Nagtiis Siya sa Pekeng Pagmamahal; Isang Lalaki ang Magpapalasap sa Kaniya ng Tunay na Pag-ibig

“Malandi ka talagang babae ka!” Isang malakas na sampal ang lumapat sa pisngi ni Elmina. Halos mamanhid iyon sa sobrang lakas ng sampal, ngunit wala siyang magawa kung hindi ang hawakan lamang ito.

“Hindi ba’t sabi ko ‘wag kang lalapit sa kahit sino’ng lalaki? May tawanan pa kayong nalalaman. Napakalandi mo talaga!” Nagpupuyos sa galit si Rafael matapos niyang makitang nakipag-usap sa ibang lalaki ang kaniyang kinakasama.

“Kaibigan ko si Jerecho, ano bang masama na makipagkwentuhan at tawanan ako sa kaniya?” giit ni Elmina ngunit muli siyang nakatikim ng mas malakas na sampal mula kay Rafael.

“Simula ngayon, hindi ka maaaring lumabas ng bahay. Maliwanag ba?” Padabog na isinara ni Rafael ang pintuan ng kwarto nila at ikinandado ito.

Wala na namang nagawa si Elmina kung hindi umiyak nang umiyak. Sobrang mahal niya si Rafael kaya naman hindi niya ito magawang iwan tulad ng payo sa kaniya ni Jerecho at ng iba pa nilang mga kaibigan. Kahit ang kaniyang mga magulang ay hindi boto sa nobyo niya.

May kalayuan ang bahay nila sa kaniyang mga magulang kaya hindi alam ng mga ito ang totoong nangyayari sa kaniya. May kaya rin si Rafael at nakapagpatayo na ng malaking bahay na siya nilang tinutuluyan ngayon.

Nang una ay maaayos ang kanilang pagsasama hanggang sa naging mainitin ang ulo nito at naging sobrang seloso.

Hindi na bago sa kaniya ang pambubugbog na ginagawa nito kapag nagseselos. Palagi siya nitong ikinukulong at kinabukasan ay bubuksan muli na para bang walang nangyari. Ibibili siya ni Rafael ng mga gusto niya at masasarap na pagkain. Hihingi ng pasensiya at sasabihing nabigla lamang naman siya. Ganoon lagi ang tagpo at para bang nasanay na lamang siya.

Advertisement

Matapos ang lahat ay pinuntahan niya sa opisina ang asawa para dalhan ng pagkain. Hindi na siya kumatok at dire-diretsong pumasok doon, ngunit laking gulat niya nang makita itong may kahalikang ibang babae!

Nalaglag ang kaniyang hawak-hawak na pagkain. Mabilis siyang nagtatakbo palabas at doon niya nakasalubong si Jerecho.

“Elmina, ano’ng nangyari? Bakit ka umiiyak?” Hindi nagsalita si Elmina’t sa halip ay niyakap niya ito.

“Ilayo mo muna ako rito, Jerecho.” Hindi na nagdalawang-isip pa ang kaniyang kaibigan at dinala siya nito sa kanilang tahanan.

Kumuha ito ng tubig at inaabot sa kaniya. Mabilis na inubos ni Elmina ang tubig at ipinatong ang baso sa mesa.

“Ano’ng nangyari?” may pag-aalala sa boses nito.

“K-Kilala mo ba ‘yong babaeng laging kasama ni Rafael sa opisina?” Sa halip na sagutin ang tanong ay nagtanong din dito si Elmira.

“Oo, si Kimberly iyon. Bakit?” naguguluhan nitong sagot.

Advertisement

“Nakita ko siyang kahalikan ni Rafael sa opisina.” Nanlalaki ang mata ni Jerecho sa sinabi ni Elmina.

Si Jerecho kasi ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ng kaniyang asawa at matagal nang kaibigan ni Elmina ang binata. Iyon ang dahilan kung bakit nakuha nito ang posisyon nito ngayon.

“Maaari kang dumito muna kung gusto mo, Elmina. Tingin ko’y mas magandang huwag ka nang bumalik pa sa lalaking iyon.” Napatingin si Elmina kay Jerecho at muling umiyak. Napabuntong-hininga naman ang lalaki at walang magawa kung hindi yakapin ang kaibigan.

“Alam kong mahal mo siya pero sapat na ang pagpapakatanga mo sa kaniya, Elmina. Sasaktan ka niya nang paulit-ulit kaya hanggang maaga pa ay layuan mo na siya. Hindi pa kayo kasal at wala kayong anak, pwede mo pa siyang iwan.” Hindi magawang umimik ni Elmina. Pakiramdam niya’y tinakasan na rin siya ng boses dahil sa kaniyang nakita.

Naging matagal ang pananatili ni Elmina sa malaking tahanan ni Jerecho. Siya ang naghahanda ng makakain at gamit nito pang-opisina, katulad ng ginagawa niya kay Rafael. Napag-alaman niyang umalis na si Rafael sa kumpanya, ganoon din ang kalaguyo nito at iniwan, maging ang tahanan nila.

Dalawang taon ang lumipas na wala siyang balita sa lahat ng kakilala niya. Tanging sa puder ni Jerecho umikot ang dalawang taon niya pero hindi siya nagsisisi dahil sa sobrang bait at maalaga nito. Hindi nagtagal ay nagustuhan niya ang lalaki at umamin din itong may pagtingin para kay Elmina.

Binago ni Elmina ang kaniyang sarili. Mula sa pag-uugali niyang palagi na lamang nagpapaubaya, hanggang sa hitsura niya.

Taas noo siyang lumabas ng sasakyan matapos pagbuksan ni Jerecho. Magkasama silang pumasok sa kumpanya at lahat ng empleyado ay nagsipagtunguan sa kaniya.

Advertisement

Naging Mrs. Jerecho Gonzales na siya matapos siyang pakasalan ni Jerecho. Masayang-masaya rin ang pamilya niya dahil sa wakas ay hindi na siya hawak sa leeg ni Rafael. Natuto siyang maging matapang sa tulong ni Jerecho. Ipinango niya sa sariling hindi na siya masasaktan pa ng kahit na sino. Salamat kay Jerecho na siyang bumago sa kaniya.