Tinuhog ng Babae ang Magkapatid at sa Huli ay Pinili Niya ang Mas Mayaman, Pero Na-Tanso pala Siya
Mag iisang taon palang na magnobyo sina Grizelda at Marco. Mahirap lang ang pamilyang pinanggalingan ng lalaki pero ma-prinsipyo naman ito at masikap sa buhay. Samantalang si Grizelda, tipikal na ambisyosa. Kaya niya lamang pinatulan si Marco ay nauutus-utusan niya ito at kapag may hiniling siya ay ibinibigay, pinaghihirapan nga lang muna kaya naiinis siya.
“Babe, sabi ko kina Janina isabay na ako ng order ng shoes online. Post valentines gift mo na sa akin,” lambing niya sa boyfriend. Niyakap niya pa ang braso nito at sumandal sa balikat ng lalaki.
“H-ha? Sige, magkano nga yun?” sabi naman ng lalaki.
“7,000 lang babe,” sabi ni Grizelda sa loob-loob niya ay napairap pa siya dahil ang cheap ng boyfriend niya. Nagtatanong pa ng price, ayaw bumili nalang nang bumili.
Tumango na lamang si Marco, lihim na napabuntong hininga. Mukhang magtitiis nanaman siya sa baon niyang isda buong linggo, bukod kasi sa mga luho ng girlfriend niya, siya rin ang sumusuporta sa kanyang ina. Ikalawang pamilya lamang sila ng kanyang ama pero kahit na ganoon ayaw niyang ipadama sa mama niya na kawawa ito.
Bigla niyang naalala na may handaan nga pala sa kanilang bahay sa susunod na Linggo,tamang tama. Ipapakilala niya na rin sa ginang ang kanyang nobya.
“Baby sa Sunday, dadalhin kita sa bahay namin ha? Papakilala kita kasi birthday ni mama. Baka makilala mo rin yung mga kapatid ko,” nakangiting sabi ni Marco.
“May mga kapatid ka? Akala ko ba only child ka?”
“Sa labas, may kuya ako at ate. Anak sila sa unang pamilya ni papa pero magkakasundo naman kami,” sabi ni Marco.
Bastardo; sa isip isip ni Grizelda. Ayaw niya mang pumunta ay umoo nalang siya. Palibhasa ay may kailangan.
Pagsapit ng Linggo ay nag-ayos si Grizelda, simpleng-simple lang ang bahay nina Marco at sapat lang din ang handa. Maya maya pa, napanganga ang babae nang isang magarang kotse ang tumigil sa harap ng bahay.
“Babe, sino sila?” tanong niya sa nobyo.
“Ah, sasakyan yan ng kuya ko… si Kuya David.”
Bumaba ang isang gwapong lalaki at kulang nalang ay malaglag ang panty ni Grizelda. Kung tutuusin mas may itsura si Marco, pero syempre mas bet niya si David dahil may kotse at mayaman.
Hah, baka katulong lang ang nanay ni Marco na lumandi sa amo, sa isip isip niya pa dahil mukhang mayaman ang unang pamilya ng nobyo.
Ipinakilala siya ni Marco sa kuya nito at medyo pinisil niya pa ang kamay ng lalaki nang magshake hands sila. Tila naintindihan naman nito iyon at lihim na nakikipagtinginan na rin sa kanya.
Bago matapos ang kagabi ay pa-sikretong inabot pa ni Grizelda ang kapirasong papel kay David, doon ay nakasulat ang cellphone number niya.
Kalaunan ay nagkaroon ng lihim na relasyon ang dalawa. Walang kaalam alam si Marco na iniiputan na siya ng sarili niyang kuya sa ulo.
Magkasabay na kumakain sa opisina ang mag-nobyo nang bigla na lamang nasuka si Grizelda, “Ang baho naman ng adobo!” sabi nito. Nagtaka si Marco, paborito ng babae ang adobo at kahit kailan ay hindi naman ito nabahuan.
Tumakbo ang babae sa banyo at doon ay naduwal nang naduwal.
Imposible.
Imposibleng buntis siya, sa isip ng lalaki. Kahit naman kasi anong pagmamahal niya kay Grizelda ay pinipigil niya ang sarili dahil mahal niya ito. Nais niyang kapag kasal na sila saka gawin ang bagay na iyon.
Samantalang nakangiti naman si Grizelda, tagumpay ang plano niya na magpabuntis kay David. Sa ganitong paraan ay makakatakas na siya kay Marco, instant yaman pa.
“Pasensya kana bro, ganun talaga ang buhay. Minsan ‘pag akala mo sayo na, hindi pa pala. Marami ka pa naman makikita dyan. Baka para kami talaga ni Grizelda ang sa isa’t isa,” mayabang na sabi ni David at isinakay sa kotse niya ang babae. Naiwan si Marco na wasak ang puso at luhaan.
Pero di tulad sa inaasahan ni Grizelda ang madaratnan niya, akala niya ay ititira siya ni David sa isang malaking bahay pero nagulat siya nang sa isang makipot na apartment sila nakarating.
“This will be your place,” simpleng sabi nito.
“My place? Bakit hindi ka ba dito titira?” sabi ng babae.
“Are you crazy? Gusto mo bang patayin tayo pareho ng misis ko? Ready ka naman siguro sa ganitong set up since sumama ka naman sa akin,” sabi nito at inakbayan siya.
“Hindi ko alam na may asawa ka!” bulyaw niya sa lalaki.
“Oh edi now you know. Take it or leave it, ito lang maibibigay ko.”
Wala nang nagawa si Grizelda, huli na nang matuklasan niyang tanso pala si David at hindi ginto. Parang basura rin siya kung ituring nito, malayong malayo kay Marco. Ang kotse nito ay hulugan lang pala at konti lang din magbigay ng pera dahil may dalawang anak pa ito na magkaiba ang nanay- bukod pa sa anak nila.
Ilang taon rin ang nakalipas at nabalitaan ni Grizelda ang engrandeng kasal ni Marco, sa sipag at tyaga kasi ng lalaki ay na-promote ito sa trabaho at nakapag ipon. Ngayon ay may sarili nang bahay at sasakyan, habang sya, nananatiling keridang itinatago sa nabubulok na apartment.
Magsisi man siya ay huli na, ito na ang pinili niyang buhay.