Inday TrendingInday Trending
Na-turn Off ang Mister sa Patuloy na Pag-itim ng Kili-kili ng Kanyang Misis, Hindi Niya Inaasahan ang Itinatagong Dahilan Nito

Na-turn Off ang Mister sa Patuloy na Pag-itim ng Kili-kili ng Kanyang Misis, Hindi Niya Inaasahan ang Itinatagong Dahilan Nito

Si Benson ay isang tipo ng lalaki na sa panlabas na kaanyuan tumitingin sa isang babae. Mahilig siya sa mga babaeng mapuputi nag kilikili. Kaya naman tila na-love at first sight siya sa kilikili ng misis niya ngayon na si Shantelle. Minahal niya ito hindi lamang dahil maganda’t mabait ito, kundi dahil sobrang turn on siya sa puti at kinis ng kilikili ng asawa. Hindi niya alam kung bakit tila kahinaan niya talaga sa babae kapag maputi ang kilikili. Masayang-masaya siya sa unang taon nilang mag-asawa. Pakiramdam niya kasi’y tila isang panaginip lang ang lahat. Hindi niya akalaing isang magandang binibini ang mabibihag niya ang puso. Ngunit tila mapaglaro talaga ang tadhana. Dahil isang taon makalipas ang kanilang kasal ay napansin niyang hindi na palaayos sa sarili ang kanyang misis. Hindi niya na nakikita ang dating kagandahan nito na isa sa mga nakapagbighani sa kanya. At ang mas malala pa ay napabayaan na nito ang kilikili. Napapansin niya umiitim ito at nawawala na ang kakinisan tulad ng dati. Palagi niya itong pinapaalahanan ukol sa personal hygiene nito ngunit ang palaging dahilan ng misis ay tinatamad daw itong kumilos. Kaya naman nagdesisyon siyang makipagkita sa mga kaibigan at sabihin ang kanyang nararamdaman, “Pre, ‘yung misis ko hindi na tulad ng dati. Ultimo kilikili napapabayaan na. Hindi ko alam kung siya pa ba yung bumihag ng puso ko noon, o ibang tao na ang kasama ko sa bahay.” Isang malakas na batok ang napala niya kay Jimmy, isa sa pinakamalapit niyang kaibigan, “Gago ka pre. Ibig bang sabihin n’yan minahal mo lang misis mo sa panlabas na kaanyuan? Edi hindi tunay na pagmamahal ‘yan!” “Ganyan din misis ko noon pre, akala ko nga nanay ko na dahil lumosyang pero syempre alam kong hindi na ako makakahanap pa ng isang matiising mapagmahal na misis na tulad ni Gerlyn kaya tinanggap ko pati ang pagbabago niya.” “Eh anong gagawin ko?” tanong niya sa mga ito. Tinapik ng kaibigan niya ang kanyang balikat, “Alam mo sa sarili mo kung anong gagawin mo pre. Kung mahal mo talaga si Shantelle, hindi ka mag-iisip ng kung ano-ano.” Umuwing tulala si Benson sa kanilang bahay. Pinagmasdan niya ang natutulog na misis. Sa totoo lang ay namimiss niya na rin ito. Napagtanto niyang masyado ngang naging mataas ang expectations niya dito. Nagising ang misis niya habang hinihimas niya ang buhok nito, “Kadarating mo lang?” Tumango siya, “Oo, tulog ka na ulit. Sorry, late ako ng uwi.” Hinawakan nito ang kanyang kamay, “Okay lang, sorry rin. Alam kong nalolosyangan ka na sakin. Siguro nate-turn off ka na sakin these past few days.” Umiling siya sa asawa at niyakap ito, “Hindi mahal, sorry kung naisip mo ‘yan. Hinding-hindi ako mate-turn off sayo. Para sa akin ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.” Napaiyak si Shantelle sabay bukas ng maliit na cabinet sa gilid ng kama nila, “Regalo ko sayo.” Binuksan niya ang maliit na envelope at doo’y nakita niya ang isang ultrasound. Ganoon nalang ang pagkamangha niya nang makumpirmang buntis ang kanyang misis, “Wow, hindi ako makapaniwala! Salamat mahal! Binuo mo ang pangarap kong magkapamilya.” “Ako ang dapat magpasalamat mahal. Kasi kahit umitim ang kilikili ko, tanggap at mahal mo pa rin ako,” pagbibiro ng misis niya. “Kahit maging uling pa ‘yan mahal, wala na sa akin ‘yan. Ang mahalaga’y kumpleto tayong pamilya magpakailanman.” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement