Iniwan ng OFW ang Mister sa Pinas Dahil May Bago na Siyang Napupusuan, Limpak Limpak na Salapi Pala ang Sinayang Niya
Limang taon nang mag asawa sina Judith at Ferdie. Mayroong silang anak na tatlong taong gulang, sa ngayon ay si Ferdie ang nag-aalaga sa bata dahil si Judith ang sinuwerteng matanggap sa trabaho abroad na pareho nilang in-apply-an. Mas in demand kasi ang mga babae bilang domestic helper.
“Hello? Ma? ay may sasabihin ako sa’yo!” masayang masaya ang tinig ni Ferdie habang kausap ang misis sa telepono.
Umirap naman si Judith, tiyak niyang walang kwenta na naman ang sasabihin ng asawa. Bago siya umalis ay mahal nila ang isa’t isa pero nang magtagal siya ng isang taon dito sa Dubai ay biglang nagbago ang lahat.
Ngayon ay minamaliit niya na si Ferdie at ang mga kakayahan nito. Dahil siya ang naghahanapbuhay sa ngayon ay di niya na nirerespeto ang pagkalalaki ng mister. Ang tingin niya rito ay isang palamunin na walang pangarap sa buhay, kahit pa ang totoo ay nagparaya lang ito na siya muna ang magtrabaho, nagiging praktikal lang dahil mas malaki ang kikitain niya sa abroad kaysa sa kikitain nito sa Pilipinas.
Nagmamalasakit rin ito sa kanilang anak kung kaya’t di na ipinagkatiwala pa sa iba ang pangangalaga sa bata, ito na mismo ang tumututok kahit pa kung anu-anong masasakit na salita ang naririnig nito sa mga kamag anak niya. Kesyo wala raw itong silbi, asa lang sa kanya, patabaing baboy.
Idagdag pa sa dahilan ng pagkawala ng gana niya sa asawa ang bagong lalaking kinahuhumalingan niya. Si Nestor, nakilala niya lamang sa social media. Nalaman niyang taga- Dubai rin ang lalaki at nagtatrabaho sa isang kumpanya ng langis.
“Ferdie, pagod ako ha. Nasasayang ang oras ko sa mga walang kwentang bagay na ikukwento mo,” sabi niya. Ang paningin niya ay tutok sa isa pang cellphone na hawak, ka- chat niya ngayon si Nestor.
“Grabe ka naman ma, pero sige. Sorpresa ko nalang sa iyo pag uwi mo, tiyak kong matutuwa ka-” di na pinatapos pa ni Judith ang sinasabi ng asawa at ibinaba na ang tawag. Nag-ring ang isa niya pang cellphone, si Nestor iyon.
“Honey ko..” malambing na sabi niya, ibang-iba ang tono ng pagkausap niya rito at kay Ferdie.
“May good news ako honey ko!” sabi ni Nestor.
“Ano naman yun? Mukhang masayang masaya ka ah!” nakangiti ring sabi niya sa kalaguyo.
“Pinayagan ako ng boss ko na magbakasyon sa Pinas ng isang buwan, ‘di ba at isang buwan ka rin doon? Magkasama tayong uuwi. Magsama tayo doon, sa isang apartment. O pwede ka namang umuwi sa amin sa probinsya,” paliwanag nito.
“Talaga? Sige gagawan ko nalang ng paraan si Ferdie. Sasabihin ko na lang na hindi pala ako makakauwi sa amin sa probinsya dahil may aasikasuhin ako sa Maynila, bahala na. Basta magsasama na tayo.” paniniguro niya sa lalaki.
Tumawa naman ng mahina si Nestor, “Oo, madali mo namang maiisahan ang ugok na yan. Ako nga nalusutan ko sya. Pabayaan mo na syang maghirap sa anak nya, ang mahalaga sa akin ay akin ka lang honey ko,” sabi nito, matapang pa na tila walang ginagawang mali.
Kinilig naman si Judith, ganito ang gusto niyang lalaki, mapagmahal.
Mabilis lumipas ang mga araw at sumapit na ang pag uwi ni Judith. Magkasama sila ni Nestor na lumapag sa airport sa Maynila.
Samantalang hinapon na kahihintay si Ferdie sa airport sa probinsya, para siyang kawawa na bitbit ang tatlong taong gulang na anak pero walang dumating na Judith. Hindi niya na ito nakausap simula noong isang linggo pero sinundo niya pa rin kahit walang kasiguruhan kung tuloy ang flight nito.
Kawawa naman ang misis niya kung sakali, bukod doon ay may maganda siyang balitang ibabahagi rito.
Bagsak ang balikat na umuwi si Ferdie, nang nasa kwarto na siya ay doon naisip ni Judith na tawagan ang mister.
“Hello? Ferdie? Nandito na ako sa Maynila, alam mo kasi may kailangan kang malaman..hindi ka ba nakakahalata?” sabi ni Judith, kailangan niya nang sabihin rito na nagsasawa na siya at iiwan niya na ito.
“Talaga? Kailan ka uuwi dito sa atin? Miss na miss ka na namin ng anak mo..” sagot ng lalaki sa kabilang linya.
“Ayoko na. Pagod na ako sa’yo. Wala kang pangarap sa buhay, pabigat ka lang sa akin. M-may iba na ako, siya ang kasama ko ngayon,” nakangiti pa si Judith habang nagsasalita dahil kinikiliti siya ni Nestor sa leeg.
Itinuloy niya ang paliwanag, “Wala ka namang pangarap sa buhay. Puro ka taya sa lotto. Ang bago ko ngayon, may trabaho. Lalaking lalaki, hindi tulad mong parang walang b*yag. Kaya pasensyahan na lang tayo Ferds, ayoko na.” diretso niyang sabi sa asawa.
Napabuntong hininga naman ang lalaki sa kabilang linya, halatang nasaktan. Maya maya pa ay nagsalita ito,”Sige pero sasabihin ko muna yung matagal ko nang gustong sabihin sa’yo, yung sabi ko pa nga matutuwa ka?”
Napairap si Judith. Pero sige na, para matapos na lang ang usapan ay pagbibigyan niya na ito, “O ano ba kasi yon?” asik niya.
“Nanalo ako sa lotto ng 500 million pesos.” iyon lang at ibinaba na ng lalaki ang tawag.
Ginamit ni Ferdie ang perang napanalunan para magsimula ng negosyong bigasan. Nagkaroon siya ng tindahan sa halos lahat ng palengke sa buong ka-Maynila-an. Sisikapin din niyang mapalago ito at pumasok sa iba pang negosyo na mas lalong magpapalago ng perang napanalunan niya.
Isinubsob niya ang sarili sa negosyo at sa pagpapalaki ng anak. Pinatunayan niyang mali ang babae sa sinabing wala siyang pangarap. Nasasaktan pa rin siya pero mas mahalaga sa kanya ngayon ang kapakanan ng anak, kinaya niyang mapalaking mag isa ang supling nila ni Judith.
Talaga nga namang pinagpapala ng Diyos ang naaapi dahil sa sipag at tiyaga ni Ferdie ay umunlad ang kanyang bigasan at napag aral niyang mag isa ang kanyang anak.
sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.