Inday TrendingInday Trending
Nilingkisan ng Dalagang Ito ang Pinapatansyang Lalaki kahit Asawa na ito ng Kapatid, Labis na Kalungkutan ang Naging Kapalit Nito

Nilingkisan ng Dalagang Ito ang Pinapatansyang Lalaki kahit Asawa na ito ng Kapatid, Labis na Kalungkutan ang Naging Kapalit Nito

“Esmeralda, tama ba ang balita kong asawa na raw ng ate mo ‘yong binatang pinagpapantasyahan mo noong nasa kolehiyo pa lang tayo?” pang-uusisa ni Agnes sa kaniyang kaibigan, isang hapon nang magpasiya silang magkita pagkatapos ng ilang taong hindi pagkikita dahil sa kaniya-kaniyang trabaho.

“Oo, sinabi mo pa! Naging magkatrabaho kasi sila at nakapagpalagayan ng loob hanggang sa magdalang tao si ate kahit wala naman silang relasyon. Kaya ayon, napilitang silang magpakasal para sa bata,” kwento ni Esmeralda habang hinahalo ang binili niyang carbonara.

“Ayos lang sa’yo ‘yon? Hindi ba’t gustong-gusto mo ang binatang iyon?” tanong pa nito na ikinatawa niya.

“Syempre, hindi!” agaran niyang sagot. “Eh, anong balak mo? Makikita mo sila araw-araw na magkadikit sa bahay niyo!” sambit la nito.

“Parang hindi mo naman ako kilala, Agnes! Syempre, habang hindi sila nakakapaglambingan ngayon dahil sa dinadala ni ateng sanggol, ako muna ang lalambing kay Johan hanggang sa makuha ko ang loob niya. ‘Di hamak namang mas maalindog ako kay ate!” patawa-tawa niyang wika habang malanding sumusubo ng pagkain niya.

“Iba ka talaga!” wika pa nito habang pumapalakpak dahilan para sila’y magtawanang dalawa.

Inggit ang tumatakbo sa puso’t isip ng dalagang si Esmeralda simula nang pumutok ang balitang dinadala ng kaniyang nakatatandang kapatid ang anak ng lalaking pinapantasya niya noong siya’y nasa kolehiyo pa lamang.

Imbis na sa binata magalit, galit na galit siya sa kaniyang kapatid dahil dito. Nasabihan niya pa nga ito ng “malandi” sa harap ng kanilang mga magulang nang minsan nitong aminin sa kanila ang problemang kinahaharap.

“Bakit sa dinami-rami ng lalaki, bakit ‘yong binata pang inspirasyon ko para magtagumpay sa buhay?” iyak niya sa kaniyang silid habang kinakausap ng kaniyang mga magulang ang kapatid niyang ngumalngal.

Lalo niya pang ikinagalit ang desisyon ng kaniyang mga magulang na panatilihin ang pagdadalang tao ng kaniyang kapatid at ipakasal pa ito sa naturang binata.

Sa katunayan, sa araw ng kasal ng kaniyang kapatid, gustong-gusto niyang sumigaw ng “Itigil ang kasal!”. Pinigilan niya lang talaga ang kaniyang sarili upang huwag mapahiya ang kaniyang mga magulang sa mga bisitang naroon.

Simula noon, para na siyang sinasakal sa tuwing makikita niyang masaya ang kapatid niya sa binatang mapapangasawa nito at dahil nga gustong-gusto niya ang binatang iyon, handa siyang gawin ang lahat para makuha ito kahit sa maling paraan.

Nang araw na ‘yon, matapos nilang kumain ng kaniyang kaibigan, agad na siyang nagpaalam dito upang maisakatuparan na ang kaniyang plano. “Sakto, sigurong tulog ngayong hapon ang ate ko at uuwi galing trabaho si Johan!” sambit niya habang nagmamadaling makauwi sa iisang bahay na pinamamalagian nila.

Dahil nga palagi niyang binabantayan ang bawat galaw ng lalaki, alam niyang pagkauwi nito, sa kusina ito dumidiretso upang magkape. Kaya naman, siya’y nagbihis ng sexy na damit at nagtimpla ng kape habang hinihintay ang pagdating ng binata.

Mayamaya lang, dumating na ang binata at katulad ng inaasahan niya, binaba lang nito ang gamit at dumiretso na sa kusina. Nang dadaan ito sa likod niya upang kumuha ng baso, hinulog niya ang hawak niyang kutsara at tumuwad sa harapan nito upang kuhanin ang naturang kutsara.

Hindi pa siya roon nasiyahan at nagawa niya pang hawakan ang pribadong parte nito para siya’y makatayo.

“Ay, pasensya na, hindi ko sinasadya,” kunyari niyang wika nang alalayan siya nitong tumayo.

“Ah, eh, ayos lang,” sagot nito.

“Hindi ka ba naaakit sa akin?” bigla niya tanong habang malagkit na nakatingin dito.

“Ano ba ‘yang sinasabi mo?” kunot-noong tanong nito dahilan para lapitan niya ito at haplos-haplusin ang braso.

Panay man ang iwas nito, patuloy niya pa rin itong nilalandi hanggang sa bigla na lang may sumabunot sa kaniya mula sa likuran at siya’y dinala sa banyo at nginudngod sa inidoro.

“Walang hiya kang malandi ka! Kahit buntis ako, mas malakas ako sa’yo!” sigaw ng kaniyang ate na ikinataranta niya.

Nakuha ng sigaw nito ang atensyon ng kaniyang mga magulang na nagpapahinga sa kanilang bakuran. Agad itong nagsumbong nang humangos ang kanilang mga magulang at ganoon na lang ang naging galit ng mga ito sa kaniya.

“Hindi kita pinalaki para umapid sa relasyon ng iba lalo na sa asawa ng kapatid mo!” sigaw ng kaniyang sa kaniya.

Pinalayas siya ng kaniyang mga magulang dahil dito at kahit nagmakaawa siya at nangakong hindi na mauulit, pinagpatuloy ng kaniyang ina ang paghagis ng mga gamit niya palabas ng kanilang bahay.

“Hindi ka namin maaaring kunsintihin!” sigaw nito sa kaniya na lalong nagpaiyak sa kaniya.

Simula noon, namuhay siyang mag-isa. Ni kumusta mula sa mga magulang, wala siyang natatanggap na labis na nagpahirap sa kaniya.

“Sana pala, tinanggap ko na lang ang buhay na para sa ate ko. Ang hirap pala nang wala sila sa tabi ko,” iyak niya sa silid na kaniyang inuupahan.

Advertisement