Plastik at Mapanakit ang Madrasta; Sa Edad na Apat ay Nakaganti ang Anak-Anakan Niya at Halos Lamunin Siya ng Lupa sa Pagkapahiya

“Tita Lucy, you’re not that pretty. Mahilig ka lang sa make up,” usad ng tatlong taong gulang na si Amber sa madrasta.

Hagalpak naman sa kakatawa ang kaibigan nitong si Mina.

“Pigilan mo ako, itutulak ko na talaga iyang alaga mo sa hagdan,” naninigas ang pangang babala ni Lucy sa kaibigan.

“Hoy tumigil ka nga! Alam mo naman ang mga bata, hindi nagsisinungaling!” pananaway ni Mina.

“How about me, dear? Am I pretty?” dagdag pa ng dalagang si Mina upang lalong inisin ang kaibigang magagalitin.

“You are not pretty, you are very beautiful and sexy Tita Mina. You are kind too just like my Mommy Lorna,” tapat na pahayag ni Amber.

Lalo namang hagalpak sa kakatawa si Mina.

Sa sampung taon nilang pagkakaibigan ni Lucy ay kabisado na niya ang ugali ng kaibigan. Wala talaga itong tiyaga sa bata. Masuwerte pa nga ito at nagustuhan siya ni Robin. Hindi man maamin ni Mina sa kaibigan dahil tiyak niyang sisiraan siya nito kay Robin ngunit malaki ang gusto nito sa kaniyang boss. Kaya naman ganoon na lamang din ang malasakit ni Mina kay Amber.

Advertisement

Kung tutuusin ay hindi talaga kagandahan si Lucy. Maporma lamang ito at mahilig sa mga magagarbong bagay gaya ng mamahaling mga damit, bags at make up.

Marami ang nagtataka kung bakit sila nagkasundo ngunit sa tingin niya’y may kinalaman ito sa pagiging matiyaga niya.

Halos lahat ng mga tao’y ‘di matiis ang mapagmataas na ugali ni Lucy. Kahit galing naman ito sa hirap ay pilit na pilit ang pakikisama nito sa mga tao.

Kinasal si Lucy at Robin sapagkat matagal nang sekretarya ni Lorna ang dalaga at bago pumanaw si Lorna nang hindi nito nakayanan ang kumplikasyon nang isilang si Amber ay binilin nito kay Robin na sana’y kung mag-aasawa siyang muli ay si Lucy na lamang dahil kabisado na nito ang pasikot-sikot sa kanilang negosyo at alam niyang mapagkakatiwalaan ito sa pera.

Ngunit nagkakamali si Lorna. Ang totoo’y pinaplastik lamang siya ni Lucy at alam iyon ni Mina sapagkat kung ano-ano ang sinasabi nito kapag nakatalikod ang babaeng boss.

Awang-awa naman si Mina sa mag-ama kaya’t maski nakapagtapos naman siya ng pag-aaral ay pumayag siyang maging personal at full-time tutor ni Amber. Kung tutuusin ay parang yaya nga siya ng bata. Malaki ang sahod niya kaya’t hindi na siya naghanap pa ng ibang trabaho. Maski day off niya ay pirme siyang bumibisita sa kaibigan upang paalalahanan ito at gabayan.

“My goodness! Sobrang kalat mo! Halika nga dito!” sabay hampas sa puwet ni Amber. Hagulgol naman ang bata sa sakit ng palong iyon. Palibhasa’y malaki ang bato sa mga singsing ng madrasta at tumama iyon sa manipis na balat ng bata.

“G*go ka, Lucy! Wala kang karapatang saktan si Amber!” galit na galit na saad ni Mina.

Advertisement

“Nabigla lang ako… Sorry, sorry…” sagot ng salbaheng madrasta.

Kakausapin ko si Robin. Hindi talaga pwedeng pag-initan mo na lamang palagi ang bata dahil lang kamukhang-kamukha siya ng mommy niya!” sagot ni Mina.

“Hindi na kailangan, gagawa ako ng paraan para maging close na kami. It’s been 3 years… Going 4 years next month…”

Dahil dito’y pinagbigyan ni Mina ang kaibigan at binigyan ng palugit. Kapag hindi pa nito inayos ang pakikitungo sa bata ay isusumbong na niya ito kay Robin.

Ngunit kahit ano’ng pilit ni Lucy sa sarili ay hindi siya magustuhan ng bata. Palibhasa’y naaamoy at nakikita nito ang tunay niyang kulay. Mabait lamang ito tuwing naroon ang Daddy Robin at lolo’t lola niya.

Sa ika-apat na kaarawan ni Amber ay pinaghanda ito ni Lucy sa isang magarbong restawran sa loob ng isang mall. Dahil maraming bisita at naroon ang mga magulang ni Robin ay nagpapanggap siyang dakilang ina kay Amber ngunit hindi siya nakaligtas sa matalinong dila ng bata.

“OK, birthday girl. Grabe parang hindi ka 4 years old, the way you speak. What is your message to your mom and dad?” wika ng isang host sa party.

Pinagpawisan ng malamig si Lucy at tila nakaramdam ito nang hindi maganda.

Advertisement

Nagkatotoo nga iyon.

“Well she is not my real mom, just my step mom. My message to her is why are you so nice to me when there are many people and only when dad is with us? But if it’s just the two of us you always shout at me and you always hurt and hit me?!” inosenteng tanong ng bata sa harap ng napakaraming bisita gamit ang mikropono.

Napatakip ng bibig si Robin at ang mga bisita sa narinig.

“Uhm hello, thank you sa message mo, dear. Sige, sige… Akin na yong mic,” sinubukan ng host na huwag masira ang party ngunit tuloy pa rin sa pagsasalita ang bata.

“Dad, I know mom is already in heaven but if I have a wish right now… I wish that she can go back… Or if not, just make Tita Mina my mom,” umiiyak na pakiusap ng bata sa ama.

Hindi na nakayanan ni Robin ang nadarama at napahagulgol ito.

“I’m so sorry, love. I’m very sorry that I trusted the wrong person,” sabay tingin nang masama kay Lucy.

Biglang nagtatakbo si Lucy palabas ng venue at mula noon ay hindi na ito nagpakita sa mag-ama.

Advertisement

Galit na galit ang buong angkan ni Robin kay Lucy at sinampahan na rin ng kaso ng mga magulang ni Robin si Lucy.

Ilang taon ang lumipas bago napawalang bisa ang kasal ni Robin at Lucy. Nakulong na rin ito matapos makitang nagtatago sa isang bayan sa Mindanao.

Hindi na rin napigilan pa ni Robin ang damdamin at pinagtapat nito kay Mina na noon pa mang unang araw na masilayan niya ito ay tila tinamaan ang kaniyang puso at natuto siyang umibig muli.

Ngayon ay naisakatuparan ni Robin ang hiling ng anak.

Kinasal si Robin at Mina at mula noon ay walang pagsidlan ng kaligayan si Amber.