Inday TrendingInday Trending
Mahal na Mahal ng Dalaga ang Kaniyang Nobyo; Hindi Niya Inakala na May Inililihim Pala Ito sa Ukol sa Kaniyang Pagkatao

Mahal na Mahal ng Dalaga ang Kaniyang Nobyo; Hindi Niya Inakala na May Inililihim Pala Ito sa Ukol sa Kaniyang Pagkatao

Pagkagising pa lang ng madaling araw ay masigla at sobrang saya na ni Jessa. Sobra siyang nasasabik sa mangyayari mamaya. May sorpresa kasi siyang inihanda para sa kaniyang nobyong ni Paul.

Tatlong taon na silang magkasintahan at talaga namang masaya ang dalaga dahil alam niyang sa panahon ngayon ay bibihira na ang umaabot sa tatlong taon. Sa katunayan, hindi na nga umaabot ng isang buwan ang mga relasyon ngayon. Ewan niya ba at parang kay daling magsawa ng mga tao ngayon sa mga taong napupusuan kuno nila.

“Surprise! Happy 3rd Anniversary Babe!” masigla at puno ng pagmamahal na saad ng dalaga sa kaniyang nobyo.

“So? Did you like my surprise?” nasasabik na tanong ng dalaga sa nobyo na medyo pa kinakabahan.

Simple lamang ang sorpresang kaniyang inihanda sa condo ng binata. Naglatag lamang siya ng isang tela sa sahig at pinalibutan ito ng mumunting mga bulalak at kandila. Nakahain din ang mga paborito nilang mga pagkain at inumin na siya pa mismo ang nagluto. Pero tiyak niyang masasarap ang lahat dahil pinaghandaan niya talaga ang lahat.

Tiningnan naman siya sa mata ng binata at ngumiti. Agad niya ring hinila ang dalaga palapit upang yakapin ito.

“Thank you, babe. Sorry, I was so busy nakalimutan kong anniversary pala natin today,” hinging paumanhin ni Paul sa nobya.

Inaasahan na iyon ng dalaga, kaya nga naisipan niyang ngayong taon ay siya naman ang mahahanda ng sorpresa sa nobyo imbis na siya ang sorpresahin. Medyo nalungkot man sa narinig ay pilit pa ring ngumiti si Jessa sa nobyo.

“Babe, it’s fine ano ka ba? Naiintindihan ko naman. Kaya nga ako naisipan kong this time, ako naman ang maghahanda ng surprise para sa’yo. Galing ko ‘di ba?” masigla niyang sagot sa nobyo.

Napalunok naman si Paul. Ngayong araw niya sana aaminin sa dalaga ang matagal niya ng inililihim dito. Pero sa nakikita niyang mga ngiti ng dalaga ay para bang hindi niya na kayang sabihin pa ito. Ayaw niyang masaktan ang dalaga.

“Yes, thank you babe,” saad niya sa dalaga at hinalikan ito sa noo.

Masaya nilang pinagsaluhan ang inihanda ni Jessa para sa kanila. Gaya ng inaasahan ay masarap nga ang lahat ng putaheng niluto ng dalaga. Nagbunga din ang lahat ng oras na ginugol niya sa pag-aaral magluto.

Simula nang nagsimulang magtrabaho si Paul ay minsan na lamang silang magkita kaya naman sobrang saya ngayon ng dalaga. Dalawang taon kasi ang kanilang agwat ng nobyo. Kakasimula lang magtrabaho ni Paul samantalang nasa huling taon naman ng kolehiyo si Jessa.

Isang professional writer si Paul. Baguhan man ay parati naman itong inuulan ng papuri sa kanilang kompanya dahil na rin sa galing nitong magsulat. Siyempre proud at todo suporta naman sa kaniya ang nobyang si Jessa kahit na ba nawawalan na siya ng oras para sa dalaga ay iniintindi nalang siya nito.

Bago matapos ang gabi ay napagdesisyunan ni Paul na sabihin na sa dalaga ang matagal na niyang nais ipagtapat sa nobya. Alam niyang masasaktan ito, pero alam niya na rin na mas mainam ng saktan niya ang dalaga ngayon kaysa naman patagalin pa ito. Ayaw niyang saktan si Jessa dahil labis niya ring minahal ang dalaga pero hindi niya na pwedeng patagalin pa ito. Hindi niya maitatago ang katotohanan habangbuhay.

“Jess, maraming salamat sa tatlong taon. Maraming salamat sa pagmamahal mo. Bago ang lahat, gusto kong malaman mo na wala kang pagkukulang o ano man, ako ang may problema okay?” lakas loob na panimula ni Paul.

“What do you mean? A-anong sinasabi mo, babe?” naguguluhang tanong ni Jessa. Kinakabahan siya sa mga sinasabi ng nobyo. Binigyan siya nito ng isang libro.

“Isinulat ko d’yan ang lahat ng dapat mong malaman. Alam kong masasaktan ka sa gagawing kong ito pero kailangan kong gawin ito. Ayokong maging unfair sayo. You don’t deserve someone like me. You deserve better. Sana balang araw mapatawad mo ako, I’m breaking up with you,” puno ng sinseridad at emosyon na pahayag ni Paul sa dalaga.

“Pe-pero…” hindi na natapos ni Jessa ang sasabihin imbis ay napatingin na lamang siya sa hawak niyang libro. Tumulo na lamang din ang kaniyang mga luha habang kayakapa ng lalaking minamahal.

Pagkauwi sa kanila ay agad binasa ng dalaga ang librong ibinigay sa kaniya ng nobyo. Napayakap na lamang siya sa libro pagkatapos mabasa ang inilalaman nito at napahagulhol sa iyak.

Nang una ay natutuwa siya, natatawa at kinikilig sa mga nababasa niya. Nakasulat kasi roon ang mga nangyari sa kanila na para bang ang istoryang iyon ay ang mismong love story nila. Natutuwa siya pero hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot. Hindi niya pa rin kasi maintindihan kung bakit siya hiniwalayan ng binata. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa at habang tumatagal ay nalilinawan na siya sa kung ano nga ba ang dahilan ng pakikipagkalas ni Paul sa kanilang relasyon. Mahal naman siya ng binata. Hindi, minahal naman siya ng binata. Minahal. Tapos na. Ibig sabihin, may mahal na itong iba.

Nahulog sa iba ang nobyo niya habang sila pa! Pinagtaksilan siya nito kasama ang taong malapit rin sa puso niya. Kinuha niya ang kaniyang telepono at tinawagan ang matalik na kaibigan at nakipagkita rito.

“Alam ko na ang lahat. Paano niyo nagawa sa akin ito? Ikaw pa talaga na matalik kong kaibigan ang tratraydor sakin ng ganito? Ang tanga-tanga ko, hindi man lang ako naghinala sa inyo. Ang galing niyo namang magpanggap. Ang galing niyong umarte. Grabe, napaniwala niyo ako,” puno ng panit na pahayag ni Jessa sa matalik na kaibigan.

“Jess, I’m sorry. Nagmahal lang din ako. Hindi naman namin sinasadya na saktan ka. Sana naman ay mapatawad mo rin kami, kahit hindi man ngayon. Para rin naman ito sa iyo. Hindi ka na niya mahal at alam kong naiintindihan mo na ngayon kung bakit,” makikita rin ang mga luhang unti-unti ng namumuo sa gilid ng mga mata ng matalik na kaibigan niya.

“Me knowing it doesn’t mean na hindi na ako masasaktan! Hindi porket naiintindihan ko na eh hindi na ako masasaktan. It doesn’t work that way at alam mo iyon! Tatlong taon mahigit kong minahal si Paul! Nandun ka sa lahat ng ‘yun. Hindi ko akalaing aahasin mo siya sa akin. Hindi ko man lang alam na may nararamdaman ka rin pala sa kaniya. Nakipagkita ako sa iyo hindi para makipag-away o para patawarin kayo, kasi lolokohin ko lang ang sarili ko at kayo kung sasabihin kong napatawad ko na kayo agad. T*ng *n* anong akala niyo sa puso ko, bato?! Hindi rin ako santo para magpatawad sa mga kasalanan niyo ng ganun-ganun lang,” hindi na napigilan pa ni Jessa ang mga luhang kanina pa pinipigilang pakawalan. Nanginginig siya sa galit na nararamdaman para sa dating nobyo at matalik na kaibigan.

Kinuha niya ang librong ibinigay sa kaniya ni Paul at ibinigay iyon sa matalik na kaibigang si Jake.

“I think this belongs to you. Dahil hindi ako ang bida ng kwentong nakasulat d’yan. Hindi namin kwento kundi kwento niyo na kasama lang ako. Hindi ko kayo kayang patawarin ngayon…” napapikit muna si Jessa bago ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin, “pero susubukan ko. Hindi dahil deserve niyong maging masaya kundi dahil deserve kong maging masaya,” pagkatapos sabihin iyon ay tumayo na ang dalaga ang akamang aalis na nang maramdaman niyang niyakap siya ni Jake mula sa likuran.

“Salamat bes, alam kong balang araw ay mapapatawad mo rin kami. Huwag kang mag-alala mahahanap mo rin ang para sayo. Magiging masaya ka rin, ipagdadasal ko ‘yon,” bulong ni Jake sa matalik na kaibigan.

Lumipas ang isang taon at nakapagtapos na rin sa wakas si Jessa. Nakatanggap din ang dalaga ng maraming parangal sa kaniyang pagtatapos kaya naman ngayon ay naghihintay na lamang siya ng tawag galing sa kompanyang kaniyang napili na pasukan.

Nasaktan man ng lubos sa pag-ibig ay hindi siya nagpadaig sa sakit at patuloy na lumaban. Itinuon niya na lamang ang buong atensyon sa kaniyang pag-aaral. Ngayon ay handa na siyang harapin ang landas na kaniyang tatahakin tungo sa kaniyang pangarap, at umaasa na ring mahahanap niya ang pag-ibig na para talaga sa kaniya.

Advertisement