Iniwan ng Lalaki ang Dalaga sa Araw Mismo ng Kanilang Kasal; May Makapaghilom Pa Kaya sa Sugatang Puso ng Dilag?

Iniwan ng Lalaki ang Dalaga sa Araw Mismo ng Kanilang Kasal; May Makapaghilom Pa Kaya sa Sugatang Puso ng Dilag?

InspiringLoveStories

Ngayon ang araw ng kasal ni Sabrina kaya naman ay tuwang-tuwa ito habang papunta sa simbahan. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Sabrina habang pasakay ng sasakyan. Pagdating na pagdating niya sa simbahan ay agad na sinalubong siya ng kaniyang inang umiiyak. Naguguluhan siyang tinanong ito kung ano ang dahilan…

“Sabrina, anak… hindi na darating ang iyong nobyong si Calix,” naluluhang sabi nito sa anak na si Sabrina. Kaya agad na natigilan ang dalaga sa sinabi ng kaniyang ina. Naluluhang naglakad ito papalayo sa simbahan.

Isang taon na makalipas ang naudlot na kasal ni Sabrina. Kaya naisipin ng kaibigan niya na isama ito sa hiking sa Mt. Makiling upang malibang. Lingid sa kaniyang kaalaman ay kasama pala roon ang dating kaklase niyang si Jake… na siya ring unang lalaking minahal niya bago ang nobyong si Calix.

Habang umaakyat sila ng bundok ay hindi namalayan ni Sabrina na hindi na niya kasama ang dalawa niyang kaibigan.

“Jake, nakita mo ba sina Eren at Bea?” nag-aalalang tanong niya kay Jake.

“Ha? Hindi ba ay nauuna silang maglakad kanina?” kunot-noong sagot din naman nito.

“Alam mo ba ang daan patungo sa bahay na titigilan natin?” tanong nito kay Jake na agad namang tumango.

“Kung gan’on, tara na at baka nauna lang ang mga iyon at hinihintay tayo.”

Habang naglalakad si Sabrina at Jake ay biglang umambon kaya naman nagmadaling maglakad ang dalawa. ’Di inaasahan ay biglang natalisod si Sabrina sa batong nakausli! Mabuti na lang at agad na siyang nasalo ni Jake.

“Salamat,” nahihiyang sabi ni Sabrina kay jake.

“Walang anuman, basta sa susunod ay mag-iingat ka na,” nakangiting sabi nito kay Sabrina.

Nagpatuloy lang ang dalawa sa paglalakad at ‘di nagtagal ay narating din nila ang bahay na kanilang tutuluyan, nakahinga din nang maluwag si Sabrina nang makita ang dalawa nitong kaibigan na si Eren at Bea.

Matapos ang hiking na iyon ay naging mas malapit muli ang loob nina Sabrina at Jake. Palagi kasi silang lumalabas na kasama sina Eren at Bea, at kung minsan pa ay sila lamang din dalawa. Ngunit takot na si Sabrina na sumugal ulit sa pag-ibig… kaya naman naging mahirap sa kaniya na bigyan ng pagkakataon si Jake kahit na umamin na ito ng pag-ibig sa kaniya.

Ganoon pa man ay hindi siya sinukuan ng binata. Ipinakita nitong karapat-dapat siya sa kaniyang pagmamahal. Dahil doon ay wala nang nagawa pa si Sabrina kundi sundin ang tibok ng kaniyang puso… naging opisyal silang magnobyo at iyon ang pinakamagandang naging desisyon ng dalaga dahil naging napakasaya niya sa piling ng binata.

Isang araw ay sinorpresa siya ni Jake ng isang napakaromantikong date. Ang buong akala ni Sabrina ay tapos na ang surpresa nito sa kaniya, ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang bigla itong lumuhod sa kaniyang harapan upang alukin siya ng kasal!

Natulala muna si Sabrina bago tanggapin ang alok ni Jake na magpakasal na silang dalawa. Lingid sa kaalaman ni Sabrina ay nakahanda na ang lahat ng kailangan para sa kanilang kasal bago pa siya tanungin ng binata. Kaya pala noon ay panay na ang tanong sa kaniya nito tungkol sa mga bagay na gusto niya para sa kanilang kasal!

Araw na ng kasal nina Sabrina Jake at kinakabahan na ang dalaga. Mabilis siyang nakarating sa simbahan ngunit pagdating niya roon ay wala pa rin si Jake. Naluluha siyang nagpalinga-linga sa daan upang tingnan kung dumating na ba ang kaniyang nobyong si Jake, ngunit nabigo siya.

Sinubukang tawagan ng pamilya ni Sabrina si Jake ngunit nakapatay ang telepono nito. Humagulhol sa iyak si Sabrina at hindi na malaman ang gagawin niya… ngunit agad siyang natigilan nang marinig niya ang sigaw ng isang lalaking tumatawag sa kaniya…

Dali-daling napalingon si Sabrina at agad na tiningnan kung sino ito. Laking gulat niya nang makita niya si Jake na pawis na pawis at hinihingal na tinatakbo ang kaniyang pwesto.

Agad na napayakap si Sabrina sa nobyo niyang si Jake. “Akala ko, hindi kana darating, akala ko ay­—” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil agad na nagsalita si Jake.

“Dahil ang akala mo ay iiwan din kita? Hindi kita iiwan, Sabrina. Mahal kita. Nasiraan lang ako ng sasakyan kaya tinakbo ko na lang mula sa amin hanggang dito dahil napaka-traffic din!” nangingiting sabi nito.

Nagkatawanan na lamang ang mga naroon sa simbahan na kinabahan din. At sa wakas… natuloy din ang kasal na inaasam ni Sabrina!

More Stories