Pinagtawanan ng mga Malditang Empleyado ang Bumbay na Nag-Apply sa Call Center, Big Time Pala ang Binabangga Nila
Kaga-graduate lamang ni Carla noong isang taon ang bagong pasok lamang siya sa isang call center. Pero hindi siya isang agent na tumatanggap ng mga tawag, na-assign siya sa recruitment ng kompanya. Sila ang mga nag-iinterview at sumasala sa mga nais mag apply bilang ahente.
Para makapasok sa posisyong iyon ay kailangan talagang magaling sa ingles ang isang tao kaya naman proud na proud si Carla dahil siya ang natanggap, taas noo siya palagi lalo na pag tinatawag siyang ‘Ma’am’ ng mga tao. Dahil na rin sa mahigpit ng rules ng kompanya ay bawal silang magsalita ng tagalog kapag may iniinterview, maging security guard nila ay naririnig niyang nag-i-ingles minsan.
“And then I asked her, ‘why should we hire you?’ girl, I tell you, she almost fainted! Her face turned white and she keeps on moving like this,” natatawang sabi niya na ginaya pa ang galaw ng isa sa mga nag apply. Tapos ay muli syang nagsalita, “And then she said ‘Ahmm, bekos aym hardworking person, I hab ability,’ My goodness! Di ko alam how I controlled myself from laughing talaga sa mukha nya. Bakit kasi nagta-try pa? She’s so stupid.”
“How did you reject her?” tanong naman ng kasama niya sa recruitment, maging ito ay tumatawa rin.
“Well, I just told her na we have chosen already and better luck next time, alam mo na mga pambobola,” umirap pa siya.
Wala naman sanang masama kung mag Ingles sila, ang hindi lamang maganda ay pinagtatawanan nila ang mga taong hindi nila kasing galing. Maging ang mga taong naglalakas loob mag-apply sa kabila ng kahinaan dahil gusto lamang magkaroon ng trabaho, minamaliit nila.
Nagkatinginan sila ng kanyang kausap nang may pumasok na isang babae, agaw pansin ito dahil tila iba ang lahi ng babae. Isa itong indiana, ibinigay nito sa guard ang resume at ilang sandali pa ay iniabot na iyon ng lalaki sa kanila tapos ay pinaupo ang babae sa waiting area.
“Ako ba or ikaw?” isang makahulugang ngiti ang nasa labi ng kanyang officemate, mukhang may bago silang pagtatawanan.
“Pwede namang dalawa tayo diba?” sabi niya at napahagikgik pa sila pareho, ang balak nila ay pahiyain ang babae dahil halata namang di ito magaling mag Ingles. Dalawa silang mag-interview rito.
Kahit may ibang nakapila ay inuna na nila ito, pagpasok pa lamang sa kwarto ay halatang kinakabahan na ang babae.
“Name?” mataray na bungad nya.
“Anishka Chopra,” sabi nito. Nanginginig pa.
“Describe yourself in 3 words, then explain why,” sabi naman ng katabi nya.
“Hard working.. Dil–diligent, nice. I’m nice. I think I would be beneficial to the company because I, I know how use of excel you know? Microsoft Excel?” sabi nito na hirap na hirap isipin ang mga salita at putol putol pa.
Nagkatinginan sila, nag eenjoy na sila ngayon pa lang.
“Do you know that if ever we hire you, you will be taking calls. Our customers speak english really well and they wouldn’t listen to you if you speak that way,” sabi ni Carla. Napatungo naman ang indiana at muling nagsalita.
“Give me a chance? I’m really good at computers,my dad taught me. Am I, hired?” tuloy tuloy na sabi nito.
“Hired? Are you kidding?” halos sabay pang sabi nila ng kanyang katabi at isang nakakalokong ngisi ang nasa mga mukha nila. Boba talaga ang babaeng ito, hindi yata nakakaintindi.
Sabay sabay pa silang napalingon nang biglang bumukas ang pintuan ng interview room. Iniluwa noon ang kanilang Site Manager, ang pinakamataas na may posisyon sa branch ng call center nila sa Pilipinas.
“Sir Chandresh!” sabi nila nang sabay, pero di sila napansin ng foreigner na boss. Sa halip ay nakatingin ang matanda sa noon ay nakatungo nang aplikante.
“Anishka! What are you doing here? I told you, you can go directly to my office and you can start working. What are you trying to prove my dear daughter?” sabi ng lalaki na uutal utal rin sa ingles.
Daughter. Ibig sabihin ay anak nito ang aplikante!
Nalimutan nilang ang kanilang amo ay isa ring indiano, hindi man ito magaling magsalita ay magaling naman ang lalaki sa pagpapatakbo ng negosyo at sa computer. Pahiyang pahiya ang dalawa, panalangin na lamang nila na wag magsumbong ang babae. Kaya pala pamilyar ang apelyido nito.
Mula noon ay naging mabuti na sila sa mga aplikante, magaling man ang mga ito o hindi.