Inday TrendingInday Trending
Nawala ang Asawang Lalaki sa Loob ng Labing Limang Taon sa ‘Di Malamang Dahilan; Tanggapin Pa Kaya Siya ng Asawa ang Kanyang Pagbabalik?

Nawala ang Asawang Lalaki sa Loob ng Labing Limang Taon sa ‘Di Malamang Dahilan; Tanggapin Pa Kaya Siya ng Asawa ang Kanyang Pagbabalik?

Maagang ikinasal sina Jimmy at Lannie. Hindi man nabiyayaan ng anak ay nananatiling matatag ang pagsasama ng mag-asawa. Bukod dito ay matindi pang pagsubok ang kinaharap ng dalawa.

Maulang hapon noon, habang nagtatapon ng basura sa labas ang limampu’t isang taong gulang na si Jimmy ay aksidenteng nadulas sa basang hagdanan. Nagalusan ang likod ng matanda at tumama ang ulo sa matigas na sahig. Agad namang nakatayo ang lalaki at bumalik sa normal na gawain.

Makalipas ang ilang araw ay isa na namang aksidente ang naganap. Patungo si Jimmy sa trabaho nang maramdaman niyang nawawalan siya ng kontrol sa sasakyang minamaneho. Bumangga siya sa isang poste at tumama ang kanyang noo sa salamin ng sasakyan.

Kinabukasan ay nakaranas na ng pagkahilo ang matandang lalaki. Habang bumababa ng hagdan ay nakaramdam ng pagkahilo si Jimmy, kaya’t nahulog siya sa hagdan at nabagok. Sa pagkakataong ito ay nawalan na siya ng malay at tatlong araw na naospital.

Nang manumbalik ang lakas ay balik naman si Jimmy sa normal. Isang araw ay nanghiram siya ng sasakyan sa kaibigan upang ihatid ang kamag-anak ng asawa sa airport. Matapos nito ay hinatid naman niya ang asawang si Lanie sa bahay ng kapatid nito.

Nang maihatid ang asawa ay napagdesisyunan niyang ibalik na ang hiniram na sasakyan sa kaibigan, ngunit may napansin na kakaiba ang kaibigan sa lalaki.

“Jimmy, ayos ka lamang ba? Bakit parang namumutla ka? Gusto mo bang ihatid na lamang kita sa inyo?” tanong ng kaibigan.

“Nako, wag na pare. Baka napagod lang ako sa biyahe. Malapit lang naman ang bahay namin dito, kaya maglalakad na lang ako pauwi. Maya-maya ay mawawala na din siguro itong sakit ng ulo ko,” magalang na pagtanggi naman ni Jimy.

Mag aalas dose na ng gabi ngunit hindi pa rin nakakauwi ang lalaki, dahilan para mag-alala ang asawang si Lanie. Agad niyang tinawagan ang may ari ng sasakyan na pinaghiraman ng asawa, ngunit kinumpirma nito na nakaalis na ang lalaki pauwi sa kanila.

Alas dos ng umaga kinabukasan ay tumawag na si Lanie sa mga pulis. Nagsimula ang paghahanap kay Jimmy ng mga awtoridad, sa kasamaang palad ay wala silang makitang palatandaan na ang lalaki ay tinambangan o naaksidente man lang.

Isang malapit na kaibigan ang nanguna sa imbestigasyon. Malakas ang pakiramdam niya na walang masamang nangyari sa lalaki, ngunit may kutob siya sa biglaang pagkawala nito.

“Alam mo Lanie? May posibilidad na nagkaroon ng amnesia ang asawa mo. Alam natin na kailan lang ay naospital siya dahil sa pagkakabagok. Maaaring naging malala ang epekto nito sa kanya.

“May ilang kaso na kasi akong nahawakan tulad nito at talagang nabura ang lahat ng alaala ng biktima dahil matindi ang troma na tinamo sa ulo. Huwag kang mag-alala gagawin namin ang lahat para mahanap siya,” sabi ng detektibo

“Maraming salamat detective! Malakas din ang pakiramdam ko na makakabalik pa ang asawa ko. Sana naman ay walang mangyari sa kanyang masama. Sana ay ligtas siya,” umiiyak na tugon ng babae.

Lumipas ang mga buwan, ngunit wala pa ring balita sa kinaroroonan ni Jimmy. Idinaan na lang sa panalangin ni Lanie ang labis na pag-aalala sa asawa.

“Diyos ko, gabayan Ninyo po ang asawa ko. Huwag Ninyo po siyang pababayaan,” taimtim na panalangin ng matandang babae.

Taon na ang lumipas, ngunit wala pa ring ideya si Lanie sa tunay na nangyari sa asawa niya. Ipinagpatuloy na lamang niya ang buhay kahit na wala ang asawa. Iginugol niya sa trabaho ang kanyang pangunguli, ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na muling makikita ang asawa.

Ang hindi alam ni Lanie ay nasa mabuting kalagayan si Jimmy. Napadpad ito sa isang lugar sa Pampanga at kinupkop ng isang pamilya. Sa hindi malamang kadahilanan ay walang maalalang impormasyon ang lalaki tungkol sa kanyang sarili maging ang kanyang pangalan.

Kagaya ni Lanie ay ipinagpatuloy ni Jimmy ang buhay. Nakapagtrabaho siya sa isang restorant bilang tagaluto. Naging aktibo din siya sa isang simbahan malapit sa bahay na tinitirahan.

Isang araw habang nasa trabaho ay bigla na lamang nagdilim ang paningin ni Jimmy at biglang natumba. Makalipas ang dalawang araw ay tila isang milagro naman ang nangyari sa lalaki.

Unti-unting nagbalik ang kanyang mga aalala. Natandaan niya ang kanyang pangalan, ang address ng kanila bahay na tinitirhan, at ang kanyang asawa.

“Ano na kayang nangyari sa asawa ko? Kailangan kong makita ang asawa ko,” nag-aalalang sabi ng lalaki.

Isang umaga habang nag-aayos si Lanie paalis ng bahay ay bigla na lamang tumunog ang doorbell ng kanilang bahay. Pagbukas ng pinto ay bumungad agad sa kanya si Jimmy, ang kanyang asawa na matagal nang nawawala.

“Jimmy? Ikaw ba iyan? Totoo ba itong nakikita ko?” gulat na tanong ni Lanie.

“Oo, Lanie. Ako nga ito, at magmula ngayon ay hindi na akong muling aalis sa tabi mo. Nang magbalik ang mga alaala ko ay ikaw kaagad ang naisip ko,” nakangiting sagot ng asawang lalaki.

Napaluha lamang ang babae at niyakap ang asawa. Labis ang tuwa at kasabikan niya na muling nakita ang asawa. Ikinuwento ni Jimmy ang lahat ng pangyayari. Agad naman nilang inulat sa mga pulis ang nangyari.

Nagtungo din ang mag-asawa sa pamilyang kumupkop sa lalaki, dahil ito ang mga rason kung bakit nanatiling malusog at buhay pa rin si Jimmy. Labis din naman ang saya nila na muling makabalik ang lalaki sa pinakamamahal niyang asawa.

“Maraming salamat, Lanie. Salamat dahil nahintay mo pa rin ang muli kong pagbabalik kahit na kaytagal ng aking pagkawala. Salamat sa Diyos at hinayaan niyang makabalik akong muli sa piling mo,” maluha-luhang sabi ni Jimmy.

Labis na nagpapasalamat naman ang lalaki dahil hindi sumuko ang asawa noong siya ay nawala. Ang labing limang taon ng pagiging tapat nito sa kanya at pag-asang makakabalik pa siya ang lalong nagpatibay ng kanilang pagsasama.

Sa pangyayaring ito ay nasukat ang tindi ng pananampalataya at pag-asa ni Lanie. Ang labing limang taon na pag-iintay at pagtitiis niya ay natuldukan din. Nawala man ng kay tagal ang asawa ay buong puso pa rin niya itong tinanggap.

Isang patunay lamang na kahit anuman ang mangyari, kahit paglayuin man ng pagkakataon ang dalawa taong totoong nagmamahalan ay gagawa at gagawa pa rin ng daan ang tadhana na muli silang makabalik sa piling ng isa’t-isa.

Advertisement