Inday TrendingInday Trending
Isang Babae ang Nagligtas ng Buhay ng Isang Binata nang Mukha Itong Tatalon sa Bangin, Isang Nakakamanghang Kwento ang Nabuo sa Pagitan ng Dalawa Matapos ang Insidenteng Iyon

Isang Babae ang Nagligtas ng Buhay ng Isang Binata nang Mukha Itong Tatalon sa Bangin, Isang Nakakamanghang Kwento ang Nabuo sa Pagitan ng Dalawa Matapos ang Insidenteng Iyon

Masyadong nakaka-stress ang trabaho ni Luke bilang isang Engineer sa Maynila kaya minabuti niyang magvacation leave muna sa probinsya ng tita niya para makapagrelax naman. Naalala niya noong bata siya ay doon siya nanatili kapag walang pasok sa eskwela, aakyat siya ng puno at mangunguha ng mangga kasama ang mga pinsan, o kaya naman ay kakain ng naka-kamay lang. Doon niya lang nararanasan ang kagoon kasimple, pero masayang buhay. Ipinarada niya ang kotse sa tapat ng lumang bahay ng tita at tito niya, nakaramdam siya ng awa dahil alam niyang dalawa nalang ito sa bahay, nasa Maynila na kasi at America ang mga anak nito. Bagamat hindi naman nakakalimot ang mga iyon, buwan buwan ay nagpapadala sa mga magulang pero syempre, iba pa rin ang magkakasama. Pagbaba niya ng gamit ay agad siyang nagpaalam sa tita niya kung pwede ba siyang lumabas sandali, sisilipin niya lang ang bangin sa hindi kalayuan. Noon pa man ay paborito niya nang tambayan iyon lalo pag problemado siya. Makita nya lang ang magandang tanawin sa bangin ay kumakalma na ang dibdib niya. Tahimik na nakatayo si Luke sa gilid ng bangin, nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin. “Hay, buhay! Bakit ba kasi ang komplikado mo?” sabi ni Luke sa sarili, gumagaan ang loob niya kapag naibubulalas niya ang nararamdaman. May narinig siyang kung anong kumaluskos sa likod niya pero hindi siya nabahala, sa lugar na katulad nito, normal na ang mga kaluskos na siguro ay sanhi ng mga hayop. Napapitlag siya nang may kumapit sa braso niya, ng pagkahigpit higpit. “H-huwag!” isang babae, nanginginig ito at may luha sa mga mata. Kitang kita niya ang pangangatog ng tuhod nito, bahagya lang itong nakadilat, para lang tumingin sa kanya. “Miss, are you okay?” tanong ni Luke, hindi rin nakaligtas sa kanya na maganda ang babae. “H-huwag mong gagawin yan! Mahal ka ng Diyos, sayang ang buhay mo. Maraming tao ang gustong mabuhay kaya wag mong sayangin ang sayo!!! Parang awa mo na, magiging maayos rin ang lahat, kung anu man ang problema mo, tutulungan kita!” sigaw ulit nito. Napangiti si Luke, ngayon ay naiintindihan na niya kung ano ang nangyayari. “Miss, hindi ako magpapakamatay.” pinipigil niya ang tawa habang sinasabi iyon. “H-hindi?” tanong nito, kumalma ng konti pero nanginginig pa rin. “Hindi talaga. I’m just enjoying the view! Pero, bakit ba nanginginig ka?” tanong niya sa babae. “May fear of heights ako. Takot ako sa matataas, iyon ang phobia ko. Nagsisikip ang dibdib ko kap-” hindi na nito natapos ang sasabihin dahil binuhat na ito ni Luke papalayo roon. Mangha siya sa kabutihan ng puso ng babae, kahit may phobia ito ay pinili nitong harapin iyon mailigtas lang ang buhay niya, kahit pa estranghero siya. Makalipas ang limang taon, ay buhat buhat pa rin ni Luke ang babae, ngayon ay pauwi na sila sa kanilang bagong bahay bilang mag asawa. Hay, tadhana! sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement