Lumaking Hindi Kilala ng Batang Ito Kung Ano ang Washing Machine, Kaya Naman Nag-ipon Siya Para Lang Makabili Nito Para sa Inang Labandera
“Pagod na pagod na akong magkuskos ng mga damit, anak. Kailan kaya tayo makakabili ng washing machine?” Napakunot ang noo ng batang si Jelly, “Ano po ‘yung washing machine, Nay?” Napailing na lamang ang ina sa anak habang natatawa. Tinapik nito ang balikat ng anak, “Magpayaman ka anak, para maibili mo si Nanay ng washing machine.” Masayang tumango ang bata, “Opo, nay. Ayoko na pong maglaba kayo ng damit ng ibang tao.” Halos mapaluha siya sa sinabi ng anak. Sa murang edad nito ay natutuwa naman siya dahil namulat na ito sa katotohanan ng buhay. Hanggang isang araw ay nagkasakit na siya sa kakalaba. Pinilit niya pa rin kasing maglaba habang malakas ang ulan sa labas. Sayang kasi ang kita. Dahil doo’y tumatak sa isipan ng anak na ito ang unang bibilhin niya kapag nakaipon siya ng sapat na pera. Bawat baon niya ay nilalagay niya sa kanyang lumang alkansya. Kahit hindi niya alam kung ano nga ba talaga ang washing machine ay pinipilit niya pa ring mag-ipon ng salapi upang mabili ito. Ilang taon ‘ata ang lumipas bago niya makumpleto ang ipon na ninanais niya. Nagpatulong siya sa matandang kapitbahay upang makabili ng pangarap na washing machine ng nanay niya. Sumakto pang nabili niya ito sa araw ng kaarawan ng kanyang ina, “Happy birthday, Nay!” Bati niya dito sabay takip ng parehong mata nito. Nagtaka naman ang kanyang ina ngunit hinayaan lamang siya sa kung saan niya dadalhin ito. “Surprise!” sigaw niya Halatang-halatang nagulat ito pagkakita sa bagong washing machine na binili niya. “Para po sa inyo yan, Nay. Para po hindi na kayo mahirapan sa paglalaba.” Naluluhang niyakap ng ginang si Jelly. Pagkatapos noon ay pareho rin silang nagpasalamat sa kanilang kapitbahay na tumulong sa kanya. Doon ay napatunayan ni Jelly na kahit bata siya ay kaya rin niyang maghatid-kasiyahan para sa kanyang ina. Na hindi lahat ng bata ay puro luho lamang ang ginugusto sa magulang. Kung minsan, bilang mga anak ay kailangan rin nating magsakripisyo para sa mga magulang.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.