Kahinaan ng Binatilyo ang mga Babaeng May Edad na; Kaya naman Hindi niya Maiwasang Mahulog ang Loob sa Kumare ng Ina

Araw-araw pumupunta ang lalaki sa bahay ng babae, sinisigurado niyang bago siyang ligo at namumuti sa pulbos. Magdadala din siya ng tuwalya para ipalagay ito sa likod niya.

“Omelia, pogi ba ako?” saad ng lalaki sa babaeng kausap. Hinalikan ni Omelia si Vincent sa ilong.

“Naku kang bata ka! Wag mong ginagaya ang nanay mong magsalita at makipag-usap sa matatanda ha. Lagyan mo ng po at opo tsaka tawagin mo akong tita,” wika ni Omelia kay Vincent.

Oo tama kayo. Sampung taon lamang si Vincent nang una siyang mahulog kay Omelia ang kaibigan ng kanyang ina. Si Omelia na 30 years old na.

Nasa ibang bansa ang ama ni Vincent na si Mang Vince. Nagtratrabaho ito bilang isang mekaniko. Ang kanyang ina naman na si Aling Jackie ay nagtuturo ng zumba sa kanilang barangay at isa ring kagawad. Sa edad na 30 anyos ay maganda ang pangangatawan ng ale, lagi nga itong napagkakamalang nasa 20 lamang at walang anak.

Parating nasa court si Vincent pag umaga, sa hapon pa kasi ang klase nito sa eskwela, grade 5 na ang bata. Noong una ay masaya lang siyang nakikita na nag zuzumba ang maraming nanay doon ngunit nagbago ang lahat nang bigla niyang mapansin si Aling Omelia.

Napakaganda ng ale, makinis ang balat, maayos parati ang buhok nito at namumula ang pisnge, sa edad niyang 30 ay mukha lamang siyang nasa 20 dahil narin sa liit ng kanyang katawan. Naka sports bra lamang ito sa tuwing sumasayaw na sobra niyang ikinatutuwa.

“Nandito na naman ang pogi kong inaanak,” bati sa kanya ng ale sabay yakap kay Vincent at hinalikan ito sa pisnge at inamoy ang kanyang leeg.

Advertisement

“Oo mare, sinasama ko na kaysa naman nag-iisa sa bahay,” baling ni Aling Jackie.

“Bukas ay isasama ko si Olivia nang may makalaro itong aking inaanak,” saad ni Aling Omelia. Bago pa magumpisa ang pagzuzumba ng kanyang ina at mga kumare nito ay parati siyang nilalambing at pinanggigigilan ni Aling Omelia na siyang pinagsimulan ng kanyang pagkagusto sa ginang.

Kinaibigan din niya ang anak nitong si Olivia na kaparehas lamang niya ng edad at parati itong pumupunta sa bahay ng babae. Kunwaring makikipaglaro siya o di kaya ay gagawa ng takdang aralin pero ang totoo nito’y gusto lamang niyang makita si Aling Omelia buong araw.

Habang sumasayaw, nagluluto, pagkatapos nitong maligo at habang nasa salas at nanonood ng telebisyon. Alam ni Vincent ng mga sandaling iyon ay gusto niya ang ale. Ramdam na ramdam niya ito. Dala-dala niya ang kagustuhang iyon hangang sa tumungtong siya ng kolehiyo.

“Vincent anak, ikaw ba ay may niliigawan na?” tanong ng kanyang ama habang nag-uusap sila sa telepono.

“Naku tay, wala pa ho. May gusto akong babae kaso mukhang wala akong pag-asa,” saad ni Vincent sa ama.

“Sa anak ko? Walang magkakagusto? Sa guwapo ng lahi natin e kahit sino mapapasagot mo anak,” wika ng ama.

Magandang lalaki si Vincent. Matangkad ito at maputi, matalino rin ang binata at mahilig maglaro ng basketball.

Advertisement

Isang umaga, habang nag zuzumba si Aling Jackie kasama pa ng ibang nanay e napansin niya na nakapako ang mga mata ng kanyang anak kay Omelia, hindi ito nagustuhan ni Aling Jackie kaya kinausap niya ito ng makauwi sila.

“Anak, Vincent. Gusto mo ba si Olivia yung anak ni Omelia? Napapansin ko kasi e parati kang nasa bahay nila. Nililigawan mo ba iyon anak?” tukso ng kanyang ina.

“Naku hindi mama, hindi ko ho type si Olivia,” maiksing sagot nito.

“Anak, may itatanong ako sa’yo pwede ka bang magsabi sa ‘kin ng totoo?” saad ni Aling Jackie sabay lagay ng halo-halo sa mesa para meryendahin nila, Sabado kasi noon at walang pasok ang anak. Hindi sumagot si Vincent bagkus tumingin lamang ito sa kanyang ina.

“Anak, may gusto ka ba sa ninang Omelia mo?” diretsong tanong ng ale.

Napalunok ng laway si Vincent sa tanong ng ina.

“Anak, hindi ako magagalit, kailangan mo lang magsabi sa akin, gusto ko lang malaman anak,” dagdag pa nito.

“Ma, opo gusto ko si Aling Omelia,” maiksing sagot ng anak.

Advertisement

“Anak, alam kong may sarili kang desisyon at may sarili kang puso. Alam ko rin na nasa kolehiyo ka na at gusto mong kumawala sa dikta ng nanay mo. Pero anak, nanay mo ako. Papunta ka pa lang ay pabalik na ako. Hindi naman anak masama magkaroon ng paghanga. Ang akin lang ay huwag na sanang lumalim pa. Anak, subukan mong tignan ang iba mong mga ka-edad, yung sabay niyong magagawa ang mga gusto niyo sa buhay. Bata ka pa anak,” pahayag ng ale.

Hindi sumagot si Vincent.

Pumunta rin ang ina niyang si Jackie kay Omelia para sabihin dito ang natuklasan.

“Mare, may sasabihin sana ako. Huwag mo sanang masamain,” panimula ni Aling Jackie sa kaibigan.

“Mare kasi may problema ako kay Vincent, tinanong ko kung may nililigawan, ang sabi sa ‘kin ay wala. Tinanong ko rin kung may gustong babae, ang sabi sa akin ay ikaw daw,” pahayag ni Aling Jackie.

Nabuga ni Aling Omelia ang tubig na iniinom.

“Jusko mare, wala akong ginagawa sa anak mo pag nasa bahay iyon ha,” depensa agad ng ale.

“Oh siya mare, basta ha. Pinagkakatiwala ko sa ‘yo ang anak ko,” saad ni Aling Jackie.

Advertisement

Dumaan pa ang mga araw at parati pa ring pumupunta si Vincent sa bahay ni Aling Omelia. Kaya naman isang araw ay naisipan ni Aling Jackie na sunduin ang anak niya para mag meryenda sila ng sabay.

Malayo palang ang ale ay may naririnig na siyang umuungol at humihiyaw na babae. Kinabahan ito kaya dali-dali siyang tumakbo patungo sa bahay ni Aling Omelia at pinilit niyang buksan ang pinto, halos basagin niya ang pinto sa galit.

“Omelia, itigil mo ‘yan!” sigaw ng ale. Dali-dali naman binuksan ni Aling Omelia ang pinto na tuwalya lang ang suot.

“Bakit mo nagawa ito sa ‘kin, Omelia?!” lumuluhang pahayag ni Aling Jackie sa babae.

“Ano bang nangyayari?” tanong ng isang lalaki na lumabas sa likod ni Aling Omelia na nakatuwalya lang rin. Lumabas ang asawa ni Aling Omelia na si Manong Javier.

“Hahaha kumpare! Bibiruin ko lang sana kayo na wag masyadong mainit ang pagtatalik at rinig na rinig kayo sa kanto,” itong halo-halo ohh pa welcome ko sa inyo. Sabay abot niya dito sa inumin.

“Mareng Omelia wag mo naman ako lamangan masyado at sa susunod na buwan pa ang uwi ng mister ko habaha,” tumatawang pahayag ni Aling Jackie sa ale sabay halik nito sa pisnge tsaka umalis.

Labis na namumula si Aling Jackie sa kahihiyan na ginawa. Hinanap niya ang anak at nakita niya ito na nakikipagtawanan kasama ang ibang kaklase sa may tindahan ni Aling Bebang.

Advertisement

“Ma! Sakto nandito ka. Bumili nga pala ko ng halo-halo pang meryenda natin,” saad ni Vincent sa ina.

Niyakap ni Aling Jackie ang anak. Sabay bulong ng “Jusko, gabayan niyo po ang buhay ng anak ko.”

Kinaumagahan ay humingi ng paumanhin si Aling Jackie sa kumare at nagkapatawaran naman ang dalawa. Lumipas ang panahon, nakapagtapos ang kaniyang anak, nakauwi na ang kanyang asawa para tumigil sa pagiging OFW.

Ngayon ay kasalukuyang lumuluha ang ale dahil ikakasal na ang kanyang anak. Ikinasal ito kay Shaina. Mas matanda man ang babae sa kanyang anak ng limang taon, hindi na niya ito mapipigil pa dahil nasa tama na itong edad at pag-iisip.

Gaano nga ba talaga kaimportante ang edad sa pakikipagrelasyon?