Tila Tinatabangan na sa Isa’t Isa ang Magkasintahan; Isang Nakawiwindang na Paraan ang Gagawin Nila Upang Masubok Kung Para Ba Sila sa Isa’t Isa

Apat na taon nang magkasama sa iisang bubong ang magkasintahang sina Meryl at Charles, at sa kanilang pagsasama ay kilalang-kilala na nga nila ang isa’t isa. Alam na nila ang bawat reaksyon, amoy, maging ang mga ‘saltik’ nila. Dumating sa puntong nagkakasawaan na sila.

“Anong gagawin natin? Nagsasawa na ako sa relasyon natin, pero alam kong mahal kita at ayaw kitang iwan,” minsan ay nasabi ni Meryl kay Charles.

portrait of stressed young adult asian wife along with husband in bedroom interior background. boyfriend reconciling mad girlfriend on bed. marriage and bad relationship life concept - asian couple in bed stock pictures, royalty-free photos & images

“Ako rin naman. Ano kaya ang puwede nating gawin para magkaroon naman ng bago sa relasyon natin?” tanong ni Charles kay Meryl. Aminado siyang nasaktan ang kaniyang ego sa sinabi ni Meryl subalit hindi naman uso sa kanilang dalawa ang pagiging matampuhin. Iyon ang maganda sa kanilang realsyon. Bukas sila sa anumang mga ideya na pumapasok sa kanilang mga isipan. 

“May naiisip ako pero hindi ko alam kung papayag ka,” turan ni Meryl.

“Ano ‘yon? Sabihin mo, baka-sakali,” saad naman ni Charles.

“Sabay tayong magpunta sa club o bar. Maghanap tayo ng ibang partner na makakasama natin kahit sa isang gabi lang.”

Napatitig si Charles kay Meryl at nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito, na seryoso ito sa sinabi nito. Sa loob ng kanilang apat na taong pagsasama, masasabi niyang may mga kakaibang ideya nga si Meryl, palibhasa ay nakilala niya ito sa isang state university na karamihan sa mga mag-aaral ay nag-iisip nang liberal.

Pumayag naman si Charles. Gusto rin niyang malaman kung makakaya nga ba niyang humanap ng ibang babae, at ipagpalit dito si Meryl.

Advertisement

Nagtungo sila sa isang pinakamataong club. Napakaraming mga dalaga at binatang nagsasayaw na tila walang bukas. Nagpapakalango sa alak upang makalimot at makatakas nang saglit sa mga problema. Isang karaniwang panoorin ang mga lalaki-babae, lalaki-lalaki, o babae-babaeng naghahalikan.

group of people having fun at music concert - asian club stock pictures, royalty-free photos & images

“Oh ganito ha… malaya tayong makikipagkilala sa iba. Hindi natin sasabihin na may live-in partner na tayo. Tapos, kapag may nag-ayang… alam mo na… sasama tayo. Maliwanag ba?” sabi ni Meryl.

Tumango-tango naman si Charles.

At nagsimula na ngang mag-ikot-ikot si Meryl, lumapit-lapit sa mga guwapong lalaki sa naturang club. Ayaw pang magsimulang maghanap ni Charles. Iinom muna siya. Habang tinitingnan at sinusundan niya ng tingin si Meryl, tila nginangatngat ng panibugho ang kaniyang puso.

Maya-maya, isang seksing babae ang lumapit kay Charles at nakipagkilala sa kaniya. Naupo ito sa kaniyang tabi. Nagkuwentuhan sila. Kahit nakatutok ang mga mata ni Charles sa bago niyang kakilala, ang sulok ng kaniyang mga mata ay nakasubaybay kay Meryl. Nakita niyang may kausap na rin itong lalaking kalbo at may kalakihan ang pangangatawan.

“Hey, nakikinig ka ba sa akin?”

Napukaw ang atensyon ni Charles sa babaeng kausap, na ni hindi niya matandaan ang pangalan. Nakayapos na pala ito sa kaniya at dinidikit ang hita sa kaniyang hita. Alam niya ang nais ipahiwatig nito, lalo na nang hawakan na nito ang kaniyang dibdib.

Nagpagala-gala ang paningin ni Charles. Hindi na niya makita si Meryl. Tumunog ang kaniyang cellphone. Sinabi nitong sumama muna ito sa kasama niyang lalaki. Hindi na kinaya ni Charles. Iniwanan niya ang kaniyang nakilalang babae at minabuti na lamang niyang umuwi at ipagpatuloy roon ang paglalasing.

Advertisement hand on steering wheel - a hand driving at night stock pictures, royalty-free photos & images

Pagdating sa bahay, itinuloy niya ang pag-inom ng alak. Parang kinakain ng selos ang kaniyang puso. Pumayag naman siyang gawin iyon subalit hindi niya pala kayang isipin na nasa piling ng ibang lalaki si Meryl. Mahal na mahal niya si Meryl, napagtanto niya.

Gusto na sanang tawagan ni Charles si Meryl. Pauwiin na ito. Pauwiin na sa piling niya. Subalit naalala niya ang bilin nito na huwag siyang iistorbohin.

Maya-maya, hindi na talaga kaya ni Charles. Para na siyang mababaliw sa kung ano-anong mga eksenang pumapasok sa kaniyang isipan, sa kung ano na kaya ang ginagawa nina Meryl at ang lalaking sinamahan nito. Naisip niya, normal pa ba itong ginagawa nila?

Isang desisyon ang ginawa ni Charles. Babalik siya sa club at pababalikin na niya si Meryl. Subalit paglingon niya, isang bulto ng babae ang pumasok. Si Meryl!

“Oh… bumalik ka? Hindi pa ba kayo tapos?” sarkastikong tanong ni Charles.

Hindi sumagot si Meryl. Tumakbo ito papunta sa kaniya. Niyakap siya nang mahigpit. Gumanti ng yakap si Charles.

“Walang nangyari sa amin. Kumain lang kami sa labas, nagtungo sa coffee shop at nag-usap. Habang magkausap kami, hindi siya ang naiisip ko kundi ikaw. Patawarin mo ako Charles sa kahibangan ko. Ikaw lang ang gusto kong makasama, wala nang iba.”

Hinalikan ni Charles si Meryl at tumugon naman ito sa kaniya. Nilasap nila sa kanilang kama ang init ng kanilang mga yakap at pagmamahal…

Advertisement

Makalipas ang dalawang buwan, isang sorpresa ang hatid ni Charles para kay Meryl: isang singsing na may mamahaling diyamante! Oo ang isinagot ni Meryl dahil kung noon ay natatakot siyang hindi sila para sa isa’t isa ni Charles, matapos ang kanilang ‘paglalaro’ ay buo na sa kaniyang isip at puso na ito na ang lalaking makakasama niya habambuhay.

Makalipas ang tatlong buwan ay ikinasal na nga sina Charles at Meryl, at makalipas ang ilang buwan, nagbunga na nga ang kanilang pagmamahalan. Hindi na sila nakararamdam pa ng pagkabagot sa kanilang relasyon dahil iyon lamang pala ang hinihintay nila sa isa’t isa: ang pagkakaroon ng kasiguraduhan kung para kanino ba sila bumabangon sa araw-araw.