Hindi Maganda ang Naging Pagtrato ng Lalaki sa Isang Matanda Habang Papasok Siya sa Trabaho; Nagulat Siya sa mga Sumunod na Nangyari

Nagmamadali na si Patrick. Umagang-umaga pa lang ay mainit na agad ang kaniyang ulo. Paano ba naman ay inabutan siya ng traffic sa daan, samantalang ang aga-aga niyang umalis ng kanilang bahay. Ngayon ay malapit na siyang ma-late para sa kaniyang gaganaping presentation.

Nasa entrance pa lang siya ay nakita na niya ang isang matandang babae na naglalakad din papasok sa building na iyon ng kanilang kompanya. Napakabagal nito at animo pagong kung kumilos! Kakapiraso ang inihahakbang nito habang mabagal ang bawat pagtukod ng hawak nitong tungkod.

“Pwedeng pakibilis ho?!” bulyaw niya sa matanda na agad naman nitong ikinagulat. “Paharang-harang ho kayo sa daraanan ko. May importanteng meeting ho akong a-attend-an ngayon!” dagdag pa niya na nagpatulala naman sa matanda.

“Gan’on ba? Pasensya ka na, hijo. Nahihirapan lang ako sa mga binti ko ngayon dahil sinusumpong ako ng rayuma,” sagot naman nito.

“So? Wala ho akong pakialam sa rayuma n’yo. Ang pakialam ko lang ay tumabi kayo sa daraanan ko at baka ma-late pa ako sa meeting ko. Alam n’yo ho? Dapat sa inyo, nags-stay na lang sa bahay. Hindi ho ’yong namemerwisyo kayo sa daan!” pahabol niya pa bago niya ito iwanan sa kinatatayuan nito na hindi man lamang inaalok ng kahit tulong sa pag-akyat nito sa hagdan!

Aligagang-aligaga si Patrick habang inaayos ang kaniyang presentation para sa meeting ngayon kasama ang mga posibleng maging investors ng kaniyang kompanya. Malaki ang tiwalang ibinigay sa kaniya ng kaiyang boss kaya naman ayaw niyang ma-disappoint ito sa kaniya. Inaasahan pa naman ni Patrick na ngayong buwan mismo ay makukuha niya ang pinakaaasam niyang promotion na matagal na niyang pinaghihirapan.

“Huwag mo akong bibiguin, Patrick. Napakahalaga ng deal na ito para sa kompanya natin dahil talagang magbe-benefit tayo sa mga nasabing investors. Kilala sila bilang mga pinakamagagaling at pinaka-successful na investors sa iba’t ibang panig ng mundo kaya naman… pagbutihan mo.” Tinapik pa ng kaniyang boss ang balikat ni Patrick bilang pagpapakita ng suporta.

“Yes, sir,” agad namang sagot niya.

Advertisement

“Good luck.”

Nakangiti si Patrick habang sinusundan ng tingin ang papalayo niyang boss. Malaki ang tiwala ni Patrick na makukuha niya ang deal na ito ngayon dahil matagal niya na itong pinaghahandaan.

Papasok na sana si Patrick sa meeting room nang mamataan niya ang matandang nakasagutan niya kanina sa labas. Nagpapalinga-linga ito sa paligid na animo may hinahanap. Tila naman muling nanumbalik ang init ng ulo ni Patrick dahil sa nangyari kanina at kunot-noo niyang pinukulan ng masamang tingin ang matanda.

“Ano kaya ang ginagawa ng matandang ito rito?” naiiling na tanong niya sa kaniyang sarili.

Nagpasya siyang tanungin na lamang ang matanda. Akma na sana siyang lalapit dito, nang bigla na lamang itong tawagin ng isang pamilyar na tinig… ang kaniyang boss.

“Mrs. Dela Vega!” nakangiting anang kaniyang boss habang lumalapit sa direksyon ng matanda. Bumalik ito dahil mayroon itong bagay na nakaligtaan sa kaniyang opisina nang mamataan nito ang naturang matanda.

“Mr. Chua, it’s nice to see you again!” ganting bati naman ng matanda sa boss ni Patrick na ngayon ay nagtataka na sa kung ano ang nangyayari.

“Ang aga n’yo naman po, Mrs. Dela Vega. Saka, bakit wala kayong kasama? Nasaan ang apo n’yo?”

Advertisement

“Oh, may kinukuha lang siya saglit sa opisina kaya nauna na ako rito.”

Ngumiting muli ang kaniyang boss na si Mr. Reyes sa matanda. “Tamang-tama, ma’am. Dahil diyan, I want you to meet Patrick Villegaz, siya ang magpe-present sa inyo ng presentation namin mamaya. Sigurado ako na magugustuhan n’yo iyon, Mrs. Dela Vega,” pagpapakilala pa ng kaniyang boss kay Patrick at sa tagpong iyon ay napalunok na siya.

“Patrick, ito naman si Mrs. Dela Vega. The chairwoman of the Dela Vega group of companies at ang investor na siyang paglalaanan mo ng presentation mamaya,” baling naman sa kaniya ng kaniyang boss na noon ay tuluyang nagpalambot sa tuhod ni Patrick.

Hindi niya akalaing ganito kabilis siyang babalikan ng karma! Bakit sa dinami-dami ng magiging investor sana nila ay ito pang matandang binastos niya kanina!

Hindi nagtagal ng ilang minuto at agad na umurong sina Mrs. Dela Vega sa pakikipag-deal sa kanilang kompanya dahil sa paraan ng pagtrato ni Patrick sa matanda. Halos umusok naman sa galit ang ilong ng kaniyang boss na noon din ay tinanggal siya sa trabaho!

Labis ang pagsisisi ni Patrick nang mga sandaling iyon. Lahat kasi ng mga pinaghirapan niya sa mahabang panahon ay naglaho lang nang parang bula. At iyon ay dahil sa maling pagtrato niya at kawalan niya ng respeto sa isang matanda. Ngayon ay kailangan niyang muling bumalik sa umpisa, dala ang aral na natutunan niya sa pangyayaring iyon sa kaniyang buhay.