Nagkakilala ang Dalawa sa Isang ‘Di Inaasahang Pagkakataon, Nagkapalagayang-Loob at Naging Magkasintahan; Bakit Kaya Sila Pinagtitinginan ng mga Tao?

Nagkakilala ang Dalawa sa Isang ‘Di Inaasahang Pagkakataon, Nagkapalagayang-Loob at Naging Magkasintahan; Bakit Kaya Sila Pinagtitinginan ng mga Tao?

InspiringLoveStories

Kakaiba ang naging dahilan kung bakit nagkakilala at naging magkasintahan sina Vin at Aya. 

Pareho silang naimbitahan sa isang malaking event, taong 2014. Sila ang mga naging kinatawan ng kani-kanilang mga kompanya. Formal attire ang kailangang suutin at Masquerade Ball ang tema. Hindi sinasadyang matapakan ni Vin ang mahabang extension ng gown ni Aya, na naging dahilan upang madapa ito. 

hers and his masks on black background - masquerade ball stock pictures, royalty-free photos & images

Mabuti na lamang at nasalo niya kaagad ang napakagandang dilag. Kahit na may maskara ito, alam niyang kaakit-akit ang magandang babaeng iyon. Nagtama ang kani-kanilang mga paningin. Ilang segundo rin silang nagkatitigan, hanggang sa maipangko ni Vin si Aya. 

“A-Ano ba naman… hindi mo man lamang tinitingnan ang nilalakaran mo. Paano kung nasubsob ako sa sahig? It’s disgusting!” saad ni Aya. 

“Sorry, sorry… sorry talaga. Hindi ko kasi napansin kasi nakatingin ako sa maskara mo. Napakaganda. Bumagay sa iyo. Anyway, sana hayaan mo akong makabawi sa iyo. To return the favor, sana hayaan mo ako na maging ka-date ko for this night,” sabi naman ni Vin. 

At iyon na nga ang nangyari. Agad na nga silang naging magka-table. Sinulit nila ang gabing iyon. Hindi na pinakawalan pa ni Vin si Aya. Hindi naman tumanggi si Aya. Hindi siya pinanganak kahapon. 

At doon na nagsimula ang kanilang madalas na pag-uusap sa text at maging sa video call. Hanggang sa nagkikita na sila sa labas. Kapag magkasama sila, lagi silang pinagtitinginan ng mga tao. Parang may kakaiba sa kanilang dalawa, subalit hindi na lamang nila pinapansin. Ang mahalaga, masaya silang dalawa, bagama’t wala pang kompirmasyon mula kay Aya kung ano ba talaga ang tawag sa relasyon nila. Sila ba ay magkaibigan o magka-ibigan?

a young asian chinese couple sitting at the cafe enjoying the cake and coffee drink - asian couple stock pictures, royalty-free photos & images

Guwapong-guwapo si Vin. Maganda ang pangangatawan, halatang batak sa gym. Bagay sila ni Aya. Matangkad, maputi at makinis ang balat, mahaba ang buhok. Kaya siguro sila pinagtitinginan ng mga tao dahil bagay na bagay sila. Perfect combination, ‘ika nga!

“Maghanda ka bukas, Aya. May pupuntahan tayo,” sabi ni Vin habang nagmamaneho. Ihahatid na niya ito pauwi. 

“Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Aya. 

“Basta. Will pick you up at 7:00 PM sharp.”

Kaya naman pinaghandaan ito ni Aya. Talagang nagpaganda siya. Napa-wow pa si Vin nang makita siya. Matutuwa raw ang kaniyang Mama kapag nakita siya. 

Ipakikilala pala siya sa pamilya ni Vin. Gulat na gulat ang Mama ni Vin nang makita si Aya. Napaluha pa ito. 

“Vin, anak… natutuwa ako para sa iyo. Mabuti na lamang at ipinakilala mo rito sa amin si Aya. At least, alam kong sa bandang dulo ay nauwi ka rin sa isang…”

“Ma… nakakahiya naman kay Aya… I’m sure happy rin si Aya na makita at makilala kayo,” sansala ni Vin sa anumang sasabihin pa ng kaniyang Mama. 

Pagkatapos niyon ay naging masaya na ang kuwentuhan nila. 

“Ako naman ang magpapakilala sa iyo sa pamilya ko, Vin. Pero saka na iyon… kapag ready na ang pamilya ko…”

“No pressure, Aya. Wala namang problema sa akin,” nakangiting sabi ni Vin. At doon na sila naging opisyal na magkasintahan. 

Makalipas ang dalawang buwan, isang magandang balita ang natanggap ng pamilya ni Vin: magkakaanak na sila ni Aya! Sa halip na magalit, tuwang-tuwa pa ang Mama ni Vin. 

“Sa wakas! Mararanasan mo na rin ang maging isang magulang na gaya ko. Baka maituwid pa natin ang lahat…”

At matuling lumipas ang pitong buwan. Sa tuwing namamasyal sina Vin at Aya, talagang ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila. Nakikita nila ang pagbubulungan ng mga tao. Nakatingin sa malaking umbok sa tiyan ng nagbubuntis. Isang kumpol naman ng kabataan ang talaga namang nakatingin pa sa kanila habang nagtatawanan.

“Anong problema ng mga ito? Gusto mo ba sugurin ko na sila?” naiinis na sabi ni Aya.

“Hayaan na natin sila. Inggit lang ang mga iyan. Mga walang love life kasi,” awat na lamang ni Vin sa kaniyang kasintahan.

“May mali ba sa relasyon natin?”

“Wala, Aya. Walang mali sa relasyon natin. Walang mali sa atin.”

Hanggang sa dumating na ang araw ng pagkakasilang sa kanilang anak… 

Bantulot ang nurse kung ano ba ang itatawag niya kay Aya: Daddy ba o Mommy. 

“Hello po… nanganak na po ang… partner ninyo,” ang nasabi na lamang ng nurse kay Aya. Naiiyak na pinuntahan ni Aya si Vin, na noon ay kalong-kalong na ang isinilang na anak habang nakahiga pa sa hospital bed. Na normal na paraan nagsilang si Vin. 

Sina Vin at Aya ay parehong kabahagi ng LGBT community. Sila ay parehong cross-dresser, at una pa lamang, alam na nila sa isa’t isa ang kanilang sitwasyon. Minahal nila ang isa’t isa batay sa kung ano ang pagtingin nila sa kani-kanilang mga kasarian. Ang tingin ni Vin kay Aya ay tunay na babae. Tunay na lalaki naman ang tingin ni Aya kay Vin. 

Kaya sila pinagtitinginan ng mga tao sa tuwing sila ay lumalabas, dahil nakatutuwa at hindi tipikal nga namang makita ang magkarelasyong katulad nila: na tila nagkapalit lamang ng mga gender roles. Sa madaling salita, babae at lalaki pa rin sila.

Kaya natatawa ang mga tao dahil ang nakikita nilang malaki ang tiyan at buntis ay si Vin, na nakadamit-panlalaki, at ang umaalalay sa kaniya ay si Aya, na nakasuot ng mataas na stiletto at naghuhumiyaw na false eye lashes.

This image has an empty alt attribute; its file name is image-178.png

Kaya nang magkaanak sila at magdesisyong bumuo ng pamilya, napagkasunduang nilang dalawa na isakripisyo ang kani-kanilang mga sarili alang-alang sa kanilang anak. Si Vin ay bumalik sa pagiging Divina at si Aya naman ay bumalik sa pagiging Andres. Handa silang magbago ng pananamit at paraan ng pagkilos para sa kanilang magiging mga anak, subalit hindi naman ibig sabihin niyon na isasantabi na nila ang kanilang gender preferences.

Babaeng-babae si Vin sa kaniyang trahe de boda habang naglalakad patungo sa altar. Sa dulo nito, naghihintay ang kaniyang magiging mister na si Aya—na napakakisig sa bago nitong gupit na buhok at suot na tuxedo.

More Stories