Inday TrendingInday Trending
Pinagtripan at Pinaniwala ng Lalaking May Gusto Siya sa Pangit na Kaklase, Napanganga Siya nang Muli Silang Magkita Makalipas ang Ilang Taon

Pinagtripan at Pinaniwala ng Lalaking May Gusto Siya sa Pangit na Kaklase, Napanganga Siya nang Muli Silang Magkita Makalipas ang Ilang Taon

Masayang nagtawanan ang mga kaibigan ni BJ, nakasimangot niya namang sinaway ang mga ito. “Ano ba kayo? Mamaya maniwala yan!” sabi nito sa mga kaibigan. Alam niya namang crush siya ng kaklaseng si Gloria, pero ayaw niya naman dito dahil, kumbaga sa mga palabas, maituturing itong nerd, wirdo at takot sa tao. Malaking salamin, magaspang ang kutis nito at dry ang buhok, malayung malayo sa type ni BJ. Pero syempre sinasakyan niya ito dahil nakikinabang naman siya sa katalinuhan ng babae, konting kindat lang dito ay igagawa na siya nito ng projects at assignment. “Girlfriend mo si Gloria ano!” nakangising sabi pa ng isa niyang kaibigan. “Ul*l! Papatulan ko ba yun eh mukhang mas matanda pa sa nanay ko brad. Matalino kasi kaya inuuto-uto ko,” natatawa niya namang sagot. Hindi niya namalayan na nakatayo na pala ang dalagita sa likod niya na pinuntahan siya upang i-abot ang pinagawa niyang homework. Tumakbo ito palayo at hindi niya naman hinabol, natawa na lang siya at dinampot ang cartolinang nahulog nito, ang mahalaga, may maipapasa siyang project. Makalipas ang ilang taon. Kinakabahang inayos ni BJ ang kanyang resume, final interview na niya sa isang malaking kumpanya. Naipasa na niya ang paunang interview at ilang exam, kailangan nalang ay magustuhan siya ng executive director na mag-iinterview sa kanya ngayon para matanggap siya sa kumpanya. Tinawag na ang pangalan niya at pumasok na siya sa opisinang itinuro ng babae. “Sit down,” sabi ng tinig ng isang babae. Nakatalikod pa lang ay masasabing kahanga-hanga ang hubog ng katawan nito. Pagharap ng babae ay nalaglag ang panga ni BJ dahil parang dyosa ang kaharap niya! “Mr. Brad Jacob Alonzo?” sabi nito na tumingin nang diretso sa kanya, hindi siya nakasalita agad dahil halos tumulo ang laway niya sa ganda nito. “H-hi po,” nahihiyang sabi niya. Hindi niya alam kung bakit parang pamilyar sa kanya ang babae, hindi niya matandaan kung saan. “Gloria Tedchong,” maikling sabi nito sabay ngiti. Si Gloria?! Si Gloriang nerd, pangit at takot sa tao?! Natapos ang interview na hindi namamalayan ni Bj, hindi niya nga alam kung tanggap siya o hindi dahil wala siyang ginawa kung hindi tumulala lang kay Gloria. Paglabas niya ng building ay saktong labas rin ni Gloria, sinundo ito ng isang gwapong lalaking naka-kotse. “Ang swerte nila sa isa’t isa no,” narinig niyang sabi ng isang empleyado. “Oo nga eh, sabi raw panget daw si Ma’am noong college, may lalaki nga daw na pinahiya siya kasi sa itsura niya. Nakilala niya si sir at tinanggap siya kahit marami siyang pimples! Akalain mong may tinatago palang ganyang ganda,” pabulong na sabi ng isa pang empleyado. Napailing naman si Bj, nanghihinayang siya. Masyado niya kasing pinahalagahan ang panlabas na anyo ng babae. Kung mamahalin pala ng tama ang isang tao ay lalabas ang kagandahan nito.

Anoangaralnanatutunanmosakathangito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement