Nakipagrelasyon ang Lalaki sa Kanyang Amo; Ito Pala ang Magdadala sa Kaniya sa Presinto

“Sandali lang po ma’am. Baka mahuli po tayo ni Sir,” nag-aalalang pigil ni Anton sa amo niyang si Shiela.

Ngumiti naman ng mapang-akit na ngiti ang babae at isa-isang binuksan ang mga butones ng pang-itaas na damit ni Anton hanggang sa tuluyan nang tinanggal nito ang kanyang damit.

“Huwag kang mag-alala. Wala dito ang asawa ko at bukas ng gabi pa ang balik niya kaya naman atin lamang ang gabing ito,” mapang-akit na bulong ni Shiela sa tainga ni Anton bago ito hinalikan sa labi.

Ilang buwan pa lang na nagtratrabaho bilang driver si Anton sa Alkalde nila sa kanilang lalawigan. Gwapo, matipuno, at batang-bata pa kaya naman hindi katakataka na natipuhan ito ng asawa ng Alkalde.

Lalo na dahil sa may edad na ang Alkalde at bata pa ang asawa nito. Sa katunayan ay pang-apat na asawa na ng Alkalde si Shiela. Kilala ito sa hilig sa bata at magagandang babae kaya hindi nakakapagtakang naka-ilan na ng palit ito ng asawa.

Pinakasalan lang din siya ng babae dahil sa pera, wala itong nararamdaman para sa Alkalde. Sadyang napilitan lang itong pakasalan noon dahil sa utang ng tatay niya sa Alkalde at dahil sa maysakit ang kapatid. Masasabing para siyang binili ng Alkalde. Malaking pera kasi ang kinakailangan niya upang sa pagpapa-opera at pagpapagamot ng kapatid kaya naman pinatulan niya na ang matanda.

Sinubukan din naman ni Shiela na mahalin ang matanda pero hindi niya talaga magawa. Pakiramdam niya ay katawan niya lang ang habol sa kanya ng asawa. Maganda ang mukha at hubog ng katawan ni Shiela. Makinis at maputi din ang kanyang balat kaya naman maraming nahuhumaling sa kanyang alindog, lalo na ang asawa.

“Napaka swerte ko talagang lalaki. Sobrang ganda niyo po ma’am,” humahangang pahayag ni Anton habang nakatingin sa wala ng saplot na si Shiela bago ito halikan ulit.

Advertisement

“’Di ba ang sabi ko sa’yo, call me Shiela pag tayong dalawa lang,” humihingal na sagot ni Shiela sa lalaki.

Akala ng babae ay patuloy na magiging miserable ang buhay niya sa mansyon ng asawa, hanggang sa ilang buwan na ang nakararaan ay biglang dumating sa buhay niya si Anton. Gwapo, matipuno at mabait ang binata kaya naman agad nahulog ang kanyang loob dito.

Hindi niya plinano pero hindi niya rin napigilan ang sarili na akitin ang binata. Noong una ay ayaw nito dahil sa natatakot matanggal sa trabaho, pero desidido siyang mapasa kanya ang binata kaya naman hindi niya ito tinigilan hanggang sa patulan na rin siya nito.

Natapos ang gabi ng paglalaro nila ng apoy ng kanyang among si Shiela. Hindi niya inakalang kinabukasan ang gabing babago sa buhay niya. Ang simula ng kanyang bangungot.

Kinabukasan ng gabi ay pinapunta siya ni Shiela sa Mansion ng madaling araw kung kailan tulog na ang lahat. Dali-dali naman siyang pumunta pero laking gulat niya sa kanyang nadatnan.

“Si-sir?” halos walang boses na lumabas sa pagtawag niya sa Alkaldeng nakahandosay sa sahig. Duguan at hindi kalayuan lang sa katawan nito ay ang isang baril.

Hindi malaman ng binata kung lalapitan ba ang amo o aalis na lang para takasan ang sitwasyon. Napagdesisyunan niyang lapitan na lamang ang amo para tingnan kung humihinga pa ba ito.

Nang makalapit siya at hahawakan na sana ang pulso ng matanda ay bigla na lamang may nagsidatingan na mga pulis at pinosasan siya.

Advertisement

“Huwag kang gagalaw at sumama ka sa’min sa presinto,” saad ng isang pulis habang nakatutok pa sa kanya ang baril na hawak nito.

“P-po? Pero wala po akong kasalanan!” sagot niya sa mga pulis.

“Huwag ka nang magmaang-maangan. Nandyan na nag ebidensya oh. At may nagreport sa’min na nagtatalo daw kayo ng Alkalde at may hawak kang baril,” dugtong pa ng pulis sa sinabi nito.

Sasagot pa sana siya nang makita si Shiela na umiiyak at inaalalayan ng isa pang pulis. Mukhang alam niya na ang nangyayari. Tinignan niya sa mata ang pulis na kausap kanina bago nagsalita.

“Hindi na po ako manlalaban at sasama po ako ng maayos basta ba ipangako niyo sa akin na iimbestigahan niyo ng maayos ang mga mangyayari,” nakikiusap pero madiin na saad niya sa pulis na tinanguan naman ng huli.

“Makakaasa ka boy,” sagot nito bago dinala sila sa presinto.

Gaya ng ipinangako niya ay hindi siya nanlaban at sumama ng maayos sa mga pulis. Nakipag-cooperate din siya ng maayos sa imbestigasyon. Tumagal ng halos dalawang buwan ang imbestigasyon ng kaso.

Walang tigil sa pagdadasal si Anton na sana ay manaig ang hustisya at lumabas ang katotohanan. Ito na lamang ang kanyang pag-asa na makalabas ng bilangguan. Ang makalaya sa salang hindi niya naman ginawa.

Advertisement

“Congrats boy, laya ka na,” tawag sa kanya ng pulis bago binuksan ang pinto ng selda niya. Ito ang pulis na naka-usap niya nung gabing iyon. Tinupad nito ang pangako at tinulungan siyang makamit ang kanyang hustisya.

“Maraming salamat po sir,” buong puso niyang magpapasalamat sa pulis at niyakap ito bago lumabas.

Gaya ng kanyang hinala ay si Shiela nga ang bumaril sa Alkalde. Nagtalo pala ang mag-asawa dahil nalaman ng Alkalde na may relasyon silang dalawa. Hindi sinsadya ng babae ang nagawa pero sa takot na makulong ay idinamay siya nito.

Totoo nga atang sa huli ay hustisya pa rin ang nananaig dahil nalaman pa rin ng lahat ang katotohanan. Buti na lang din at hindi niya hinawakan ang baril kaya walang bakas ng fingerprints niya roon.

Nakulong naman si Shiela at pinagbayaran ang kasalanang kanyang nagawa. Hindi man sinasadya ay kinakailangan niya pa ring pagbayaran ang pagk*til sa buhay ng asawa.

Hindi man mabuting tao ang Alkalde ay nararapat pa rin niyang makamit ang hustisyang nararapat para sa kaniya.