Inabuso ng Lalaki ang Kabaitan ng Misteryosong Babaeng Kalbo, Malupit na Parusa ang Inabot Niya
Pagod na pagod si Harry sa kalalakad sa pinuntahang masukal na kagubatan. May nakapagsabi kasi sa kanya na mayroon daw nakatagong kayamanan sa lugar na iyon. Nagtatrabaho siya sa isang opisina sa Maynila at nang mabigyan ng pagkakataon na magbakasyon ay sinamantala niya na at bumyahe siyang mag-isa. Idagdag pa na likas siyang mukhang pera, nang marinig ang tungkol sa kayamanan ay di na siya mapakali.
“Kanina pa ako paroo’t parito pero wala naman akong nakikita kahit puwit ng baso,” inis na sabi sa sarili.
Ilang oras na siyang naglilibot ngunit tila wala siyang napapala. Hanggang sa marating niya ang isang batis.
“Uy, mukhang malinis at malamig ang tubig!” aniya.
Nagmamadali niyang pinuntahan ang batis at ininom ang tubig na naroon.
“Ang sarap at ang lamig!”
Nang biglang may boses siyang narinig sa kanyang likuran.
“Sino ka, anong ginagawa mo rito?” tanong ng isang magandang babae.
Nagulat siya nang makita ang babae. Hindi siya makapaniwala na mayroong ganon kagandang babae sa gitna ng kagubatan. Bukod doon, kakaiba talaga..kasi kalbo ito.
“Ako nga pala si Harry. N-Naligaw kasi ako, miss! Nangangaso kasi ako nang hindi ko namalayan na nawawala na pala ako,” palusot niya.
“Ganun ba? Ako nga pala si Malusa at malapit lang rito ang bahay ko,” sabi ng babae.
Lalong hindi makapaniwala si Harry na isang magandang babae ay nakatira sa gubat.
“Mukhang pagod na pagod ka na nga. Sumama ka sa akin para makapagpahinga ka at makakain!’ yaya nito sa kanya.
Nabigla ang lalaki sa ginawang pag-anyaya ng babae. Alam naman nitong hindi siya nito lubos na kilala ngunit inimbitahan pa siya sa bahay nito.
Tinahak nila ang masukal na daan patungo sa tirahan ni Malusa. Laking gulat niya nang makita ang isang napakagandang bahay na di niya inakalang nakatayo sa liblib na lugar.
“Wow, ang ganda ng bahay mo!” aniya.
“Ipinamana ito ng mga magulang ko sa akin mula nang pumanaw sila. Mag-isa lang ako dito at walang kasama,” wika ng babae.
Biglang may kung anong pumasok sa utak ni Harry.
“Mag-isa pala at wala siyang kasama rito, hmm!” bulong sa sarili.
Pagpasasok pa lang nila sa sala ay mas lalo siyang namangha dahi lahat ng kagamitan sa loob ng bahay ay gawa sa ginto. Mula sa upuan, mesa, pigurin at dekorasyon ay gawa sa purong ginto.
“Totoo ba itong nakikita ko, Malusa?” gulat niyang wika sa babae.
“Oo, totoo ang lahat ng nakikita mo, Harry. Halika at maupo ka muna!” yaya nito sa kanya sa ginintuang upuan.
“Napakayaman pala ng babaeng ito! Mantakin mong gawa sa ginto ang lahat ng kasangkapan dito.” aniya sa sarili.
“Maiwan muna kita, pupunta lang ako sa kusina at maghahanda ng pagkain. Maupo ka muna riyan at magpahinga!”
Nang wala na ang babae ay patuloy niyang pinagmasdan ang mga gintong kasangkapan sa loob ng bahay. Bigla niyang naalala ang tungkol sa hinahanap na kayamanan.
“Hindi kaya ito ang tinutukoy na kayamanan ng mga kasamahan kong mountaineer? At si Malusa ang nagmamay-ari ng mga iyon.”
Nang biglang may mapansin siyang gumagalaw sa sahig. Laking gulat niya nang malamang ahas iyon na gumagapang sa ginuntuang carpet.
“Agad niyang hinuband ang suot na jacket at tangkang hahampasin ang ahas nang bigla itong gumapang nang mabilis at nawala sa paningin niya.
“Nasaan na ang pesteng iyon?”
Bigla namang dumating si Malusa na may dalang pagkain at inumin.
“Nainip ka ba?” wika ng babae.
“M-may alaga ka bang ahas?” tanong niya sa babae.
“Anong ahas?” anito.
“May nakita kasi akong ahas na gumagapang sa sahig at nang tangkain kong hampasin ay gumapang nang mabilis at di ko na nahanap kung saan nagsuot.”
Napakunot ang noo ni Malusa.
“Ay, baka may nakapasok na ahas sa bahay ko. Palagi kasing nakabukas ang bintana dito, baka dun pumasok. Marami ngang ahas dito pero hindi naman sila namemerhuwisyo.”
“Hindi ka ba natatakot na baka bigla kang tuklawin ng ahas na makakapasok sa bahay mo?” tanong ng lalaki.
“Hindi. Mas nakakatakot kung isang masamang tao ang pumasok rito di ba, kaysa sa ahas,” sagot ng babae.
Inilapag na nito ang dalang pagkain at inumin sa maliit na mesita. Di naman nakaligtas kay Harry ang malusong na dibdib ni Malusa nang yumuko ito.
“Ang ganda talaga ng babaeng ito at napakalaki ng boobs!”
Hindi na niya napigilan pa ang kanina pa niya naiisip na gawin. Tuluyan nang pinasukan ng kademonyohan ang utak niya.
Bigla niyang hinila sa braso ng babae at niyakap ito ng mayroong pagnanasa.
“Alam mo, kanina pa ako nagpipigil pero hindi ko na kaya! Napakaganda mo, Malusa. Nang makita kita kanina ay gusto na kitang papakin. At nang makita ko ang itinatago mong kayamanan sa loob ng bahay mo ay mas lalong nag-apoy ang aking hangarin na maangkin ka. Pagsasawaan ko muna ang iyong katawan pagkatapos ay lilimasin kong lahat ang mga ginto mong kasangkapan, haha!” bunyag ng lalaki.
“Isa kang malaking hangal!” galit na sigaw ng babae.
Nang biglang mag-iba ang anyo ni Malusa. Nagsilabasan ang mga ahas sa kalbong ulo ng babae. Nag-iba rin ang kulay ng balat nito na parang kulay ng isang ahas.
Napasigaw si Harry nang matuklasan ang itinatagong lihim ng babae sa gubat.
“Layuan mo akoo! Sino ka ba talagaa!”
“Ako si Malusa, ang Bathaluman ng mga ahas. Tinulungan kita sa pag-aakala kong ikaw na ang lalaking hinahanap ko na pamamanahan ko ng aking kayamanan pero nagkamali ako. Isa ka rin pala sa mga lalaking ang nasa isip lang ay kamunduhan at ang hangad ay ang pansariling kagustuhan. Pagbabayaran mo ang kabuhungan mo!”
Sa isang kumpas lang ng kamay nito ay biglang nagbago ang anyo ni Harry.
“Huwaag! Anong ginawa mo sa akin? huhu!” sigaw ng lalaki.
Huli na nang malaman ni Harry na siya ay naging ahas. Isang napakalaking ahas.
“Iyan ang nababagay sa mga katulad mo!” wika ng Bathaluman.
Matapos noon ay nagsilabasan rin ang iba pang ahas sa loob ng bahay ni Malusa.
“Humayo ka, Harry at samahan mo ang mga kagaya mong ahas!” malakas na tawa ng babae.
Kung hindi sana pinairal ni Harry ang kamunduhan at kasakiman ay hindi niya sasapitin ang sumpa ng babaeng ahas. Kung nagpakita lang sana siya ng respeto ay milyonaryo na sana siya dahil sa ipamamanang kayamanan ng diwata.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!