Inday TrendingInday Trending
Nang Mahuli Kita

Nang Mahuli Kita

Narinig na ni Rafael ang mga bulung-bulungan tungkol sa kaniyang magandang asawang si Olga subalit nanatili siyang bingi. Si Efren na kaniyang matalik na kaibigan ang nagbalita sa kaniya. Inaya siya nito sa isang inuman.

“Pards, ano bang nangyayari sa inyo ni Olga? Kumusta na ba kayo?” usisa ni Efren kay Rafael.

“Hindi ko masabi kung maayos kami. Pakiramdam ko nanlalamig na sa akin ang asawa ko,” malungkot na pag-amin ni Rafael sa kaibigan.

“Marami nang nakakita kay Olga na may kasamang ibang lalaki. Subukin mo kaya siyang sundan o komprontahin?” payo ni Efren kay Rafael. Kilala niya ang kaibigan simula pa lamang noong sila ay nasa hayskul. Kung sa babae ay may tinatawag na hindi makabasag-pinggan, si Rafael naman ay isang halimbawa ng tunay na maginoo, lalo na sa mga babae.

“Hindi ko alam kung magkakalakas ako ng loob para tanungin kay Olga ang totoo. Natatakot akong malaman ang totoo,” pag-amin ni Rafael.

“Karapatan mong malaman ang totoo pards. Asawa ka niya,” huling payo ni Efren.

Hindi sinasadya ang pagkakakilala nina Rafael at Olga. Kasama noon ni Rafael ang kaniyang mga kaibigan sa panonood ng isang concert. Nagkamali siya ng napiling upuan. Akala niya’y upuan niya ang napuntahan niya. Iyon pala ay kay Olga. At doon na sila nagkausap at nagkakilanlan.

Nagkapalagayang-loob sila ni Olga. Naging sila at pagkaraan lamang ng ilang taon ay nagpakasal. Sa dalawang taon nila ay hindi pa sila binibiyayaan ng anak. Mahusay sa kama si Olga. Mukhang sanay na sanay ito sa paghawak sa mga lalaki.

Hindi lingid kay Rafael na marami pa ring naaakit na lalaki si Olga at inaakalang single pa rin ito at wala pang asawa. Sadyang mapostura kasi ang asawa. Hindi iilang beses na napaaway si Rafael dahil maraming lalaki ang nagtatangkang makipagkilala rito.

Kaya nang mabalitaan niya mula sa ilan niyang mga kaibigan na nakikita nila si Olga na may kaharutang lalaki, hindi nagpadalos-dalos si Rafael. Baka kasi napagkamalian lamang nila ang mga kilos ni Olga. Gusto niya, siya mismo ang makakita at makahuli kay Olga kung totoo mang may ibang lalaki ito.

Sa totoo lang, napapansin din ni Rafael na tila walang gana si Olga sa tuwing siya ay nangangalabit gabi-gabi. Samantalang dati, si Olga pa mismo ang humihiling na magniig sila.

Isang araw, ipinasya ni Rafael na manmanan ang kaniyang asawa. Hindi siya pumasok sa trabaho. Si Olga naman ay isang pharmacist sa isang kilalang pharmaceutical company.

Sa oras ng uwian ni Olga, nakaabang sa malayo si Rafael. Nais niyang makita kung sino ang kasama ng asawa sa tuwing uuwi ito. Sa wakas, nakita niyang mag-isa lamang ito. Nakahinga nang maluwag si Rafael. Subalit nawala ang kaniyang pagkakampante nang makita niyang may sumundo ritong pulang kotse. Lalaki ang nagmamaneho. Sumakay rito ang asawa.

Dahil nakamotor naman si Rafael, sinundan niya ang pulang kotse. Huminto ito sa isang restaurant. Bumaba ang isang gwapo at matangkad na lalaki at inalalayan si Olga. Hinalikan pa nito si Olga sa labi na tinugunan naman ng kaniyang asawa. Lahat ng iyon ay kitang-kita ni Rafael. Gusto niyang sundan ang dalawa subalit pinigilan niya ang sarili.

Hinintay niyang matapos ang dalawa. Subalit hindi pa roon natatapos ang lahat. Pagkatapos kumain, pumasok pa ang dalawa sa “biglang liko”. Durog na durog ang puso ni Rafael sa kaniyang mga nasaksihan. Agad siyang umuwi sa bahay. Hindi niya kayang makita si Olga. Baka magdilim ang kaniyang paningin.

Pag-uwi ni Olga sa bahay, nagulat ito nang makita niyang hubo’t hubad si Rafael.

“Hon? Bakit ka nakahubad?” tanong ni Olga kay Rafael.

“Gusto ko… pagbigyan mo ako…” hinatak ni Rafael ang asawa at siniil ng halik. Gumanti naman ng halik si Olga. Isa-isang tinanggal ni Rafael ang saplot ng asawa. Dinilaan ni Rafael ang bawat sulok ng katawan ni Olga. Napaungol ito.

“Sinong mas magaling sa amin ng kasama mo kanina?” bigla’y matiim na tanong ni Rafael sa asawa.

“A-anong ibig mong sabihin?” takang tanong ni Olga.

“Sinundan kita kanina. Bistado na kita. Hayop ka! Malandi ka! Hindi ka na nakontento sa talong ko?” galit na sabi ni Rafael. Baka pa man makahuma at makapagsalita si Olga, kinuha ni Rafael ang isang itinatagong mahabang talong na binili niya sa palengke kanina.

“Tutal hindi ka makontento sa iisang talong, heto ang talong para sa iyo!” galit na sabi ni Rafael sabay tarak ng talong sa pagkababae ni Olga.

Halos hindi naman makagulapay si Olga sa labis na sakit na nadarama. Nakasapo lamang siya sa kaniyang pagkababae. Ipinakita ni Rafael ang mga kuha niyang larawan bilang ebidensya sa ginawa ng asawa.

“Minahal kita Olga. Ibinigay ko ang lahat. Pero ginago mo lang ako,” sabi ni Rafael sabay alis. Humingi naman ng saklolo si Olga sa kanilang kapitbahay dahil hindi niya mahugot ang talong na ipinasok ng asawa sa kaniyang pagkababae.

Nahugot naman ang talong sa ospital. Hindi nagsampa ng kaso laban kay Rafael si Olga. Kung tutuusin, mas malaki ang kasalanan niya sa asawa. Nang humupa na ang tensyon sa kanilang pagitan, masinsinan silang nagkausap. Inamin ni Olga ang kaniyang pagkakasala sa asawa. Nangako si Olga na babawi sa kaniyang asawa. Pinagsisihan na niya ang lahat.

Pinagbigyan ni Rafael ang asawa. Nagkabalikan sila. Natuto na sa kaniyang mga pagkakamali si Olga at naging tapat sa kaniyang asawang si Rafael.

Advertisement