Inday TrendingInday Trending
Under Raw ang Lalaking Ito sa Kaniyang Nobya Ngunit Ipagtatapat ng Lalaki ang Tunay na Dahilan ng Kaniyang Pagbabago, Ano Kaya Ito?

Under Raw ang Lalaking Ito sa Kaniyang Nobya Ngunit Ipagtatapat ng Lalaki ang Tunay na Dahilan ng Kaniyang Pagbabago, Ano Kaya Ito?

Sa edad na 26 anyos ay wala pa ring nagiging nobyang ang binatang si Elvis dahil mas inuna niyang gampanan ang pagiging kuya sa kaniyang mga kapatid.

Mula sa probinsya ay lumuwas pa Maynila para makipagsapalaran, hindi naman nabigo ang lalaki dahil nakahanap siya ng magandang trabaho at mabait na amo.

“Elvis, mukhang trip ka ng dalaga sa kabilang pwesto ah, parati kang hinahanap sa akin!” wika ni Obeth ang boss ng lalaki.

“Naku, wala pa akong oras sa mga jowa-jowa na iyan! Mag inuman na lang tayo!” saad naman ng lalaki.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay matagal na ring gusto ni Elvis ang babae sa kabilang pwesto na si Princess, mahinhin at maliit ang mukha ng dalaga na labis na nagpaganda sa kaniyang itsura. Ngunit marami siyang iniisip at mas kailangang asikasuhin kaysa unahin ang kaniyang puso.

“Nay, ayos lang ho ba sa inyo kung magkakanobya ako?” text ng lalaki sa kaniyang ina.

“Anak, 26 anyos kana nagpapaalam ka pa sa’kin tungkol diyan,” sagot naman ni Aling Ising, ang nanay ng binata.

“E kasi ‘nay pag ako nagkanobya ay mahahati ang padala ko diyan sa atin. Syempre kakain kami sa labas at kahit tipirin ko pa siya ay talagang mapapagastos ako dahil ako ang lalaki, kaya ako nagpapaalam sa inyo,” baling muli ni Elvis sa ina.

“Anak, nakakatuwa ka naman! Hindi ko lubos akalain na lalaki ka ng ganyan ka responsable kaya ipinagpapasalamat ko iyon sa Diyos. Huwag kang mag-alala dito sa amin anak dahil hindi mo naman kami responsibilidad, yung tulungan mo kami ay isang malaking bagay na sa akin bilang nanay mo, kaya binabasbasan kitang umibig. Hala sige anak, follow your heart!” huling text ng kaniyang nanay na labis na nagpasaya sa kaniya.

Mahal na mahal ni Elvis ang kaniyang pamilya, bukod sa pagiging panganay niya ay siya lang rin ang nag-iisang lalaki sa kanilang apat na magkakapatid. Ang ama nito ay hindi na makapagtrabaho dahil sa mahinang pangangatawan at ang kaniyang ina naman ang humahanap ng ibang mapagkakakitaan. Ang dalawa niyang kapatid ay nagtratrabaho na sa call center kaya naman medyo gumaan ang pasanin niyang pinansyal, ngayon ay pinag-aaral niya ang bunsong kapatid sa kolehiyo.

Ngayong binasbasan na siya ng kaniyang ina ay handa na siyang sumugal sa pag-ibig. Kinuha niya ang numero ng babae at naging textmate ang dalawa hangang sa nagkapalagayan ng loob at naging magkasintahan.

“Pare! Simula nang naging jowa mo yang si Princess ay hindi ka na uminom at nanigarilyo! Ano na ‘yan? Ander da saya ka na agad?” saad ni Philip, isa mga barkada ni Elvis at nagtawanan ang lahat.

Hindi sumagot si Elvis at tinawanan lamang ang mga lalaki sa kanilang pang-aalaska at umalis na rin para sunduin ang kaniyang nobya para sila ay makapagsimba sa Baclaran.

“Uy! Elvis, naririnig ko yung mga usap-usapan na hindi ka na raw umiinom at nagyoyosi kasama ng mga barkada mo at sinasabi pa nilang ina-ander kita, naku po! Baka isipin naman nilang totoo iyon ha,” saad ni Princess habang magkahawak ang kanilang mga kamay na naglalakad sa daan.

“E ‘di ba nabangit mo sa akin na ayaw mo sa mga lasenggero,” baling naman ng lalaki.

“Sa lasenggero ayaw ko, pero sa mga nasa lugar na pag-inom ay hindi naman. Saka baka isipin mong pinagbabawalan kita, sinasakal kita. Ayoko ng ganoong relasyon kasi hindi tayo magtatagal kapag ganoon tayo,” paliwanag naman ng babae.

“Huwag kang mag-alala, hindi ko iyon ginagawa para sa’yo kundi para sa sarili ko at para sa’tin,” nakangiting sagot ni Elvis sa dalaga.

“Ha? Para ano? Para goodshot ka sa’kin lagi? Tapos kapag kasal na tayo e uuwi ka na lang ng lasing, Diyosme! Ang mga lalaki talaga!” singit naman kaagad ng babae.

Natawa si Elvis sa kaniyang nobya at hinawakan nito ang ulo ng babae tsaka ginulo ang buhok.

“Ginagawa ko iyon para sa sarili ko dahil mahal kita. Kasi ayaw kong dumating yung araw na kapag kasal na tayo tsaka palang ako magbabago, saka palang ako mag-aadjust tapos mag-aaway tayo. Dahil gusto kong ikaw na ang babaeng makasama ko habang buhay kaya naman ngayon palang ay sisimulan ko na ang pagbabago. Hindi ko rin naman sinasabing hindi na ako iinum dahil hindi naman ako santo pero kailangan ko ng matutunan kung paano ang tumangi sa mga sunog baga at ubos atay kong barkada,” saad ng lalaki sabay tingin sa kaniyang nobya bago sila pumasok sa simbahan.

“Isa pa, ang tagal kong naghintay na dumating ka sa buhay ko, yung babaeng alam kong mamahalin ako hangang dulo kaya gagawin ko rin lahat ng makakaya ko para ingatan ka. Hindi ako nagpapagood shot sa’yo, mahal lang talaga kita!” sabay halik ng lalaki sa noo ng nobya at hinila na niya ito papasok sa simbahan saka sila nagdasal.

Doon tinitigan ni Princess ang lalaki at nasabing, “Lord, salamat po sa mga magulang niyang pinalaki siya ng ganito kabait. Salamat din po dahil siya ang binigay niyo sa akin.”

Lumipas ang limang taon nilang pagiging magkasintahan na napanindigan ni Elvis ang pag-iwas niya sa mga bisyo at walang humpay na inuman kasama ng barkda, naging ander man ang tingin sa kaniya ng marami ay hindi niya ito ikinabahala dahil alam niya sa kaniyang sarili na maraming mabuting naidulot ang paglayo niya sa bisyo. Sa kabilang banda naman ay pinagplaplanuhan na nila ngayon ang kanilang magiging kasal.

Advertisement