Nag-Feeling Sosyal ang Dalaga Para Makasabay sa Mga Kaibigan, Nagsisi Siya Nang Malaman ang Tunay na Kulay ng mga Ito
Lumaki si Lydia sa isang malayong probinsya at pangarap niyang makapunta sa Maynila at makapgtrabaho sa Makati.
“Anak, sigurado kabang kaya mo dito sa Maynila? Masyadong malaki dito at wala kami ng tatay mo,” tanong ni Aling Dolores, ina ng dalaga.
“Opo mama kaya ko. At saka maganda naman po itong nakuha niyong dorm sa akin, malapit lang sa mga pulis kaya huwag na po kayong mag-alala. Hayaan niyo po akong makalipad gamit ang aking mga pakpak dito sa Makati!” biro ng dalaga sabay wagayway niya sa kaniyang mga kamay na tila ba isa siyang ibon.
“Alam mo naman anak na mahal na mahal ka namin ng tatay mo at hindi namin makakayanan na may mangyaring masama sayo,” sabi pa ng ginang.
Nag-iisang anak lamang si Lydia at lubos nilang iniingatan ang dalaga, nakunan kasi ng tatlong beses si Aling Dolores at akala nila ay hindi na ito magbubuntis ngunit nabuo si Lydia. Kaya noong lumabas na ang dalaga ay halos ibinigay nila ang lahat ng kanilang makakaya para magkaroon ito ng magandang buhay.
Mananahi si Aleng Dolores samantalang isang doktor naman sa mata ang asawa nitong si James, ibinuhos nila ang lahat ng kanilang naipon para sa anak. Pinag-aral ito sa magandang eskwelahan, binigyan ng magagandang damit, masasarap na pagkain at ang seguridad para sa kinabukasan ng dalaga ay napaglaanan narin nila. Nakapagtabi na sila ng 500,000 para sa anak.
“Opo mama kaya ko sarili ko, at saka uuwi naman po ako sa’tin kapag nagkaproblema,” sagot muli ng dalaga.
“Basta anak ha, magulo ang mundo ng Maynila ngayon palang sinasabi ko na sa’yo. Kinakatakot ko e baka mapariwara ka lang dito, pwede ka naman sa’tin magtrabaho at mas maayos pa doon,” pilit muli ng ale.
“Mama, malaki na ako, hindi na po ako baby. Magvivideochat po ako palagi sa inyo para di kayo mag-alala, uwi na po kayo at mahuhuli kayo sa oras ng bus,” saad ng dalaga.
“Lydia, yung perang binigay namin sayo ay ingatan mong mabuti dahil pinaghirapan namin yan ng nanay mo. Alam ko malaki kana, sana patunayan mo sa’min na hindi kami nagkamali ng pagpapalaki sa’yo ngayong iiwan ka na naming mag-isa. Aalis na kami ng nanay mo, mag sarado ka ng pinto at huwag mong kalilimutan ang mga bilin namin,” seryosong pahayag ni James.
Masayang-masaya si Lydia, dahil sa unang pagkakataon napalayo siya sa buhay probinsiya. Matagal na niyang pangarap ang makapunta sa Makati at makapagtrabaho doon, sa facebook at magazines niya lang kasi nakikita ang lugar.
“Lydia ito na ang simula ng pagsikat mo!” saad ng dalaga sa sarili habang nakahiga siya sa kama sabay taas ng kaniyang paa.
Agad na nakahanap ng trabaho ng dalaga bilang isang sekretarya sa sikat na law firm sa Makati, halos pito yata silang babae na sekretarya sa opisina at agad niyang naging kaibigan si Nadia, nakasalamin ito. Medyo may katabaan ang katawan.
“Nadia, bakit ganito dito sa office? Pito na nga lang kayo nahati pa yung grupo niyo sa dalawa,” tanong ni Lydia dito.
“Ah, kasi yung mga grupo ni Chesca mahilig kasi sila lumabas hindi kami makasabay sa trip nila kaya hiwalay kami ni Cassie,” saad ng dalaga.
Unang pasok pa lamang ni Lydia sa trabaho ay agad niyang hinangaan si Chesca at mga kaibigan nitong kapwa sekretarya din niya. Napakagaling kasing manamit ng mga babae at napaka-sexy, ngunit mas mababait sina Nadia at Cassie kaya yun ang una niyang naging kaibigan.
Halos tatlong buwan nang pumapasok si Lydia sa opisina at kating-kati na siyang maging isa sa grupo nila Chesca dahil pakiramdam niya ay masyadong makaluma sila Nadia para maging kaibigan niya.
“Ms. Chesca, magandang umaga, napakaganda niyo po palagi. Gusto niyo po ba ng kape? Ipagtitimpla ko kayo,” saad ni Lydia sa babae.
“Hala ka, ang mga bossing lang natin ang pinagtitimplahan natin ng kape at hindi kapwa sekretarya, baka isipin nila inaapi kita,” baling ni Chesca sa kaniya sabay harap sa babae na para bang pinapainggit ang kaniyang pulang lipstick.
“Ay ganun po ba, pasensya na po gusto ko lang po talaga kayo maging close, idolo kopo kasi kayo noong unang pasok ko palang,” diretsong pahayag ni Lydia na siya namang kinatuwa ni Chesca. Doon na nagsimulang napasali siya sa grupo ng babae.
“Lydia mamaya magba-bar kami,sama ka ba?”tanong ni Chesca sa dalaga.
“Game ako!” mabilis na sagot ni Lydia. Agad siyang kumaripas ng uwi at inilabas ang damit na matagal na niyang itinabi para gamitin sa unang pagpasok niya sa bar. Kulay itim ito at kumikinang sabay tinernuhan niya ng sapatos na itim rin. Masiglang masigla siyang pumasok sa sa bar.
“Shet! Ano yang suot mo Lydia? Masyado namang halatang taga-bundok ka!” saad ni Chesca at nagtawanan ang mga kaibigan.
“Ay ganun ba? Pasensya na kayo first time ko kasi, bawi nalang ako next time,” baling ni Lydia sa mga kaibigan.
Simula noon ay pinalitan ng dalaga ang lahat ng kaniyang mga damit at ginaya ang lahat ng mga damit ng kaniyang mga ka-trabaho lalo na ang idolo niyang si Chesca. Maliit lamang ang sahod ng dalaga ngunit ayaw niyang maiwan sa mga kaibigan kaya naman nagpalit din siya ng cellphone.
Bumili din siya ng magagarang bag, sapatos at walang humpay ang panglilibre niya sa mga kaibigan hanggang sa napansin niyang nagagalaw na niya ang perang bigay sa kaniya ng kaniyang mga magulang.
“Chesca bigay naman nila yung pera e, tsaka para sayo yun kaya wag kang makonsensya. Ayos lang yan tignan mo naman ngayon maganda kana at sunod kana sa uso. Lahat na ng gamit mo ay kagaya ng kina Chesca, higit sa lahat mahal na mahal ka nila kaya worth it lahat ng gastos mo ate girl!” saad ng dalaga habang nakaharap siya sa salamin ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone, tumatawag ang nanay niya.
“Chesca ang tatay mo, wala na, hindi na siya nagising kaninang umaga, anak kailangan kita dito,” saad ni Aling Dolores sa telepono.
Agad-agad na umuwi si Chesca sa kanilang probinsya. Doon niya nakita na labis na palang naghihirap ang kaniyang mga magulang dahil sa pagkakasakit ng kaniyang ina at sa biglang pagkawala ng kaniyang ama.
Walang nagawa ang dalaga kundi gamitin ang iniwang pera sa kaniya para maayos ang libing ng ama at mapagamot ang inang matindi na ang pneumonia. Makalipas ang tatlong buwan ay bumalik siya sa trabaho.
“Lydia, magsi-sine tatayo mamaya,tutal matagal ka naman nawala ikaw muna sagot ha!” saad ni Chesca habang sila ay nasa banyo ng kanilang opisina.
“Sige sige,” maikling sagot niya sa kaibigan. Sinilip ni Lydia ang kaniyang wallet at nakitang limang libo na lamang ang laman nito. Kailangan niya pa iyong pagkasyahin hanggang sa katapusan kung kailan ang sweldo nila. Pero dahil ayaw niyang mawala ang mga kaibigan ay ginamit na lamang niya ang kaniyang credit card.
“Wala kang cash?” tanong ng isa.
“Wala e, nawala na kasi ang tatay ko at halos ako ang sumagot sa gastusin sa amin,” pahayag ni Lydia dito at inaasahan niyang yayakapin siya ng mga kaibigan para makiramay sa kaniya.
“Wala ka naman na palang pera ang yabang mo pa, sagot ko na to kawawa ka naman! Sa susunod wag kang sasama sa amin kung wala ka namang datung ate girl!” saad ni Chesca sabay abot ng pera sa kahera.
Pakiramdam nya ng mga oras na iyon ay inapakan ang kaniyang buong pagkatao, ang buong akala ng dalaga ay nakapagpundar siya ng malalim na pagkakaibigan ngunit mukhang pera lamang niya ang minahal ng mga ito. Kaya naman sa unang pagkakataon umalis ang dalaga ngunit ibinuhos muna niya ang popcorn sa sahig at tinapon ang inumin sa sapatos ng mga babaeng itinuring niyang kaibigan.
“Wala akong pera ngayon pero hindi ibig sabihin pwede niyo na akong maliitin!” saad ng dalaga at umalis sabay ngiti.
Pag-uwi ng dalaga ay agad niyang inilabas ang mga gamit na mamahalin at kinuhanan ito ng litrato sabay post nito sa facebook at Instagram. Ibinenta ng dalaga ang lahat ng mga gamit na hindi naman talaga nagpapasaya sa kaniya.
Hindi siya umalis sa trabaho ngunit hindi na siya sumama sa grupo nila Chesca. Sila Nadia at Cassie na ngayon ang matatalik niyang kaibigan at alam niya sa sariling masaya siya. Hindi niya kailangan magkunwari, magsuot ng kung ano anong damit, bumili ng mamahaling gamit at pumunta kung saan saan na wala naman siyang natututunan.
Ngayon ay malaki na ang naiipon ng dalaga at balak na rin niyang bumalik sa probinsya para doon nalamang mag trabaho at makasama ang ina.