ito sa sala at nakitang pinapatulog pa ang kanilang mga anak. Hinayaan niya nalang ito sa ginagawa at nauna na sa higaan. Sa kalagitaan ng kanyang pagtulog ay naramdaman niya ang paglikot ng katabi. Sinilip niya ito at nakitang nanginginig na ang kanyang asawa. “Ano na naman bang drama ‘yan Gina?!” inis na tanong niya sa asawa. Sa tuwina lang kasi matutulog siya nang mahimbing ay magigising siya sa pag-iinarte ng asawa. “Ang arte-arte mo, ngipin lang naman ‘yan!” Hindi na siya sinasagot ng misis sa halip ay iyak na lang nang iyak ito. Nagdesisyon siyang huwag nalang itong pansinin. Habang pinapansin niya kasi ay lalo lamang itong nag-iinarte. Kinabukasan ay tanghali na nagising si Berting. Napansin niyang wala na sa tabi niya ang asawa. Bumangon na siya upang mag-almusal. Kumakalam na rin kasi ang kanyang sikmura. Ngunit sa labas ay napansin niyang nagkakagulo ang mga tao. Sinilip niya iyon at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita ang walang-malay na asawang binibitbit papasok ng ambulansya. Tumakbo siya palabas. “Anong nangyari sa asawa ko?” “Naku, Berting bigla nalang hinimatay si Gina. Ang taas-taas pala ng lagnat.” Sumama na siya sa ambulansya at doo’y nakumpira na napakataas nga ng lagnat ng asawa. Sa hospital ay dineklarang patay na ang asawa. Umakyat na daw sa utak nito ang nana o tumor na namuo o nagsimula sa bulok na ngipin ng kanyang misis. Labis ang pagsisisi ni Berting. Kung noon palang ay ginawan niya na ng paraan ang iniindang sakit nito, ‘di sanay kasama niya pa rin ang asawa. Kung hindi niya sana inisip na umaarte lang ito, sana ay nagawan niya agad ng paraan mapagamot ang misis niya. Ngayo’y mag-isa na niyang binubuhay ang mga anak. Kung sana’y mas pinahalagahan niya ang asawa. Kung sana’y hindi isinawalang bahala ang akala niyang maliit na bagay. Kung sana’y nakinig siya dito. Sana… maraming sana. Sana’y may katuwang pa siya sa buhay. Sana’y kasama pa niya ito ngayon. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.